DARK P.O.V"Sumakay kana!! Bagal, bagal." Sigaw ko kay Marcus na walang ginawa kung di kumain, ng kumain!
"Hoy!! Pasok na sabi eh! Mamaya may makakita nanaman ng pagkain na lumulutang!"
Kanina kasi may matandang babae na papasok ng Elevator, tapos nakalimutan kong si Marcus pala ang may bitbit na mga pagkain. Kaya ang naging resulta, nag freak out! Yung babae, ang naging itsura kasi sa paningin nya, ay may mga pagkain na lumulutang. And take note! Nilalamon pa yun ni Marcus, kaya mukang nababawasan ng nababawasan na wala namang kumakagat!
Sinarado namin agad ung elavator kasi, nagtitili at sumisigaw na "yung babae! Yung babae! Muulto!!"
And nakakahiya yun. Ako yung lintek na pinagkakamalan dahil sa lalaking kasama ko ngayon!
Nagmamadali naman syang pumasok nung paandarin kona sana ang kotshe. Inuna muna nya yung sandamakmak na chi-chirya at ibat-ibang uri ng pagkain, hindi kasi sya makapasok dahil sa dami nyang dala.
Patay gutom na multo.
"Fuck. Sa backseat na nga lang. Tch." Sabay pasok nya sa backseat.
Oh, great. Ginawa pa akong driver nya!
"Hoy Devi! Dito kasa tabi ko! Gagawin mopa akong driver?!" Bulyaw ko sakanya, sabay paandar ng kotshe paalis sa parking lot ng Condo.
"What? Devi?! What the hell is that?!" Nakita ko sa salamin na, nakakunot nanaman ang kilay ng supladong to.
"Devi short for Devil." Sabay harap at ngisi ko sakanya, pero binalik ko naman kaagad ang tingin sa harapan. Mahirap na at baka mamatay ako dahil lang sa pangaasar.
"Damn. Can you just cut that shit?!" Sabay kuha nya sa chi-chiryang nasa tabi ko.
"Suplado mo talaga!!" Bulyaw ko sakanya habang nag dra-drive.
Fuck. Traffic pa. Ang dami na talagang nagbago. Katulad ni Kyla, dating kulot ngayon straight na. Dati ang honey ay piso lang, ngayong dos na! ito lang talagang bwisit na traffic sa EDSA ang hindi nagbabago. Tignan mo Yung pagmamahal nya sayo nagbago rin. Charot!
"I know. Tch. " sinipat ko ulit sya sa salamin at napaikot ako ng mata ng dumighay sya ng malakas sabay himas sa chan nya.
"Pasalamat ka gwapo ka. Kung hindi matagal na kitang sinipa palabas." Bulong ko.
**********
Sa wakas at nakarating nadin kami sa sikat na sikat na Espiritista na si manang Bebang.
Nanadito kami ngayon sa bahay nyang kubo-kubo, pero maganda ang pagkakagawa. Halos manakit nga ang mga binti ko sa kakahintay, dahil ang haba-haba pala ng pila sa kubo ni manang Bebang.
Mabuti pa nga ang lintek na Multo nayun ah! pa-chillax chillax lang! Nakalutang lang kasi sya habang naka injan seat.
Minsan pala nakakainggit din ang mga multo, may powers pala talaga sila. Like kaya nilang lumutang, tumagos at mag teleport. Hanep.
Amazing. Very very amazing.
Sana meron din sana ako nun ^_^ para kapag gusto kong makita ang abs ng #Hastags ay makikita ko hihihi
Halos mag gagabi narin nang kami na lang ang huling nakapila. Magsasarado na sana ng kubo si manang bebang nang pigilan ko sya.
"Ayy, ineng. Magsasarado na ako. Hindi na pwede." No! Hindi pwede! Desperadang desperada na talaga ako. Na tigilan ng lintek na multo nayan!
Nilabas ko ang lilibuhin kong pera, at nag pout. "Sayang naman po, balak kopa naman na magbayad ng kahit na magkano... sige ho, maghahanap nalang po ako ng iba." Tumalikod ako at maglalakad na sana ako ng tawagin ako ni manang Bebang.
Napangisi ako at pagkaharap ko ay kungyare ay malungkot ako. "Po?"
"Ineng, meron sa may ika-apat na kanto. Sige ingat nalang kayo." Sabay talikod nito saakin.
Napanganga ako at napatulala.
Lah. Hindi na dala sa pera?
Noo!!
Tumakbo ako papalapit kay Manang Bebang. "Manang Bebang, please po tulungan nyo po kami! Pakiusap!" Halos maiiyak na talaga ako habang sinasabi yun.
Napabuntong hininga nalang si Manang Bebang at sinenyasan akong pumasok.
Napalingon ako sa paligid, teka nasan si Marcus?!
"Ineng, pumasok kana. At baka magbago pa ang isip ko."
Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sakanya papasok.
**********
Sabi na eh, nasa loob na pala si Marcus, nag teleport nanaman ang loko!
Hanggang ngayon ay lumalamon parin ito. Marty's na red naman.
"Ito ba sya iha?" Sabay turo at kuha sa Marty's ni Marcus na napabusangot.
Dahan dahan nalang akong na patango.
"May itatanong sana ho. Ako." Napalunok ako bago muli magsalita.
"Bakit ho, ako lang ang nakakakita at nakakahawak sa multong ito?" Saby turo kay Marty's este kay Marcus, pala.
Sandali syang tumahimik at kukuha sana ng marty's ng ilayo ni Marcus ang Marty's at nakasalubong nanaman ang kilay nito.
"Psh. Damot." Sabay baling nito saakin ng tingin. "Nakakapagtataka lang talaga iha, bakit... hindi ko sya makita? Samantalang bukas naman ang third eye ko. Nararandaman kolamang ang presence nya." Napalungbaba sya at napapikit.
Muli nyang binuksan ang mga mata nya at tumitig ng seryoso. "Sa tingin ko ay, hindi sya isang Multo, isa lamang syang ispirito na pagala gala. Pero hindi ko parin sigurado iyon iha."
Hindi naman nya sinagot ang tanong ko eh. -_- pero patience parin. Maganda ako eh.
Napatingin naman ako kay marcus na seryosong nakikinig habang dinidilaan ang tirang Marty's sa kamay nya.
Napaiwas ako ng tingin. Bat ang hawt nye?
Erase! Erase! Hindi sya hawt! Hindi ako naha-hawtan sakanya!! Duuh? Over my dead gorgeous body!
Napatikhin ako at muling tumingin kay Manang Bebang. "Kung ganun po ay bakit ko po sya nahahawakan at nakikita?" Lintek. Sana naman sagutin nya na ang tanong ko.
"Marahil iyon, ang nakatadhanang mangyari iha, pwede pala talaga itong mangayre."
"Ano hong, ibig nyong sabihin?"
"Nabasa kona ito saaming libro, ng mga Espiritista. I- ilan lang mga nangyayareng ganiito, katulad ng sainyo. Kung ikaw nga ang tanging nakakakita sakanya. Ikaw lang din ang makakatulong sakanya. At habang hindi nyo parin na de-diskubre ang lihim ng kanyang nakaraan. Hindi sya makakapunta sa paroroonan nya. Ilang taon na syang ganyan?" Sabay tingin nito sakin.
"Ta-tatlo ho." Kung ganun, kung isang taon panamin bago malaman, ay isang taon korin syang kasama?!
"Matagal, tagal na pala."
"Bakit, bakit po may Cellphone sya?" Gulat itong napatingin saakin.
"Me-meron?!" Sandali itong napatahimik "Baka... marahil bago sya mamatay ay ito ang pinaghuhugutan nya ng pagasa. Kaya nadala nya na ito hanggang sa maging ganito na sya. " napatango-tango naman ako.
"Saka, nagagamit nya po ang phone nya at name-messge ako, pero... bakit po kapag sa mga ibang tao ay hindi na-sesend ang mga messege nya?"
"Uulitin ko. Kapag natagpuan na ng isang espirito ang taong tanging nakakita sakanila. Ito lamang din ang makakakita ng mga bagay na ginagawa nung espirito. Katulad nang iyo, ikaw lang ang nakaka received ng test messege nya dahil ikaw ang taong nakatadhana para tulungan sya. Ayon iyon sa libro naming mga espiritista. At Kung bakit naman nya ito nagagamit ay, marahil siguro dahil sa power of spirit?"
"Huling tanong po. Demonyo po ba sya?"
Napatingin naman ako kay Marcus na, nakasalubong na ang kilay. "Shut up!!"
Napahagappak ako ng tawa.
Hindi narin masama na makasama ang.... isang katulad nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/126781970-288-k414707.jpg)
BINABASA MO ANG
DID HE REALLY DIED?! (ON - GOING) (under revised)
Teen Fiction(BARKADA SERIES#1) Sa panggugulo ulit ng Ex ko ay, kinakailangan kong ipakita sa kanya na hindi ko na sya mahal, na hindi nako nasasaktan, at hindi na ako ang dating Dark. kaya naman nagchat ako ng isang account na hindi na gamit. And it turns out...