ANG TAGAL KONG HINDI NAKAPAG-UPDATE. TSS. ANG HIRAP NG MAY PASOK.
------------------------------
Maaga kong nagising para makapagjogging. Nag-alarm pa ‘ko ng maaga para lng magising kaya lang ‘di naging jogging, napunta sa pagbibisikleta.Nagknee at elbow pad lang ako. Tinawagan ko ang mga kupal pero walang sumasagot. Wala tuloy akong kasama.
Sa labas ako ng sub nagbike. Pupunta ko ng bayan. Masaya sana kung may kasama kaya lang tamad talaga mga barkada ko.
May mga pulis na nagja-jogging sa likod ng capitol grounds. May matatanda rin. Lunes nga pala ngayon, maaga dapat ang lahat.
Ala sais na nung huminto na ko sa pag-ikot sa buong compound ng kapitolyo. Saglit lang ako nagpahinga tapos nagbike na ulit ako papunta ng McDo para kumain.
Halos mabibilang sa mga daliri sa kamay ang tao. Umorder naman na ko agad. Matapos iabot ng crew ang order ko, humanap ako ng mauupuan. May magandang pwesto naman akong nakita. Inilapag ko ang tray na may McCafé at pancake sa mesa. Sa harapan ko may dalawang babaeng nagkwe-kwentuhan, sa may malapit sa pinto may tatlong matatanda. Siguro na mid 40’s ang age. May couple na din agad, di ko lang talaga sigurado kung magkupol ba ‘yun. Basta nakasuot sila ng pangnurse. Baka galling sa duty. Napag-isip isip ko tuloy na parang ang loner ko. Mabuti na lang maganda ang tugtog sa Mcdo.
Magsisismula naman n asana ko kumain kaya lang may tray na binaba sa mesa. Naptingin tuloy ako.
“Patabi ah.” She smiled widely. “Nakakahiya kapag mag-isang kumakain. Lakas makaemo, dude.”
Nasa harap ko sya. Gindi ako makapagsimulang kumain dahil napatulala na lang ako. Nakasuot sya ng medyo fitted na top, naka- stretchable short shorts na halos pantay na sa tuhod.
“Oy wag kang tumunganga dyan. Kumain ka na.”
Nakasmile sya sakin habang sinasabi nya ‘yun. ‘Di ako makapaniwala sa babaeng nasa harap ko. Ang layo ng itsura nya kapag nakashorts ng maong at maluluwad na tshirts.
“Are you going to eat? If not, ako na lang kakain nyan. Nakakagutom pa naman magbike sa buong park.”
“MJ?” nakasalubong pa ang dalawang makakapal kong kilay ng banggitin ko ang pangalan nya. “Lang’ya, kelan ka pa natutong magsuot ng ganyan?”
Natawa sya sa nasabi ko. Gusto kong magmura sa nakikita ko. Maikli lang buhok nya at aakalain mong lalaki sya. Pero ngayon na walang wax ang buhok nya, “grabe, ikaw ba ‘yan?”
“Kumain ka na lang. Pawis lang ‘yan.” Mahinahon na sabi nito sakin. Nagsimula naman na ‘ko kumain. Nadidistract ako sa kanya. Shet lang. Babaeng babae.
Tuwing susubo ako ng pancake ‘di ko maiwasang mapatingin sa kanya.
“’Yan ganyang mga titig mo, bro, iba na ‘yan.”
“Gagu, ‘di lang talaga ‘ko makapaniwala.”
![](https://img.wattpad.com/cover/15877334-288-k907585.jpg)
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
Fiksi UmumNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...