PROLOGUE

753 54 34
                                    

(Xero and Abigail) At the picture
Dont forget to vote and comment. And please support this story until the end.
Support my very first story

**********************************************************************************

"68,69,70,71,72--"

Napatigil ang pagbibilang ko sa kambing, nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Malapit na eh, malapit na sana akong makatulog. Piste talaga, kung bakit ba naman ako nagkaron ng insomnia.

Narinig kong tunog ng aking cellphone. Oo nga pala, may tumatawag.

Dali dali kong kinuha ang cellphone kong na nasa tapat lang ng kama ko. Tsk, si Kyla lang pala. Madaling araw na, tatawag tawag pa ito. Ano bang trip ng babaeng to, sarap batukan.

"Oh? Kailangan mo?" Talagang nilagyan ko ng inis ang tinig ko para naman aware syang nakakairita ang pagtawag nya ng madaling araw

"Abigail! May nalaman akoo!! Pramis magugulaat k--"

"Bat kasi hindi mo na lang diretsohin!"
Nakakabwisit, sinira banamn yung pagbibilang ko ng kambing.

"Okay, okay easy ka lang! Nagbibilang ka na naman ng paborito mong kambing!"
Natatawang sabi nya.

Psh! Mabilaukan ka sana!

"Buti alam mo na Sinira mo pagbibilang ko!"

Banas na banas na talaga ako, ang hirap kayang papikitin ng mga mata ko.
Nakaka asar talaga!

"HAHAHAHA! Shurih na! Sasabihin kona!"

Hindi nalang ako kumibo, para marandaman nyang malapit ko na talaga syang ma
i-block.

Narinig ko ang pagtikhim nya bago magsalita.

"Abigail... naaalala mo paba yung account na chinat mo?" Seryosong sambit ni kyla.

Napakunot ang maganda kong noo.

"Oh? Anong meron?" Bagot na sabi ko.

Napahiga ulit ako sa kama at pumikit. Mukang mas magandang pampa antok si kyla.
Bigla akong napahikab,marahil sa sobrang pagod.

"PATAY NA YUNG CHINAT MOO!! Abigail!! PATAAAAY NAA!"

Napaupo agad ako sa kama dahil sa matinding kaba na nararandaman ko. Ewan koba kung saan Ako kinabahan sa pagsigaw ba ni Kyla o sa sinabi nya.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis, bilis ng tibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim at inalis ko sa isipan ang kakaibang nararandam.

"P-paano mo na, naman na sabi? Siguro na nood ka na naman ng horror movie! Nako talaga, Kylaa! Wag mo kong idamay sa kalokohan mo." Mahinahon kong sabi, kahit libo libong balahibo na ang tumatayo sa buong katawan ko.

B-bakit ganito? Bakit bigla kong narandaman ang ganitong kaba sa paligid ko?
Tila ba... may nakamasid sa bawat galaw ko.

" isesend ko nalang ang screen shot ko sayo."

"Ka-kyla--" napitol ang pagtawag ko sakanya ng patayan nya ako ng tawag.

Nabuntong hininga nalang ako. Ng marandaman ko ang biglaang pag ihip ng malamig at malakas na hangin. Shit. Bakit ba parang may nakamasid talaga saakin.

Halos mapatili ako sa tunog ng phone ko.

Nanginginig kong inabot ang phone ko na nasa tabi ko.

Ito na siguro yung sinasabi nya. Dali dali kong binuksan ang sinend ni Kyla. At halos... natigalgal ako sa nabasa.

Post sya sa facebook na nakatag kay Xero. It was posted 30 minutes ago.

"Hi.... hindi ko alam kuya, kung anong masasabi ko. I miss you kuya. I really do.
Its been what? 3 years? Simula nung mawala ka saamin nila mama.
Your bipolor and masungit, but your just showing that because, your just shy to show it
That your a sweet and kind hearted guy. Kuya... i love you, no, we love you so,so much.
Miss kana ng mga fans mo.

#3rdDeathAnniversary."

Ito na naman yung pakiramdam na may nakamasid sa bawat galaw mo.
Napasinghap ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Damn. Halos mapatili ako.
Napahinga ako ng malalim at sinagot ang tawag ni Kyla.

Badtrip aatakihin ata talaga ako sa puso dahil sa kilabot na nararandaman ko.

Diko na talaga na gugustuhan ang atmosphere sa kwarto ko.
Yung feeling na hindi lang ako ang tao sa kwarto ko. Yung feeling na...na dalawa kayo sa kwarto.

"Ano, ano Naniniwala kana?" Seryosong sambit ni kyla.

"Oo na! Pero ano naman kung ganon nga? Atleast nga hindi ako minesege o nag reply back. Kasi kapag nagreply nga, baka atakihin--"

Nang biglang tumunog ang phone ko.

Bumagal ang pag tibog ng puso ko, dahil sa lumabas sa gilid ng screen ng phone ko.


"Xero Messaged you."

"Abigail?"

Shit. No... it can't be.

"Abigail ayos ka pa ba?!!" Nabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Kyla.

"Kyla I have to--" shit. Great. Just great.

Bakit ba ngayon pa nawalan ng signal?

Napatingin ako ulit sa screen ng cellphone ko ng tumunog ito.

Namutla ako sa nabasa ko...











"XERO IS CALLING..."

DID HE REALLY DIED?! (ON - GOING) (under revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon