Tsaka na lang

334 1 0
                                    

Tsaka na lang mahal ko,
Pag ako na lang ang dyan sa buhay mo,
Pag ako na lang ang andyan sa puso mo,
Tsaka na lang pag wala na akong kahati sayo,

Gahaman, madamot, mapag-imbot, sabihin mo na lahat sa akin,
Pero mahal ganun talaga ang pagmamahalan,
Binubuo lang ng dalawang taong nag-iibigan,
Pero sa sitwasyong ito ako ay iyong pangalawang minamahal,

Kaya sa susunod mo na lang ako mahalin,
Pag ako na lang ang nag-iisa dyan,
Tsaka na lang pag ako na lang ang iyong kinahuhumalingan,
Tsaka na lang pag ako na lang ang iyong mahal,
Tsaka na lang pag ako na lang talaga.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon