Una Pangalawa at Pangatlo

644 5 0
                                    

Una, nagsimula tayo na hindi natin kilala ang isa't-isa,
Na wala pang kahit anong namamagitan sa ating dalawa,
Pero isang araw nakatayo ka sa harapan ko,
At sinabing "pwede ba ko maging sayo",

At sa pangalawa, hindi nagtagal ay naging tayo na,
Nakabuo tayo ng mga ala-ala,
Naging masaya tayo sa piling ng bawat isa,
Na parang wala ng hihilingin pa,

Ngunit ng dumating ang pangatlong tao,
Tayo ay nagkakalabuan na,
Na ang dating kuntento ay naghahangad na ng iba,
Na ang dating tayo lang ay meron ng kayo,

At sa pangatlo,
Ikaw ay nasa kanya na,
At ako? Ako ay sinusubaybayan ang paglayo mo,
Tanda na tayong dalawa ay tapos na.

100 Tula Para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon