Ten

1.5K 128 52
                                    


Babala....

Wala lang 😂😂😂😂😂 kala nyo may spg na naman nho😂😂😂 . Wala ngayon nho.. Wala ATA ngayon😅😅😅

*Alden's POV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Dei habang nasa outdoor shooting range sya. Nasa tabi lang din ng bahay nya ang shooting range. Ako naman kanina pa ako tapos sa training ko kaya napag pasyahan kong hanapin si Dei. At dito ko nga sya inabutan.

Umupo ako sa lugar na hindi nya ako mapapansin, para hindi ko sya maistorbo sa ginagawa nya. Kapansin-pansin na balisa sya habang nagpapaputok ng baril. Sunod sunod ang kalabit nya ng gatilyo. Ni hindi nya inalintana ang ingay ng baril habang nagpapaputok sya. Pero kahit na balisa sya puro pa rin bullseye ang target nya. Kahapon ko pa sya napapansin na balisa, pagkaalis ng Daddy nya. Ano kayang pinag-usapan nila? Nagalit ba ang Daddy ni Dei dahil kinukupkop nya ako?

Nang huminto si Dei sa pagpaputok, tumayo ako para lapitan sya. Nang tinatanggal nya na ang protective eye gear nya, saka nya lang ako napansin.

" Kanina ka pa dyan, Alden? " ngumiti sya nang makalapit ako. Pero yung ngiti nya hindi nakabawas ng mga balisa sa mata nya,kitang-kita.

" Oo, Dei. Kanina pa kasi tapos yung training kaya pinanood na lang kita. Naistorbo ba kita? "

" Hindi naman. Hindi ko nga alam na nandyan ka pala kung hindi ka lumapit eh. "

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nya na tumakip sa mukha nya bago ko iniipit sa likod ng tenga nya. Napatingin sya sa akin dahil sa ginawa ko.

" Okay ka lang ba? "

" H-ha? "

" Kahapon ko pa kasi napapansin na balisa ka. Lalo na kanina habang pinapanood kita. May problema ba? "

Umiwas sya nang tingin bago sumagot. " Wala naman, Alden. "

" Pinagalitan ka ba ng Daddy mo dahil pinapatuloy mo ako dito? "

" Hindi. Hindi nya alam na nandito ka. May konting misunderstanding lang kami kahapon. So kamusta ang training? "

Nahalata kong ayaw nyang pag- usapan ang Daddy nya kaya hindi ko na rin sya kinulit pa. " Okay naman, Dei. Tulad dati, marami ulit akong natutunan. Teka nagugutom ka ba? Gusto mong mag meryenda? "

" Ano bang meron? "

" Nagkalkal ako sa ref kanina, may nakita akong pasta kaya nag pesto ako. Gusto mo ba yun? "

" Oo naman. Teka marunong kang magluto? "

" Oo naman. Nag search ako sa internet. "

" Ang galing naman. Ang laki na talaga ng development ng personality mo, Alden. "

" Dahil din naman sayo kaya ako ganito ngayon, Dei. So, meryenda tayo? "

" Tara! "

Sabay na kaming bumalik ng bahay. Nang makarating sa kitchen maghahain sana si Dei pero pinigilan ko sya.

" Oppss upo ka lang dyan, ako na ang bahala. " sabi mo sabay alaalay sa kanya para umupo.

Nagtatakang tumingin sya sa akin. " Anong meron, Alden? "

" Wala lang, masama bang ibalik sayo ang mga ginawa mong pag aasikaso sa akin? " nakangiting sagot ko habang nilalagyan ko ng pasta ang plato nya.

" Hindi naman, nagulat lang ako. "

" Kain ka na, Dei. Sana magustuhan mo. " sabi ko habang inihahain sa kanya ang pasta.

" Thank you, Alden. Ikaw ba, bakit hindi mo ako sabayan? "

" Busog pa ako. Ikaw na lang. "

" Sure ka? "

Tumango lang ako. Habang kumakain sya palihim ko syang pinagmamasdan. Pasimple lang para hindi sya mailang. At nagsisimula na namang magrambulan ang mga insekto sa tyan ko habang pinagmamasdan ko sya. Mas lalong lumala ang ganitong pakiramdam ko kay Dei noong unang beses na hinalikan ko sya. Nadagdagan pa nung hinalikan nya ako kahapon. Parang simula noon, mas lalong naging kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lumalim. Mas mahirap ipaliwanag. Mas lumakas. Mas magulo sa utak. Pero ang nakakapagtaka lang, kahit na naguguluhan ako, gusto ko pa rin ang ganitong pakiramdam. Yung pakiramdam na parang sasabog ang dibdib mo sa kaba. Yung literal na sumasakit ang puso mo dahil sa sobrang bilis ng tibok. Ganun na ganun ang nararamdaman ko sa kanya. Para akong gamo-gamo at sya ang apoy. At alam kong anumang oras na madarang ang gamo-gamo sa apoy ang maari itong masawi, pero lalapit at lalapit pa rin ang gamo-gamo katulad sa isang sikat na kwento. Nakakatakot. Sa totoo lang natatakot ako sa misteryong bumabalot sa pagkatao ni Dei at sa kung anumang pakay nya sa akin. Pero nilamon ng kakaibang damdamin ko ang takot kong iyon. Sa paglipas ng araw, mas nanaig ang kakaibang damdaming yun kesa sa takot.

Dahil sa iniisip hindi ko na napansin na tapos na palang kumain si Dei. Kung hindi pa sya nagsalita ay hindi ko malalaman.

" Ang sarap ng luto mo, Alden. Ganito yung gusto ko sa pesto. "

" Talaga? Akala ko hindi mo nagustuhan. "

" Masarap nga kasi. Excuse lang Alden, ha huhugasan ko lang yung pinagkainan ko. "

" Ahh Dei, sandali. " sabi ko sabay hawak sa pulso nya.

" Bakit? "

Hindi ako kumibo sa halip ay muli ko syang tinitigan. Mula sa mata nya hanggang sa ilong nya pababa sa nanghahalina nyang labi. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya dama ko ang mainit nyang hininga sa mukha ko. Titig na titig kami sa mata ng isa't-isa. Imbes na pagkabalisa ang makita ko sa mga mata nya, nakakita ako ng apoy. Apoy ng paghahangad. Hanggang sa dahan-dahan kong iniliapit ang labi ko sa labi nya. Bahagya nya pang inihilig ang ulo nya para maglapat ng maayos ang mga labi namin. Bahagya akong lumapit para magdikit ang mga katawan namin. Ang dalawang kamay ko ay nakasapo sa magkabila nyang pisngi habang ang kamay nya ay nasa dibdib ko. Marahan kong pinagapang ang dila ko sa ibabang labi nya. Paulit-ulit kong ginawa yun hanggang sa marahan nyang ibinuka ang mga labi. Muli kong naramdaman ang mainit nyang hininga nang salubungin nya ang dila ko. Sa gitna nang mainit na tagpong yun, may na realize ako. Alam ko na kung ano ang kakaibang damdaming ginising ni Dei sa akin. Hindi ito simpleng atraksyon lang. Hindi simpleng paghanga. Hindi dahil sa pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya. Mahal ko na si Dei. Mahal ko na sya.

Marahan kong pinutol ang halik namin para kumuha nga hangin, pero magkadikit pa rin ang noo at mga ilong namin. Pareho kaming hinihingal pero pareho kaming nakangiti.

" Dei.... Mahal na kita. " sabi ko habang titig na titig ako sa mga mata nya.

* Dei's POV

" Dei.... Mahal na kita. "

Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa narinig. Dahil nasusunod na ang lahat ng nasa plano namin. Gusto kong magsaya dahil mukhang matatapos ko nang mas maaga ang misyon ko kay Alden. Pero bakit mabigat ang loob ko dahil sa sinabi nya? Dahil ba iba na rin ang nararamdaman ko sa kanya? Dahil ba nagdadalawang isip na akong gawin ang plano ni Daddy? Pero wala akong choice diba? Kaya nag decide na ako, kailangan kong sundin si Daddy para sa paghihiganti nya. Saka na muna ng nararamdaman ko, kailangang mamatay si Alden sa mga kamay ko. Kailangan.

" Mahal din kita, Alden. "

A/N: sorry at medyo na late ang u. d ko ha. Sobrang nag hang kasi ako sa chapter na ito. Kaya easyhan lang natin ang hawrot ha wag dalasan, mangangayat yan😂😂😂😂

- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po sa support!!!!

-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz

- thank you meshie xtinkyxbellax16 for some pointers and suggestions para mairaos ko ang chapter na ito 😘😘😘😘

- all errors are mine.

- Merry Christmas mga ka T!!!!! God bless you all po!! 😘😘😘😘

Trap. ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon