One

3.9K 135 10
                                    


* Alden's POV

Sa isang madilim at mabahong eskinita sa Maynila ako tumakbo para pagtaguan ang mga pulis na humahabol sa akin. Hindi ba nagsasawa ang mga pulis na ito sa paghabol sa akin? Eh palagi naman nila akong hindi maabutan. Mabilis kong tinanggal ang mask na suot ko at hinubad ko ang puti kong t-shirt para palitan ng pulang t-shirt. Nirolyo ko rin ang t-shirt na hinubad ko bago ko isuksok sa pantalon ko. At presto! Hindi na ako mamumukhaan ng mga kamoteng pulis na humahabol sa akin. At kung mamukhaan man nila ako, wala silang ebidensyang makukuha sa akin dahil pinasa ko na sa ka buddy ko kanina. Prente akong naglakad palabas ng eskinita.

" Hoy! Ikaw! San ka galing? " tinignan ko ang pinanggalingan ng boses. Ang tatlong hinihingal na pulis na humahabol sa akin kanina.

" Ako po ba, mga Ser? "

" Oo ikaw nga! May iba pa bang tao dito? San ka galing? " tanong ng isa sa mga pulis na may katabaan.

" Galing po ako sa bahay namin mga Ser. At papasok po ako sa trabaho ko. May kailangan po ba kayo mga Ser? "

Natamihik ang tatlo bago nagtinginan.

" Trabaho? Madaling araw? "

" Ay opo mga Ser, gwardya po ako. "

" Wag mo nga kaming pinagloloko! Bakit wala kang dalang gamit?! "

" Nasa locker ko po mga Ser, iniiwan ko po dun. Alam nyo naman ang panahon ngayon, marami pong mga snatser, baka pati ang butas kong sapatos na pang duty tirahin pa. Kaya mas mabuti na yung nag-iingat. "

" Mukhang nagsasabi ng totoo, iwan na natin yan at mukhang wala tayong mapapala. Habulin na lang natin ang snatcher na yun. " bulong ng pulis na mas may edad sa dalawa.

" Ay may hinahabol po kayo, mga Ser? "

" Oo yung lalaking na nakaputi. Inisnatch kasi yung bag nung babae dun sa kanto eh. "

" Yung matangkad po ba? Naku nakasalubong ko po kanina yun mga Ser. Binangga pa nga ako ng gago na yun eh. Tapos ang bilis tumakbo. "

" San papunta? "

" Dun mga Ser sa diretso na yan. Kung maabutan nyo malamang po mahuli nyo ang gago na yun. Dead end na po kasi ang dulo ng eskinita na yan. "

" Takbo! Bilis! " sabi ng pulis.

At mabilis ngang tumakbo ang mga pulis papunta sa direksyong tinuro ko. Natatawang ipinagpatuloy ko naman ang paglalakad ko.

" Mga gago! Maghanap kayo sa wala! "

Habang naglalakad, may humintong motor sa gilid ko.

" Tisoy, sakay na! " narinig kong sabi ni Tuns. Agad naman akong sumakay sa motor, papalayo sa mga kamoteng pulis na yun.

" Ano Tuns, magkano ang laman ng bag? "

" Malaki-laki Tisoy. Mukhang bagong sahod ang babae. "

" Safe na ba yung sa atin? "

" Oo, tinabi ko na. Kahit maliit ang ibigay sa atin ni Boss, hindi pa rin tayo lugi. "

" Naku! Alam naman nating napakatuso ni Boss, kaya malamang sa alamang, barya lang ang ibigay nun. "

" Kaya nga nagtabi na ako. "

" Bilisan mo na mag drive Tuns, inaantok na ako. Naka ilan din tayo ngayong buong magdamag. Kotang-kota na yan. "

" Sige, Tisoy. " at ipinaarangkada na nga ni Tuns ang motor nya.

Ako nga pala si Alden Reyes. Tisoy para sa karamihan. Alam nyo na siguro ang trabaho ko? O kung trabaho nga bang matatawag ang ginagawa namin. Snatser, mandarambong, hold-upper, magnanakaw, pick pocket. Ano pa ba? Basta kung ano pa mang tawag nyo. Ganun ako.

Apat na taon ako ako noon nang sagipin ako ni Boss sa kalsada. Nakita kasi nya ako noon na pagala-gala at umaasa lang sa mga pagkaing bigay ng mga taong naawa sa akin. Bago yun, ilang beses muna akong nadala sa DSWD, pero tumatakas ako. Kaya balik ako sa kalsada pag nakalabas sa DSWD. Noong makuha ako ni Boss at dinala sa bahay nya, doon ko nalaman na marami na syang bata na 'tinutulungan'. Mabait si Boss yun ang akala ko, pinag-aral nya ako, binihisan ng maayos, at pinakain ng masarap. Pero nang dumating ako sa edad na walong taon, doon na ako sinanay ni Boss. Oras na daw para pagtrabahuan ko ang mga ginastos nya sa akin. Kaya tulad ng ginagawa ng bata sa bahay ni Boss, sinanay nila ako kung paanong mang snatch, manglaslas ng bag, manghila ng mga hikaw o kwintas at kung ano-ano pang uri ng pagnanakaw. Naging ka buddy ko sa lahat ng mga lakad ko si Kristoffer o Tuns para sa mga kaibigan nya. Kaya simula noon, natutunan ko ang totoong buhay sa kalye.

Sa pakiusap ko kay Boss, kahit papano nakapagtapos ako ng highschool. Yun nga lang sa loob ng mga taon na nag-aaral ako, wala akong nakukuhang komisyon sa mga lakad namin ni Tuns. Ang dahilan ni Boss, hindi libre ang pag-aaral ko dahil sya ang gumagastos, kaya dapat lang na wala akong komisyon. Pero okay lang naman, hindi naman kami nagugutom sa bahay ni Boss. Maayos din ang damit namin, para nga daw hindi kami paghinalaang magnanakaw sa kalsada. Pero kapag may mga project ako sa school noon, nangungupit ako sa mga nanakawan ko bago ko i entrega kay Boss. Ang lagay nyan, si Boss lang ang wais? Syempre kami din.

Sa wakas nakatapos na rin ako ng highschool. Muli kong pinakiusapan si Boss kung pwede akong mag college. Ayaw nyang pumayag, masyado na raw akong spoiled kapag ganun. Saka bakit pa daw ba ako magka collage? May balak daw ba akong umalis sa kanya? Syempre sinabi kong hindi, kami lang nakaka alam ni Tuns sa plano namin. Kaya hindi ko na sya kinulit pa, mahirap na baka makahalata pa yun.

- what do you think guys? Pwetmalu ba? 😂😂😂😂😂

- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat!

- tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz. Thanks again!

- all errors were mine.

Trap. ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon