Two

2.1K 146 20
                                    


* Alden's POV

Gabi na naman. Oras na naman ng trabaho namin ni Tuns. Habang nagmamasid ako sa susunod na posibleng bibiktimahin, kausap ko si Tuns sa kabilang linya.

" Okay na ba ang pwesto mo dyan? "

" Okay na Tisoy, Konting takbo ka na lang mula sa kinatatayuan mo. "

" Sige, stand by ka lang dyan. Sige na mamaya na lang ulit. " sabi ko bago ko tinapos ang tawag. May dalawang babae akong naispatan sa ka harap ko. Nagse cellphone ang isa sa mga babae habang ang isang babae ay nagsasalita.

" Gurlllll san na ba si Kuyang driver? Ang tagal nya ha. "

" Wag ka ngang maingay, kinokontak ko na nga diba? "

Lumapit ako sa dalawang babae. " Ah Miss pwede bang magtanong? " at dahil hindi ako nag face mask ngayon, kitang kita ng dalawang babae ang itsura ko. Obvious na kinilig ang dalawa.

" Ano yun, Pogi? "

" Eh kasi kanina pa ako naliligaw, san ba ang sakayan papuntang Cubao? "

" Ay lakad ka lang dyan, tapos tawid ka. Dun marami nang pa Cubao dun. "

" Ah ganun ba? Salamat ha. " sabi ko bago ko sila kinindatan.

" Welcome, Pogi. " nang malingat ang isa sa mga babae, agad na hinablot ko ang bag nya. At dahil nagulat, hindi agad nakapag react ang dalawa.

Mabilis akong tumakbo, papunta sa direksyon kung saan naghihintay si Tuns.

" Magnanakaw! Magnanakaw! " narinig ko pang sigaw ng mga babae. Nang sa wakas nakarating ako sa lugar ni Tuns, agad na akong sumakay sa motor nya.

" Bilis, Tuns! "

Agad namang pinaarangkada ni Tuns ang motor. Nagulat ako ng may isang police mobil na sumusunod sa amin.

" Kayong dalawa, hihinto kayo o papuputakan namin kayo?! " narinig kong sabi ng pulis.

" Tuns! Bilis! "

Lalong binilisan ni Tuns ang motor nya. Nakarinig ako ng isang putok, na sinundan pa ng isa. Sabog ang gulong ng motor ni Tuns kaya napasadsad kami sa kalsada.

" Tangina! " naipit ang paa ko ng nakahigang motor. Tinignan ko ang police mobil, malapit na sila sa amin.

" Tisoy, lika na tumakbo na tayo! Tutulungan kita dyan! "

" Wag na iwan mo na ako! "

" Hindi pwede, Tisoy! "

" Tangina Tuns tumakbo ka na! Iligtas mo ang sarili mo! " palapit nang palapit ang mobil.

" Tisoy, hindi sasamahan kita! "

" Tumakbo ka na, putangina malapit na sila! "

Tumingin si Tuns sa papalapit na mobil bago muling tumingin sa akin.

" Tisoy? "

" Tumakbo ka na!!!!! "

" Oo, Tisoy! Pero pangako ililigtas ka namin ni Boss!! Hihingi ako ng tulong sa kanya!! "

" Takbo na!! "

Mabilis nang tumakbo si Tuns palayo sa akin. " Tuns yung plano nating pagtakas kay Boss ituloy mo yun ha! Gamitin mo ang pera na naipon natin! " sigaw ko bago sya tuluyang makalayo. Lumingon si Tuns bago tumango at ipinagpatuloy ang mabilis na pagtakbo.

" Hoy ikaw wag kang tumakbo! Taas ang kamay! " narinig kong sabi ng pulis.

Tinignan ko ang mga pulis na papalapit. " Gago ka ba? Paano ako tatakbo eh naipit nga ako ng motor? "

" Aba't gagong to ah, ang yabang mo ha. "

" Mas gago ka! " sabi ko habang pilit tinatanggal ang nakadagang motor sa paa ko.

" Loko ka ha! Pinahirapan mo pa kami. " sabi ng isang pulis sabay suntok sa akin. Sa panga ako tinamaan. Isang suntok pa ang pinakawalan ng pulis, sa tyan ko naglanding. Namimilipit sa sakit na napahandusay ako sa kalsada. Isang sipa naman ang pinakawalan ng isa pang pulis. Hanggang sa ang isang sipa ay naging sunod-sumod na. Pero kahit na nagdidilim na ang paningin ko, pinilit ko pa ring tumayo para lang muling mabuwal. Sa wakas at tumigil na ang mga pulis sa pananakit sa akin kaya sinubukan ko uling tumayo. Nang makatayo ako, mabilis akong tumakbo para makalayo sa mga pulis. Ngunit hindi pa man ako nakakalimang hakbang, nakarinig na ako ng putok ng baril. Namalayan ko na lang ang mainit na likido na umaagos sa tyan ko bago ako muling sumadsad sa kalsada.

" Mga boss baka pwedeng arborin ko na lang yan. "

Nagdidilim man ang paningin ko, pinilit kong lingunin ang pinanggalingan ng boses. Isang babae. Isang magandang babae ang nakita ko bago ako nawalan ng malay.

* Dei's POV

" Mga boss, baka pwedeng arborin ko na lang yan? "

Napalingon sa akin ang mga pulis.

" Anong arborin? At sino ka? "

" Hindi na mahalaga kung sino ako, ang kailangan ko ang lalaking yan. Ano ibibigay nyo ba o magkakasakitan pa tayo? "

" Aba't ang yabang mo ha. Ano bang kaya mong gawin bata? " sabi ng isa sa mga pulis bago ako pinitik sa noo.

" Ito. " dinuraan ko sa mukha ang pulis. Sumugod naman ang mga kasama nya. Umikot ako at siniko ko ang isa, sapul sa mukha. Ang isa naman ay namilipit dahil tinuhod ko sa maselang bahagi ng katawan nya at ang isa ay tinusok ko sa mata. Binalikan ko ang pulis na pumitik sa akin at nakatikim ng flying kick, sapul sa batok. Isa-isang humandusay sa kalsada ang mga pulis. Mayamaya pa, lulugo-lugong tumayo ang mga ito para gantihan ako. Bago pa sila makatayo, isang matinis na sipol ang pinakawalan ko. Naglabasan sa pinagtataguan nila ang mga tauhan ko na hindi bababa sa kinseng katao.

" Kayo na ang bahala sa mga yan, baka maubusan ng dugo ang lalaking ito. " sabi ko bago ko lapitan ang lalaking nakahandusay sa semento.

" Yes, Madam. "

Pinulsuhan ko muna ang lalaki. Nang masiguro kong buhay pa, lumingon ako sa isa sa mga tauhan ko.

" Bret! Pakitulungan naman ako dito. Ang laking tao, hindi ko kaya."

" Yes, Madam. " agad na lumapit ang tauhan ko at walang hirap na binuhat ang lalaking duguan papunta sa kotseng naghihintay sa amin.

" Dahan-dahan sa paglapag Bret, baka lalong mabalian. "

" Opo, Madam. " sagot ni Bret bago marahang inilapag sa backseat ang lalaki.

Nang mailapag agad na akong umupo sa harap.

" Alexis, sa hideout muna tayo para magamot muna ng sugat nito baka maubusan ng dugo. Pag nagamot na saka na lang tayo bumalik sa Baguio. Pakibilis lang ha. " sabi ko sa driver ko.

" Copy, Madam. "

Nilingon ko sa labas ng kotse si Bret para magbilin.

" Kayo na ang bahala sa mga pulis na yan. Wag nyo lang papatayin. "

" Opo, Madam. "

Tumango ako bago ko sinenyasan si Alexis na paandarin na ang kotse.

- slayyyyyyyyyy Dei. Slay them🤘🤘🤘🤘😏😏😏. Pwetmalu ng protagonist nating babae diba? Ayy hindi ko pala sigurado kung protagonist o antagonist 🙊🙊🙊🙊. Ebengen!

- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat!

- tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz. Thanks again!

- all errors were mine.

Trap. ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon