Chapter 7.2

61 5 3
                                    

After that song, bumaba  na agad ako ng stage. Nagpalakpakan pa sila. Parang sira lang. Sa bar may nagpapalakpakan dahil lang may praning na bagong banda ang tumugtog. Ngayon lang ako nakaencounter ng ganto.

Akala ko talaga kaunti lang tao sa bar na ‘to pero mali ako.

Uminom naman ako ng tubig. Iba na ‘yung kumakanta sa stage. ‘Yung babaeng naabutan namin nang dumating kami rito.

Nagpunta na muna ko ng CR, hindi para umihi but to see what’s my look. Inayos ko lang buhok ko. Then, lumabas na din agad ako.

“You have a good voice.”

“Thanks.” Naglakad na ko palayo sa CR. Nakasandal ‘yung babaeng nakared dress sa wall nung paglabas ko. Nagulat ako nun. I didn’t expect that she’s there, at sa tapat pa talaga ng men’s comfort room although malapit din naman ang cr ng girls dun.

“Nice bro.” Salubong na bati sakin ni Lance.

“C’mon, le’ts drink.” Pagyayaya ni Harold. May hawak na syang bote.

“Hello.” Someone greeted. She’s beside me. The red dress girl. I’m a bit awkward, yung kamay nya tumatama sa hita ko. Sinasadya nya ba o hindi? Ugh.

“Hello miss.” MJ greeted back. Inakbayan ako ni MJ kahit hindi nya ganun kaabot ang balikat ko. Salamat sa kanya, kung ‘di baka sa iba na nakadikit ‘yung kamay at braso ni red dress girl.

“By the way, I’m Maja. Majarot.” She laughed on her own words. “I’m just a joker. Tawa naman kayo dyan.”

Pilit naman kami sa pagtawa. Maja pala pangalan nya. Tss. Si Lance, kakaiba ang titig sa babaeng ‘to. I smell something.

“What’s your name?” Tumingin sya sakin. Umiwas naman ako ng tingin. Napunta ang tingin ko kay Lance. Sa tingin ko may gusto syang sabihin. Naalala ko tuloy bigla ‘yung araw na nasa beach kami. Tatang naman oh. That day was one of the most embarrassing moments of my life.

Binalik ko naman na ‘yung tingin ko kay Maja. “Chris. I’m Chris.” Pagpapakilala ko. She’s offering her hand so inabot ko na rin ang kamay ko.

“Nice name.” Hindi nya pa binibitawan ang kamay ko.

“I’m MJ.” Singit na pagpapakilala ni MJ. Pilit nyang tinanggal ang pagkakahawak nung Maja sa kamay ko.

“Ah tomboy ka?”

“Ah oo. Bakit?” Kunot noong tanong ni MJ kay Maja.

“Wala lang.” Maja said.

“Ah pre, iwan ka muna namin ah.” Lance said. Hinatak pa nito si Karl at Harold.

“Dito muna tayo.” MJ stated.  “O baka gusto nyo dun na kayo, dito na ko kasama si Chris.” Nagmamatigas si MJ na magpaiwan. Wala naman nagawa nang hilahin na sya ni Harold at Lance. Parang mannequin nilang binuhat si MJ.

“Ano ka ba? Iwanan na natin dyan sa chix. Pa’no magkakagirlfriend ‘yan kung ‘di didiskarte mag-isa. Hayaan nating matuto.” Narinig ko pang sinabi ni Lance kay Mj.

“Hoy! ‘Wag nyo naman akong iwanan.” Sumunod ako sa kanila pero pinigilan ako ni Lance. Ngumuso sya kay Harold. Nagkaintindihan naman sila. Kinaladkad na ni Harold si MJ. Si Karl, pinapanuod lang ang mga nangyayari. Wala na naman yatang pakialam.

“Chris.” Napatingin ako kay Lance. Bigla naman syang umakbay sakin. “Ito na bro. Babae na ang lumalapit sayo. Do the moves.Try it bro. Magpakalalaki ka.” Bulong nya sakin.

Tumingin sya kay Maja. He smiled. Maja smiled to him then to me. I smirked.

Tinulak na ‘ko ni Lance. Naggoodluck pa nga ang kupal. Tumingin naman ako kay Lance, bigla na lang nawala sa likuran ko. Humarap na lang ako kay Maja. Ang babaeng kumausap sakin sa convenience store, kaharap ko na ulit.

Inaya nya ko sa isang table na may apat na upuan. Nag-offer sya sakin ng maiinom pero tinanggihan ko. Nagdahilan akong ayaw ko na lang mapaos kasi kakakanta ko lang.

Sampung minuto siguro kaming nagngingitian. Walang gusto magsalita.

“Available ka bukas?” she cracked.

“Siguro. Bakit?” maikli  kong sagot.

“Ah. Ano. Uhm. Papasama sana ko sayo. Okay lang ba?”

Hindi ako sumagot agad. Nagdadalawang isip ako. Hindi ko sya kilala. Babae sya. Wirdo pa. Atsaka bakit nya ko aayain? Hindi nya rin ako kilala. Pano kapag may nangyaring masama sa kanya habang kasama ko sya, e’di kargo ko pa. Kasuhan pa ko ng kidnapping. ‘Wag dapat akong pumayag.

‘Try it bro. Magpakalalaki ka.’ Singit ng isang boses sa utak ko. Tss. Tangina mo Lance. Tigilan mo ko. Pati sa utak ko sisingit ka pa. Tangina mo rin, gago. Ano? Umoo ka na. Ito na. Nanggagago ka pa.

Nakatingin sakin si Maja. Naghihintay ng isasagot ko. She’s smiling. I nodded.

She smiles widely. “So pwede ka. Ah. Pwede ko na rin makuha number mo?”

Woah. Oops. Prepreno din. Aba. Ang bilis magpatakbo. Tss. Mabilis na lang akong napailing. “Sorry pero hindi ako nagbibigay basta ng number ko.” I shrugged.

“Okay.”

Bigla na lang syang natahimik.

“Anong oras bukas?” Tatapusin ko na ‘tong usapan na ‘to. Naiilang kasi ko sa pagtitig nya. Nangiti naman agad sya sa tanong ko.

“10am? Is the time fine?” English na naman.

“Osige. 10am. I’ll be on 7eleven. Sa malapit sa Cathedral. Malapit sa dating DOST office.”

Uminom muna sya. “Sure.”

STAND BY (SHE MADE ME CRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon