Kung magmamahal ako hindi na ikaw ang pipiliin ko,
Kung magmamahal ako malayo na sa katulad mo,
Kung magmamahal ako sisiguraduhin kong mahal din ako,
Dahil sa ating dalawa ako lang ang nagmamahal,Ang saklap diba ako lang ang lumalaban sa ating relasyon,
Habang ikaw ay may kalandian,
Habang ikaw ay may pinagkakaabalahan,
Pero alam kong hindi ako yon,Mali na ikaw ang minahal ko,
Pinagsisihan ko na nagpakatanga ako sayo,
Dahil nadurog ang puso na umiibig sayo,
Dahil sayo nasaktan ko ang sarili ko,Kaya kung magmamahal ako,
Hindi na sayo,
Hindi na rin sa mga kauri mo,
Kung hindi sa mahal rin ako.