DARK P.O.V
sabay kaming naglakad ni Jethro papapunta sa Canteen. Mukang excited, na excited syang makilala ang mga kaibigan ko.
Kahit na medyo feeling close sya, hindi ako makarandam ng inis sakanya. Siguro.. dahil crush ko sya?
Pero seriously, may masaya syang awra na, kapag nakita mo syang naka ngiti, mapapangiti kanalang rin.
"Tara, andoon sila oh!" Sabay turo ko kila Kyla na nasa pinaka dulong upuan.
Mukhang hindi nila kami napansin dahil may kanila-kanilang mundo sila. Mabilis kaming nakarating sa dulong upuan dahil hinila ko si Jethro.
"Oy! Tropapits!" Sigaw ko sakanila.
Napatingin naman si Kyla, pero si Xandria nanatiling nasa pagkain ang pansin.
sandaling napatulala si Kyla kay Jethro. Crush rin ba ni Kyla si Jethro?
"Have we met before?" Nakatitig na sambit ni Kyla kay Jethro.
Sus pustahan nalang, dumada moves lang tong si Kyla eh.
"I dont think so." Nakalabing sabi ni Jethro.
Napatango tango naman si Kyla at napatahimik ito ng sandali pero ngumiti rin naman kaagad.
"Ay, oo nga pala. So, Kyla si Jethro. Saka yung babaeng emo nayan?" Sabay nguso ko kay Xandria na patayo na. "Yan si Xandria" bulong kong sabi kay Jethro.
Saglit na tumingin si Xandria kay Jethro, saka tumalikod at naglakad papalayo.
Mga walang suporta talaga!
"Hellow!" Nakangiting sabi ni Jethro kay Kyla. Ngumiti lamang ng tipid si Kyla at umiwas ng tingin. I knew it! Crush nya nga talaga!
"Tatayo na dapat ako para umorder pero pinaupo lang ako ni Jethro, kaya napataas ang kilay ko. "Ako na. Libre ko ngayon, Miatot!" Sabay tayo nito at lakad papunta sa counter.
Teka, paano nya nalaman? Paano nya nalaman ang second name ko?!
Lumingon namn bigla si Jethro. "Wag ka ng magtaka! Nakita ko sa I.D mo" at tumalikod na sya saakin.
Mind reader lang ang peg?
Napakamot nalang ako sa likod ng tenga, ayoko panaman ng may tumatawag saakin ng
Mia!Iba kasi ang naaalala ko. At naiirita ako kapag naaalala ko yung tapng yun..
Napaangat naman ako ng tingin ng mapansin kong tumayo na si Kyla."Saan ka pupunta?"
Napatingin naman sakin si Kyla "Sa hell sama ka?" Nakangisi nyang sabi."No thanks. Enjoy nalang" narinig kona tumawa lang ito at umalis na.
"Oh, asan na si Kyla?" Sabay lapag ni Jethro ng dalawang spaghetti at coke.
"Umalis na, na badtrip bigla sa muka mo." Inismiran nya lang ako.
"Ahh, mabuti at napag chagaan nya kaibiganin ka, kakasuka kaya muka mo." Hayup to ah!
"Whatever!" Sabay dakot ko ng tinidor at lalamon nasana ako ng pitikin ni Jethro ang kamay ko. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Bumili ka ng iyo" sabay ngisi nya saakin.
Edi bumili!
Tatayo na sana ako nghilain nya ako ulit paupo. Buset dko na sya crush!
Tumatawang inabot nya saakin ang isang plato ng spaghetti. "Joke lang to namn. Panget mona nga papanget kapa. Lamon na. " sabay himas nya ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
DID HE REALLY DIED?! (ON - GOING) (under revised)
Novela Juvenil(BARKADA SERIES#1) Sa panggugulo ulit ng Ex ko ay, kinakailangan kong ipakita sa kanya na hindi ko na sya mahal, na hindi nako nasasaktan, at hindi na ako ang dating Dark. kaya naman nagchat ako ng isang account na hindi na gamit. And it turns out...