Minsan

146 0 0
                                    

Minsan kailangan ko'ng makipaglaro kahit nakakapagod na,
Minsan kailangan ko'ng sumabay sa agos kahit nakakalunod na,
Minsan kailangan ko'ng magpanggap na ok kahit hindi naman talaga,
Yan na nga lang ba talaga ang kakayahan ko ang magpanggap?

Minsan gusto ko'ng magreklamo,
Minsan gusto ko'ng umiyak sa mga balikat mo,
Kaso natatakot ako,
Kasi baka pag ginawa ko yun wala kang gagawing kahit na ano,

Hanggang dito na nga lang ba ang kakayahan ko,
Ang paulit-ulit na magpanggap na kaya ko,
Kahit ang totoo pabigay na ako,
Pabigay na ako sa pagpapakatanga ko,

Minsan gusto ko'ng lumayo sa iyo,
Minsan gusto kong tumakbo papalayo sa magulo mo'ng mundo,
Kaso duwag ako,
Duwag ako na magkalayo tayo kahit na ikaw ay hindi apektado.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon