Third person P.O.V
Malaki ang eyebag na pumasok si Dark, halos hindi sya pinatulog ng takot kagabi.
Ikaw ba naman, i-messege ng patay, aber?
Tinary nya narin ang mag tanong sa nang tag kay Marcus, kung mayron pabang nakakaalam ng account ni Marcus.
Aba, malay nya bang kung hindi Legit yun? Baka pinag tritripan lang pala sya.
Pero, wala na daw talaga. Hindi daw nagsasabi ng personal na bagay ang kapatid nitong si Marcus.
Inis -screen shot pa nga nya ang mga Messege ni Marcus sakanya, pero laking gulat nya ng hindi man lang ma-deliever ang Screen shot nya. Tinary nyang mag send ng kung ano-anong picture sa kapatid ni Marcus, pero na se-send naman.
Halos mabaliw sya sa pagtataka, pero bakit kaya ayaw masend?
Tinary nyang pakalmahin ang sarili pero, hindi talaga sya makalma. Paano sya kakalma kung panay ang messege ni Marcus sakanya.
Kesho, Tulungan nya daw ito, ang taray ng multo nayun. May pa emoji-emoji pa na heart.
Lutang na pumasok si Dark sa Classroom nila, sya palang pala ang nandodoon. Napabuntong hininga sya at naupo saka yumuko sa mga braso nya.
Nag-vibrate ang Cellphone nya ng sunod-sunod, sandaling kinuha nya ang cellphone at saka tinignan ang nag-messege.
Namutla sya sa nabasa.
Marcus; Hi, good morning! Bakit magisa kalang ngayon sa Classroom nyo?
Dali-dali nyang tinurn off ang phone at nilibot ang mga mata sa buong Classroom. Sa sobrang takot nya ay lumabas sya ng Classroom.
Habang tumatakbo ay may nabangga syang matigas na katawan.
"AHHHHH!!" Sa sobrang takot nya ay napa upo sya sa sahig at napa takip ng muka.
"HAHAHAHHAHAHA" napaanngat sya ng tingin dahil sa pamilyar na tawa.
"Punyenas ikaw lang pala yan Jethro!!" Tumayo agad sya at sinapok sa ulo ang walang hiyang tumatawang lalaki.
"Hahahha--aray!" Tumatawa lang ito habang iniiwasan ang mga hampas ng dalaga.
Nang tumigil ang dalaga dahil sa pagod ay sumeryoso na ang muka ni Jethro.
"May nang gagambala ba sayo?" Naiilang na napailing ang dalaga dahil sa malalim na pagkakatitig ng binata sakanya.
"A-amm wa-wala naman. Medyo nagulat lang ako." Mas pinili nalang ni Dark na huwag ng ipaalam sa iba, dahil sinubukan naman nyang isend sa iba, pero not deliever palagi.
Para bang sinasadya ng Multong yun na sya ang guluhin. Langya. Bakit sya pa kasi? Hindi naman sya espiritrista!
"You, sure?" Nagaalalang tanong ni Jethro kay Dark.
Napalunok muna si Dark bago sumagot. "Oo, naman. Tara na jeje" pilit nyang pinasigla ang boses.
Napipilitang tumango nalang ang binata sa dalaga.
**********
Lunch na, at silang apat lang ang sama-samang kumakain, si Jethro kasi ay nasa isang barkada nitong mga lalaki.
Kanina pa napapansin ng tatlo ang pagkabalisa ni Dark habang nakatitig lang sa Cellphone nito.
Ni hindi man lang nito nababawasan ang pagkain na inorder.
Sa sobrang inis ni Kyla ay hinablot nya ang Cellphone ng dalaga.
"Ano bang meron dito Dark? Sinabi kolang naman na patay nayan. Pero ang O.A mo naman ata, kung hanggang ngayon pro-problemahin mo payan." Agad na tumingin din si Dark sa Cellphone sya.
Laking gulat nya ng wala na syang makitang messege ni Marcus sakanya.
Paanong nangyare yun?! Naguhuluhan na tanong ni Dark sa kanyang sarili.
Kanina lang kasi ay panay messege ito sakanya.
Kesho, bakit hindi nito ginagalaw ang pagkain, na ang hina naman nya sa Geometry. Jusme, ibig sabihin naa paligid lang ang Multong yun.
Paano nito nalaman na nag e-exam sya ng Geometry? Katabi nya ba ito? Pero imposible naman ata, alanganamang naki-kandong ito kay Jethro.
"Imposible! Argh!!" Naguguluhan na napahilamos sa muka si Dark. Paano nawala nalang yun bigla?
Ang tanging nakikita nalamang sa Messenger nya ay, yung mga minessege nya kay Marcus.nung nakaraan para ipakita sa ex nya na nakamove on na sya.
What The hell is happening?! Nababaliw na tanong ni Dark sa sarili.
Naguguluhan na nagkatinginan sila Xanya, Xandria at Kyla.
Baliw naba ang kaibigan nila? Dahil Sa itsura nito ngayon ay parang nasisiraan na ito ng ulo.
Hindi alam ni Dark kung namamalik mata lang ba sya sa nakita, nang mapatingin sya sa pinto ng labasan ng Canteen.
Dahil, dahil... may nakita talaga syang gwapong lalaki nakangisi sakanya.
Hindi sya pwedeng magkamali!! Si Marcus nga ang lalaking yun!
Mas lalo syang nagitla sa nasaksihan
nang kumindat pa ang gwapong multo sa sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/126781970-288-k414707.jpg)
BINABASA MO ANG
DID HE REALLY DIED?! (ON - GOING) (under revised)
Genç Kurgu(BARKADA SERIES#1) Sa panggugulo ulit ng Ex ko ay, kinakailangan kong ipakita sa kanya na hindi ko na sya mahal, na hindi nako nasasaktan, at hindi na ako ang dating Dark. kaya naman nagchat ako ng isang account na hindi na gamit. And it turns out...