Iniwan mo ko

443 2 0
                                    

Iniwan mo ko ng walang pag-aalinlangan,
Iniwan mo ko sa sulok nang walang kahirap-hirap,
Iniwan mo ko sa bangin na maaaring walang makasalba sa akin,
Iniwan mo ko na parang sa atin ay walang namamagitan,

Iniwan mo ko ng walang pag-aalinlangan,
Na parang isa lang akong lumang laruan,
Isang lumang bagay na maaari ng itapon,
Maaari ng itapon dahil nakahanap ka na ng ipapalit,

Iniwan mo ko sa sulok nang walang kahirap-hirap,
Na parang ako ay isang hayop lamang,
Dahil ba may bago ka na kaya ako ay iyong isinantabi na lang,
Kahit na alam mong maraming kukuha sa akin ako parin ay iyong pinabayaan,

Iniwan mo ko sa bangin na maaaring walang makasalba sa akin,
Na kahit sino man ang magligtas ay walang magagawa saking pagkahulog,
Na kahit higitin pa ko ng isang batalyon ay wala parin,
Dahil tanging ikaw lang ang syang makakasalba sa akin,

Iniwan mo ko na parang walang namamagitan sa atin,
Binitawan mo ko kahit ako'y nakakapit pa,
Kinalimutan mo agad ang meron tayong dalawa,
At sa huli iniwan mo ko habang pinanghahawakan ko pa ang meron sa atin.



100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon