Aking mga Tanong sayo Sinta

8.6K 78 11
                                    

Ang pangakong walang susuko,
Ay nagsimula ng mapako,
Mga pangarap na binuo ng ikaw at ako,
Ay mananatiling pangarap na lang dahil ikaw ay sumuko,

Saan ba ito patungo?
Saan ba talaga tayo patutungo?
Hanggang dito na lang ba tayo?
O kailangan ko pa maghintay para matupad ang iyong pangako?

Ang ating mga pangako ay mapapako na nga ba talaga,
Ang ating relasyon ay hanggang dito na lang ba,
Sadya bang tayo ay pinagtagpo lamang dalawa,
Ngunit tayo ay hindi itinadhana para sa isa't isa.

Aking mahal sagutin mo ang aking mga tanong,
Para alam ko kung ako ay susuko na o akoy magpapakatanga pa sayo aking mahal,
Dahil habang tumagatagal pasikip ng pasikip ang mundong ating ginagalawan,
Aking mahal sagutin mo aking mga tanong.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon