Five

1.8K 132 33
                                    


For ate RhodaCajayon 😊

* Dei's POV

Kinabukasan, matapos kong magluto ng almusal agad na akong nagtungo sa kwarto ni Alden.

" Good morning, Alden. "

Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Alden bago nagsalita. " Magandang umaga, Dei. "

" Ang aga mo atang nagising? " sabi ko habang inilalapag sa side table ang tray.

" Kumirot kasi ang sugat ko kanina, Dei. "

" Ha? Sana tinawag mo ako. "

" Nakakahiya naman yun, Dei. Baka maistorbo ko pa ang tulog mo. "

" Kahit na. Sana sumigaw ka man lang. Baka naman kasi masyado ka namang gumagalaw? "
sabi ko bago ko marahang itinaas ang damit nya para tignan kung nagdugo ang sugat nya.

" Hindi naman, basta nagising na lang ako sa sakit. "

" Ngayon, masakit pa ba? "

" Hindi na, Dei. "

Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Matapos nun, ibinaba ko na ang t-shirt nya. " Buti naman. Sa susunod tatawagin mo ako ha. Kain ka na habang mainit pa ang sopas. "

Tumango sya bago ako nginitian. Hinipan ko muna ang sopas bago ko isinubo sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nya sa labi matapos ko syang subuan.

" Kailan pa naging nakakatawa ang pagkain ng sopas, Alden? " nakangiti ring tanong ko sa kanya.

" Ha? Hindi naman yung sopas ang nginingitian ko. Saka hindi ako natatawa, natutuwa ako. "

" Bakit naman? "

" Nakita na kasi ulit kita. " titig na titig sya sa akin habang nagsasalita.

" Smooth, Alden. Dami mong alam. Kumain ka na nga. " kunwa'y yumuko ako at tumingin sa pagkain para itago ang pamumula ng pisngi ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagsubo ng pagkain sa kanya. Naramdaman din ata ni Alden na nailang ako kaya tahimik na lang syang kumain. Matapos kumain, sinamahan ko si Alden na mag c. r. At tulad kagabi, inalalayan ko sya. Nang matapos sya ay muli kaming bumalik sa kama nya. Muli ko syang nilisan. Matapos nilinisan ay pinainom ko na sya ng gamot.

" Salamat, Dei. "

" Welcome. Mamaya pala ipapakabit ko sa tauhan ko yung tv ha, para hindi ka na maiinip. "

" Sige, Dei. Salamat. Ahh Dei, pwede ba magtanong? "

" Tungkol saan? "

" Alam ko sinabi mo na malalaman ko sa takdang oras ang mga sagot mo sa mga tanong ko, pero pwede bang malaman ngayon yung sagot? Kahit sa isang tanong lang. "

" Bakit? "

" Naguguluhan kasi ako. "

" Ano bang gusto mong malaman? "

" Bakit mo ako tinulungan? "

Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. " Para makilala mo ang Daddy mo, Alden. "

Natigilan si Alden sa sinabi ko. Kita sa mukha nya na lalo syang naguluhan sa sinabi ko. " Kilala mo sya? " bahagyang nanginig ang boses ni Alden.

Tumango ako. " Ang totoo nyan, matagal ka na naming hinahanap. At buti na lang noong muntik ka nang mahuli ng mga pulis, natagpuan ka na namin. "

" Yun ang dahilan kaya mo ako tinulungan? "

" Oo. Misyon ko na tulungan ka. "

" Kailan ko pwedeng makilala ang Tatay ko? "

" Hindi pa sa ngayon, Alden. Kailangan mo munang dumaan sa pagsasanay. "

" Pagsasanay? "

" Oo. Sa mga susunod na araw may mga taong pupunta dito para sanayin ka sa pagsasalita, pagdadamit ng maayos at pagkilos ng disente. "

" Bakit? Hindi ko ba pwedeng makilala ang Tatay ko kung ganito ako? "

" Hindi. "

" Pero bakit?"

" Mayaman si Mr. Faulkerson. Sobrang yaman. Ayokong mag aalangan ka kapag ipinakilala kita sa kanya. Para alam mo rin kung paano iikot sa mundong ginagalawan ng Daddy mo. Dahil ikaw ay ang nag-iisa nyang tagapagmana. Kaya kailangan mo munang pagdaanan ang mga pagsasanay na sinabi ko. "

" Naguguluhan pa rin ako. "

" Magiging malinaw din ang lahat, Alden. Sabi ko naman sayo diba, sasabihin ko ang lahat sa takdang oras. Sa ngayon may hihilingin lang sana ako bilang kabayaran sa pagligtas ko sayo. "

" Ano yun, Dei? "

" Sana kapag naipakilala na kita kay Mr. Faulkerson, maging lihim ang pagkatao ko sa kanya. Hindi nya ako maaring makilalang bilang si Dei Mendoza. "

" Pero bakit? "

" Dahil hindi maaari, ganun kasimple. Simpleng bagay lang, pwede mo bang sundin? " tinitigan ko si Alden.

" Utang ko sayo ang pangalawang buhay ko, Dei pati na rin ang mga impormasyon ng totoo kong pagkatao. Maliit na bagay lang ang hinihingi mong kabayaran. "

" Pangako, Alden? "

" Pangako, Dei. "

" Aasahan ko yan. "

" Oo, Dei. "

" Lalabas muna ako ha. Tawagin mo lang ako kapag may naramdaman kang kakaiba. "

" Oo, Dei. Salamat ulit. "

Tumayo na ako para lumabas ng kwarto ni Alden.

* Alden's POV

Kanina pa nakalabas si Dei ng kwarto ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makabawi sa pagkabigla ko sa nalaman ko sa pagkatao ko. Sa
loob ng mahabang taon ng buhay ko, hindi ko sinubukang alamin ang tunay na pagkatao ko. Hindi ko sinubukang alamin ang buhay ko bago ako napadpad sa kalsada noong apat na taon ako. Hindi ko sinubukang hanapin ang tunay na mga magulang ko. Isa lang kasi ang nakatanim sa isip ko mula noong hanggang ngayon, pinabayaan nila ako. Hindi nila ako hinanap. Kung hindi nila ako pinabayaan noon, mapapadpad ba ako sa kalsada? Kaya hindi ko sila pinag aksayahan ng panahon na hanapin. Akala ko okay na ako sa ganoon. Hindi pa rin pala. Parang akong sinabugan ng bomba sa sinabi ni Dei. Imbes na maliwanagan ako sa mga katanungan ko, lalo ata akong naguluhan sa nalaman. Bakit alam ni Dei kung sino ang totoo kong Tatay? Bakit alam nya kung saan ako hahanapin? Bakit hindi pwedeng malaman ng Tatay ko ang tungkol kay Dei Mendoza? Ano ang nag-uugnay sa Tatay ko at kay Dei? Ang dami kong katanungan. Pero iisa lang ang malinaw, tutuparin ko ang ipinangako ko kay Dei. Maliit na bagay lang yun kumpara sa ginawa nyang pagliligtas sa akin. Bukod pa sa malaking parte ng pagkatao ko ang hawak nya. Hindi naman makakasakit sa akin ang maliit na pabor na iyon.

Hanggang sa pumasok ang mga tauhan ni Dei para ilagay ang t. v sa kwarto ko, hindi pa rin ako natigil sa pag-iisip.

A/N: Oo nilagang sabaw po ang menu natin ngayon😂😂😂😂 Mas masabaw pa nga dito ang draft ko, nilagyan ko lang ng vetsin ngayon 😂😂😂😂😂. Sorry na 😂😂😂

- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote.

- tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz. Salamat sa support mga ka T. 😂😂😂😂😂. Isang T lang tayo ngayon kasi Trap lang title😂😂😂😂. Gusto nyo ba gawin nating dalawang T ulit? The Trap? 😂😂😂😂

- all errors are mine.

Trap. ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon