Ubos na

176 1 0
                                    

Ubos na yung lakas ko,
Ubos na yung pang-unawa ko,
Kaya tatapusin ko na,
Tatapusin ko na ang meron tayong dalawa,

Mas maigi ng tapusin natin ito ng maaga,
Bago pa mahuli na wala na tayong matira sa sarili natin na dalawa,
Hindi ka pa ba susuko?
Patuloy ka pa rin ba'ng maglalaro?

Kasi ako?
Ayoko nang makipaglaro,
Lalo na't nakataya ang puso,
Bakit ba naimbento natin itong larong ito,

Kung puro pasakit lamang ang gagawin sa nito sa atin,
Pero kung ayaw mo'ng itgil natin itong laro,
Pwede ba'ng baguhin na lamang natin?
Mag tagu-taguan tayo,

Ang unang sumuko talo,
Pero kailangan pa ba ng ganoong laro para malaman kung sino ang talo,
Alam ko namang ako na,
Ako na agad ang talo alam ko namang una pa lang ako'y talo na,

Bago pa mahuli ang lahat mahal,
Bago pa maubos ang meron tayong dalawa,
Ako'y pansamantala munang susuko habang may natitira pa akong pagmamahal sa iyo,
Para pagmahal mo na talaga ako ng totoo,

May babalikan ka at masusuklian ko ang pag-ibig mo.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon