Wala na

204 3 0
                                    

Wala na,
Wala na ang dating pagtingin sa iyo,
Wala na ang dating tibok ng puso ko,
Wala na ang dating kumpas ng pag-ibig ko sayo,

Hindi ko alam kung bakit nawala,
Hindi ko alam kung ito bakit ito kumupas,
Hindi ko alam kung bakit hindi na malinaw,
Hindi ko alam kung bakit nawalan ng gana,

Siguro dahil napagod ako,
Mali, kelan man hindi ako mapapagod sayo,
Pero mukhang puso ko na ang nagdesisyon sa pagkakataong ito,
Kailangan niya na munang magpahinga sa laban na madugo,

Sa laban na palaging puso ko ang talo,
Sa laban na palaging luha ko ang tumutulo,
Sa laban na palaging ako ang duguan,
Sa laban na palaging ang sakit ay sukdulan,

Kaya huwag kang magtataka,
Kung bakit ang pagmamahal ko ay nawala,
Kung bakit ako'y napagod nang lumuha,
At huwag kang magtataka kung unti-unti na akong mawawala.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon