Hindi na bale

156 0 0
                                    

Mahal payag naman ako,
Payag naman akong may kahati ako sa puso mo,
Payag naman akong hindi lang ako,
Payag naman akong hindi kita solo na pagmamay-ari ko,

Hindi na bale kung ako'y magmukhang tanga,
Basta't kasama kita ay ayos na,
Hindi na bale kung sa puso mo ako ay hindi nag-iisa,
Basta't alam kong nandito ka sa akin sinta,

Alam ko'ng ito'y panibagong pagkakatanga,
Pero anong magagawa ko kung mahal kita,
Handa akong itaya ang puso ko,
Sa larong alam ko na agad na ako ang talo,

Kaya mahal hindi na bale'ng konti lamang ang oras na iyong nilalaan,
Hangga't nararamdaman kong kaya pang gawan ng paraan,
Hindi ako titigil hanggat hindi ako ang nag-iisang nilalaman,
Nang puso mo'ng masyado ng makasalanan.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon