Nagsawa ba ko?

464 2 0
                                    

Mahal bakit bigla ka na lang nagsawa?
Bakit yung pag-ibig mo sa akin ay wala na?
Bakit yung dating ako lang ay napalitan ng sya?
Bakit ka nagsawa sa akin ng bigla?

Sa mga gabing ako'y nagtatampo sayo,
Ako ba ay iyong nilapitan at inamo?
Ako ba ay hinagkan mo gamit ang nga bisig mo?
Hindi ba't hindi pero nagsawa ba ako?

Sa mga luha kong pumapatak,
Nais ko sana ito ay iyong punasan gamit ang mainit mong palad,
At sabihin mong "mahal patawad kung ikaw ay aking nasaktan",
Pero ni ang anino mo ay hindi ko mahagilap pero nagsawa ba ko?

Nagsawa ba ako sa mga pagkakataon na wala ka sa tabi ko?
Nagsawa ba ko sayo sa twing lagi kang wala sa aking tabi noong ikaw ay hinahanap ng puso't isipan ko?
Nagsawa ba ko kahit na ang iyong mga pangako ay napako?
Nagsawa ba ko sa mga panloloko mo?

Hindi ako nagsawa sayo,
Kahit na ang daming rason para ako ay magsawa sayo,
Hindi ako sumuko sa pagmamahal ko sayo,
Pero mahal wala naman akong ginawa na ikakasawa mo,

Pero bakit ganito?
Wala kang dahilan para ako'y sukuan mo,
Wala akong ginawa na para iyong ikasawa,
Pero iniwan mo ko sa kadahilanang ikaw ay nagsasawa na.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon