Ako muna

216 1 0
                                    

Nariyan ka na naman,
Umaaligid-aligid ka na naman,
Nagpaparamdan ka na naman,
Pero sa isang iglap mawawala ka rin naman,

Ngunit ngayon kahit na ikaw ay bumalik pa,
Hindi na kita papapasukin sa aking buhay,
Nakakapagod kasi na lagi kang tanggapin,
Na lagi kang papasukin,

Kaya ngayon,
Sa pagkakataong ito,
Sa pagbabalik mo,
Ako muna,

Sarili ko naman ang iisipin ko,
Sarili ko naman ang aalalahanin ko,
Sarili ko naman ang mamahalin ko,
Ako muna sa pagkakataong ito.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon