DARK P.O.V
Parang gusto kona mag pakunsulta sa isang psychiatrist kung nababaliw naba ako!
Gush. I cannot.
Shet, hindi na talaga ako tinitigilan ng baliw na Multong yun! Ay, wayt, baka hindi sya multo! Baka naman kampon sya ng mga Demonyo!
Gush!
Siguro chaka syang Demonyo tapos nag anyong gwapo!
Palala ng palala ang pananakot nya. Kesho kapag hindi ko raw sya tinulungan ay hindi na daw nya ako guguluhin sa Text, kundi sa Personal!!
Putek naman oh!
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang panibagong messege sakin ng kampon ni Satanas.
Marcus; later.
Huh? Later? Anong ibig nyang sabibin ng Later?!
Inis.kong pinindot ang Block. Napasinghap ako ng makita kong nakakasend parin sya ng messege.
Marcus; wag mo nang tangkain na i-block ako, mapapagod kalang.
Inis akong nag type.
Dark; tigilan mo na ako! Hindi ako espiritista!
Muling tumunog ang cellphone ko. Inis kong binuksan ang messege nito.
Marcus; kung may choice lang ako, baka matagal na kitang tinigilan!
Aba, aba parang kasalanan ko pa ah?
Dark; wag mokong kausapin!
Marcus; k.
Lah. Andaling sumuko. Este mabuti naman!
Napahinga ako ng maluwag, ng hindi na muling tumunog ang cp ko.
" MARCUS WANT TO VIDEO CALL WITH YOU "
Holy...
**********
Third person P.O.V
Pagkatapos ng klase ay dumeretyo ang dalaga sa Cooking Room ng kanilang building. Malawak ang cooking room kaya mahihirapan talaga kung iisa lang ang mag lilinis.
Inuna ng dalaga ang paghuhugas ng sandamakmak na hugasan sa bawat Cooking area. 20 ang cooking area. Kaya mahirap hirap talaga.
Piste ka talaga maria. Inis na sabi ni Dark sa kanilang Dean.
Grabe talaga ang matandang dalaga nilang Dean kung magparusa. Sobra, sobra!
Naiiyak na si Dark dahil nakakalahati palang nya ang bawat hugasin sa buong Cooking Area.
Narandaman nyang nag-vibrate ang Cp nya sa kanyang bulsa kaya sandaling naghugas sya ng kamay at saka tinignan ang nag messege sakanya.
Marcus; mukang pagod na pagod ka ah? Need help?
Kinikilabutan nyang sinagot ang mensahe ng Multo.
Dark; Noo!
Ise-send nya na sana ang messge nya ng madulas sa kamay nya ang cellphone. Dali-dali naman nyang pinulot.
Sinipat nya muna ang cellpbone kung nabasag ba, pero nagasgasan lang pala.
Tinignan nya muli ang bagong mensahe ng Estraherong multo.
Marcus; turn your eyes at the door :)
Kinilibutan sya sa smiley face na sinend ng multo.
Dahan dahan syang humarap sa likuran nya kung nasaaan ang pintong labasan.
Nagitla sya sa nakita.
Nakangising Marcus ang nasilayan nya.
Hindi alam ng dalaga kung kiiligin ba sya o matatakot sa gwapong multo na nakangisi sakanya.
Letche. Nasa nakakakilabot na nga syang sitwasyon, pero nakarandam pa sya ng kalandiang feeling.
"Tulungan mona kasi ako." Naka simangot na sabi ng gwapong multo sakanya.
"Ayoko! Aba, malay ko ba kung isa kang chakang Demonyo na nag anyong Multo tapos kukunin mo ang spirit ko at lalakas ka tapos mag hahasik ka ng lagim!" Kinikilibutan na sigaw ni Dark sa naka poker face na Multo.
"Seriously? Sa gwapo kong ito? Demonyo ang tingin mo saakin?" Hindi makapaniwalang tanong nito sakanya.
Sa pagkakataong ito ay sya na ang napa poker face.
Multo na nga lahat, lahat hambog parin. Bulong ni Dark sa sarili.
"Huling tanong, tutulungan mo ba ako o hindi?" Malalim na ang tinig ng lalaki.
"A-ayoko ng-nga!!" Pilit na nilalabanan ni Dark ang takot na namumuo sa loob nya.
Hindi sya pwedeng matakot dito.
Naalala nya bigla ang sabi ng matatandang tropa ng lola nyang si kimberlie, na lalong lumalakas ang mga Demonyo kapag nararandaman nila ang takot mo.
Ngumisi ng nakakakilabot ang Lalaki at mabilis na nakapunta sa kaliwa at kanan papalapit sakanya.
Hanggang sa narandaman nya ang mainit nitong labi sa kanyang tenga. "Tutulungan mo naba ako?" Malalim ang boses nito na nagpadagdag sa panginginig ng dalaga.
Pero syete lang, ang bango parin nito, kahit Patay na.
Napasinghap sya ng hawakan sya nito sa braso. " NAKANANGPUTCHA OO NAAAA!!" Dumagundong ang tili ng babae sa buong building.
Nagulat sila ng may nag bukas ng pinto at lumabas ang ulo ni kuya Juan. Hingal na hingal ito at mukang kagigising lang.
"Tangina naman oh! Akala ko kung ano ng nangyare!!" Badtrip na ang muka nito.
"Sorry po." Labas sa ilong na paumanhin ng dalaga. Badtrip din sya kaya wag na sana syang simulan nito.
" Ayus buhay. Panira ka sa tulog ko! Makapag twitter na nga lang, badtrip. " sabay balibag nito ng pinto.
Lumapit ng kunti si Marcus kay Dark ng hindi na mamalayan. "Bakit ganyan Guard nyo?"
Napahawak naman ang isang kamay ni Dark sa balikat ni Marcus. "Ewan ko nga rin eh" sabay lingon sa kausap.
Nanlalaki ang mga mata ng dalawa ng marealize na kausap pala nila ang isat-isa.
Napaupo sa sahig ang dalaga dahil sa sobrang gulat."AHHHHHHHH!! MULTOOOOOO!!! ESTE DEMONYO PALAAAAA!!" Nagtitiling sigaw ni Dark at nagmamadaling kinuha ang gamit saka patakbong lumabas ito ng pinto.
"Tch." Naiiling na tumalon ang lalaki sa bintana.
![](https://img.wattpad.com/cover/126781970-288-k414707.jpg)
BINABASA MO ANG
DID HE REALLY DIED?! (ON - GOING) (under revised)
Fiksi Remaja(BARKADA SERIES#1) Sa panggugulo ulit ng Ex ko ay, kinakailangan kong ipakita sa kanya na hindi ko na sya mahal, na hindi nako nasasaktan, at hindi na ako ang dating Dark. kaya naman nagchat ako ng isang account na hindi na gamit. And it turns out...