Piliin mo naman ako

296 0 0
                                    

Pwede bang ako naman?
Pwede bang tayo lamang?
Pwede bang ikaw at ako lang?
Pwede bang tayong dalawa lang?

Mahal isa ako sa iyong pagpipilian,
Pwede ako ang isa sa mga iyong dahilan,
Pwede bang ako ang iyong piliin?
Pwede bang ako naman ang iyong unahin?

Piliin mo naman ako bilang una mo,
Piliin mo naman ako bilang totoong mahal mo,
Piliin mo naman ako bilang kabiyak mo,
Piliin mo naman ako bilang sayo,

Dahil unti-unti ay napapagod narin ako,
Unti-unti nang nahihirapan ang aking puso,
Unti-unti ko nang natututunang sumuko,
Dahil hindi ko na kaya ang ganito,

Ang hindi mo kayang piliin ang sinasabi mong mahal mo.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon