DARK P.O.V
Nakakatitig parin ako sa kalindaryo ko, malapit napala ang Engagement Party nya.
Next week, narin pala.
Nakakalungkot lang dahil narealize kong, baka simula palang ng naging kami o habang kami ay, may karelasyon na sya. In-short, matagal na nya akong ginagago.
Akala ko talaga, sya na yung taong masasandalan ko, ang galing lang, napaniwala nya ako, na parang mahal na mahal nya talaga ako.
Akala ko, sa wakas, may makakaintindi na saakin. Akala ko na sa wakas! Meron ng taong mamahalin din ako, kagaya ng pagmamahal nabinibigay ko. Pero, akala kolang pala. Haha
Nabuntong hininga nalang ako, kahit ayoko, hindi pwede. Nakita na nya akong ma-miserable, ng dahil sakanya. Gusto ko namang ipakita na... malakas ako.
Kahit na, mahal ko sya, tatanggapin kong hindi lang siguro sya para saakin. Sayang, sayang lahat ng plano ko, kasama sya.
Dumapa ako sa kama at naglaptop. Naghahanap ako sa facebook ng pwedeng I-chat. Yung hindj na sana ginagamit na account. Para hindi hassle.
Nagsimula akong maghanap sa Letter A.
******
Nangangawit na ang likod ko. Kanina pa kasi ako nakadapa at naghahanap. Nasa Letter M na pala ako. Isinarado ko muna ang Laptop at bumaba para kumain.
Ng matapos akong kumain ay nilinis ko muna ang hugasan ko, bago umakyat at pinagpatuloy ang paghahanap. Sa mutual lang naman ako nag hahanap eh, kaya hindi gaano karami, ang pinaghahanapn ko kanina. Mahirap kapag sa public ako nag hanap sa facebook. Baka hindi pa nga sapat ang isang linggo.
Agaw pansin saakin ang Marlo San Miguel. Ng pindutin ko ito ay napasimangot ako sa nakita. Akala ko ayun na eh! Mas matanda pa nga ata to kay Daddy eh.
Muli akong nag hanap. Napatigil ako sa isang pangalan na naagaw agad ng pansin ko. Rance Marcus Mavrós. Ipinag - ekis ko ang dalawang daliri ko at pumikit ng madiin. Saka pinindot ang profile.
Dahan, dahan kong binuksan ang mata ko at halos magtatalon ako sa tuwa dahil sa wakas, sa wakas ay nahanap kona ang pasok na pasok sa Taste ko!
Kailangan konalang i-check kung kailan ang last na post nya at pagiging Active.
Napalakpak ako dahil ang Last na Post nya ay, july 18 2013. Binisita korin ang profile nya. Andaming likers ni Marcus! Halos 10,000 ang nag la-like ng profiles nya.
Okay na'to. Worth it naman ang pagkahaba haba kong paghahanap.
Pumunta na ako sa messenger at chinat na'to. Nag send ako ng mga sweet messenges at pinalitan konarin ang Name nya sa messenger, nilagay ko ay 'Mahal ko' halos mautot ako sa naisip na pangalan.
Inis-screen shot ko muna at saka nilagyan ng caption. "Ang bagal mo talgang mag reply kahit kailan! Ingat ka jan ah? Lalabs!" Geez I never imagine, that I will chat some random guy.
Pinost ko ito sa facebook. At mayamaya pa ay ang dami ng nag like at saka nag comment.
Nilike narin pala ni Miguel...
Hindi ko alam ang dapat kong mararandaman. Ni-like nya. Wala lang talaga sakanya. Pabagsak akong humiga sa kama.
Napangiti ako ng mapait. He was my North, my South, my East and West,
My working week and Sunday rest,
My noon, my midnight, my talk, my song;
I thought that love would last forever:
I was wrong.I should move on. But i just can't. Masakit padin pala. Ansakit, sakit padin. Itinaas ko ang tingin ko, para hindi tuluyang tumulo ang luhang, hindi na dapat tumutulo pa.
BINABASA MO ANG
DID HE REALLY DIED?! (ON - GOING) (under revised)
Teen Fiction(BARKADA SERIES#1) Sa panggugulo ulit ng Ex ko ay, kinakailangan kong ipakita sa kanya na hindi ko na sya mahal, na hindi nako nasasaktan, at hindi na ako ang dating Dark. kaya naman nagchat ako ng isang account na hindi na gamit. And it turns out...