*Alden's POV
Base sa nakikita ko sa labas ng bintana, gabi na. Nakailang tulog at gising na ako, dahil yun lang ang pwede kong gawin sa ngayon. Hindi naman ako masyadong makagalaw at kikirot na naman ang sugat ko. Mabuti sana kung andito sa loob ng kwarto ko si Dei para matitigan ko sya. Kahit hindi na kami mag-usap, basta titigan ko lang sya. Solb na ako dun.
Eh kung sumigaw kaya ako? Kunyari masakit ang sugat ko, para pumasok sya? " Ang landi mo, Tisoy! " napailing na lang ako sa pinag iisip ko.
Naalala ko yung sinabi nya kanina na nilinisan nya ang buong katawan ko. At nahawakan pa. Lintek na yan, namolestya ako ng walang kalaban-laban. Sana man lang nakapanlaban ako. Ibang klaseng laban. Teka, ano kayang reaksyon ni Dei sa nakita nya? Nagustuhan kaya nya? Napabunghalit ako ng tawa sa kapilyuhang pinag iisip ko.
Natigil ang mga iniisip ko ng bumukas ang pinto at iniluwa si Dei,dala dala ang isang tray ng pagkain. Bigla ako napa diretso sa pagkakahiga. Nakita ko pa lang sya bigla na akong nabuhayan.......................... ng dugo. Napangiti ako nang papalapit na si Dei sa kama ko.
" Pasensya na Alden at medyo natagalan ako sa pagluluto ng ulam natin. Gutom ka na siguro. " tanong nya habang inilalapag sa side table ang tray.
" Okay lang Dei. "
" Sige kain ka na. " sabi nya habang sinusubo ako. Ay sinusubuan pala.. ( A/N 🙊🙊🙊🙊🙊😂😂😂😂😂😂😂 )
" Salamat, Dei. Ikaw ba kumain ka na? "
" Pagkatapos mo na lang. Naiinip ka na ba dito sa loob ng kwarto mo, Alden? "
" Ha? Medyo. Nakakangalay kasi yung parating nakahiga. "
" Pasensya ka na ha. Bayaan mo kapag pwede ka nang tumayo, ipapasyal kita. For now, reremedyuhan natin ang pagkainip mo. Bukas na bukas, magpapalagay ako ng t.v dito sa loob ng kwarto mo. "
" Salamat, Dei. "
Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain, matapos ang usapan naming yon. Panaka-naka ko syang tinitignan lalo na kapag hindi sya nakatingin. " Ang ganda talaga, ang bango pa. " sabi ko sa sarili ko.
Nang matapos na akong kumain, itinabi na ni Dei ang tray. Tumayo sya at nagtungo sa medicine cabinet. Bigla ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
" Teka, paano ko sasabihin sa kanya na naiihi ako? Susmaryosep naman! Alangan namang pahawakan ko sa kanya yung ano ko ?" napakamot ako ng ulo na napansin ni Dei.
" Bakit Alden? May problema ba? "
" Ahhh, ehhh ano kasi Dei. Ano kasi, n-naiihi ako. "
Nahalata kong natigilan si Dei sa sinabi ko, pero nakabawi agad sya.
" Sige aalalayan kita papunta sa c.r. " nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi sa bote nya ako papaihiin.
" Pwede ka namang tumayo, basta dahan-dahan lang. Saka wag kang yuyuko para hindi maipit yung sugat mo. "
Tumango ako. Lumapit sya sa akin at marahan nyang inalis ang kumot na nakatabing sa katawan ko.
" Dahan-dahan lang. " sabi nya habang inaalalayan na maibaba ang paa ko sa gilid ng kama.
" Arrgghh! " ungol ko ng sumigid ang kirot mula sa sugat ko.
" Kaya ba? "
Tumango ako.
Nang makatayo, inilagay ni Dei ang isa kong braso sa balikat nya bago nya ipinalibot ang isang braso nya sa bewang ko habang ang isang braso nya ay nakaalalay sa tyan ko.
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...