Ikaw

672 3 0
                                    

Ikaw sa simula,
Ikaw hanggang sa dulo,
Tayo sa simula,
Tayo rin hanggang dulo,

Ang salitang sana,
Ay magkakatotoo na,
Ang mga luha,
Ay mapapalitan na ng saya,

Kahit na ano pang problema,
Kahit na ano pang pagsubok sa ating dalawa,
Bigyan man ako ng maraming dahilan para sukuan ka,
Lagi akong merong isang dahilan para manatili sayo sinta,

Dahil ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko,
Dahil ikaw lang ang titibukin ng puso ko hanggang sa mundo ay gumuho,
At dahil ikaw lang ang nag-iisang mamahalin ako ng totoo at todo-todo,
Kaya ikaw ay para sa akin lang at ako naman ay para sayo,

Ngayong nandito na tayo sa yugtong ito,
Na

kakatawa na lang kung babalikan pa natin ang mga iba't-ibang ala-ala,
Nakakatawa na lamang kung iisipin ko pa ang nga luha kong
,
Ang mga luhang tumulo dahil sa pagsubok na dumating noon sa ating dalawa,

Kaya ang mga paghihirap, hinanakit at pag-iyak,
Ang lahat ng iyon ay mga pagsubok,
Ang pagsubok na lilimutin na,
O babaunin na sa limot dahil ang lahat ng iyon ay ating nalampasan na,

Kaya ikaw,
Ikaw lang sapat na,
Ikaw lang sa buhay ko ay ok na,
Ikaw lang hanggang dulo ay ayos na,

Dahil ikaw,
Ikaw lang bubuo sa buhay ko,
Ikaw lang kukumpleto sa kasiyahan ko,
Ikaw lang ang makakasama ko hanggang sa huling hininga ko,

Mahal kita, mahal ko.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon