Sandali na lang

173 0 0
                                    

Sandali na lang,
Malapit na tayo magtapos,
Konti na lang,
Naroon na tayo sa wakas,

Dahil natatanaw ko na,
Ang paghihiwalay nating dalawa,
Ang pagbibitaw ng mga kamay nating dalawa,
At ang paglalakbay nating hindi magkasama,

Pero pwede ba'ng humiling muna kay bathala,
Na bago pa tayo makarating sa dulo,
Pwede ba'ng bagalan natin ang paglalakad papuntang dulo,
Dahil ayoko pa,

Ayoko pang mawalay sayo,
Ayoko pang bitawan ang mga kamay mo,
Hindi pa ako handang maglakbay ng hindi ikaw ang kasama ko,
Ayoko pang mawala ang ikaw at ako.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon