Hindi ako

240 3 0
                                    

Hindi ako,
Hindi naman talaga ako,
Kailan man hindi magiging ako,
Hinding-hindi ako mag-iisa sa puso mo,

Twing sinasabi mong mahal mo ako,
Hindi ko maiwasan magduda sa mga katagang sinabi mo,
Hindi dahil hindi kita mahal kundi dahil mahirap paniwalaan ang mga ito,
Dahil alam kong hindi ako nag-iisa sa puso mo,

Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo,
Lalo na't hindi naman talaga para sa akin mga ito,
Na ang isang katulad mo ay hindi nakatadhana sa tulad ko,
Na ang isang katulad mo ay dumaan lang sa buhay ko.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon