PETMALU at LODI

982 7 0
                                    

Isa kang dakilang manloloko,
Bihasa sa pang-iiwan ng tao,
Bihasa sa pagpapaasa ng tao,
Bihasa sa papanakit ng puso ko,

Alam ko na sa unang tingin palang,
Ikaw yung taong sa una lang magaling,
Sa una lang ipaparamdan na ikaw ay kaniyang mahal,
Pero sa huli ika'y kaniyang pagtatabuyan,

Na para kang aso,
Na parang pulubi,
Na parang may nakakahawang sakit,
Isa kang petmalu na manloloko,

Pero eto naman ako lodi ng lahat,
Lodi nila ako pagdating sa pag-ibig,
Lodi nila ako dahil kaya kong magmahal ng manloloko,
Pero ako yung lodi nilang lampa,

Siguro nga ganun talaga,
Isang manloloko,
Isang nagpapaloko,
Siguro nga kambal talaga sila siguro nga ganyan talaga.



100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon