Nineteen

1.4K 93 63
                                    


A/N
🚧🚧🚧🚧🚧🚧
I'm sorry 😖😖😖
Please play the song..

*Dei's POV

Mag aalas-onse na ng gabi, wala pa rin si Alden. Dapat kanina pang 6pm ang uwi nya. Imposible namang sumama sya sa mga kaopisina nya nang hindi nagsasabi sa akin. O baka akala nya nasa Maynila pa ako? Hindi na kasi ako nakapag text sa kanya mula noong dumating ako sa bahay ni Daddy hanggang ngayong nakabalik na ako dito sa Cebu. Noong tumawag naman sya, hindi ko naman nasagot. Unattended naman na ang cellphone nya ngayon.

Muli kong tinignan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Namumugto na ang mga mata ko dahil kanina pa ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagdaloy. Ito na ang huling gabi na makakasama ko si Alden. Ito na ang huli kong alaala sa kanya. Matatapos na ang ilang buwan na naging masaya ako sa piling nya. Parang hindi pa rin sapat ang mga inipon kong alaala namin ni Alden. Akala ko dati makaka survive na ako dahil may baon akong alaala nya. Hindi pa rin pala. Hindi ko pa rin pala kayang hindi sya ang makakasama ko sa mga darating pang mga umaga.

Hahanap-hanapin ko si Alden. Hahanap-hanapin ko ang mga mata nya na kapag nakatingin sa akin ay walang nang nakikitang iba pa. Hahanap-hanapin ko ang amoy nya na para bang nagpapakalma sa bagyo sa aking isipan. Hahanap-hanapin ko ang labi nyang nangangako ng masasayang bukas. Hahanap-hanapin ko ang mga braso nyang promoprotekta sa akin sa nakakatakot na mundo. Hahanap-hanapin ko sya. Hahanap-hanapin ko si Alden.

Bakit ganito? Bakit kung kelan natagpuan ko na ang lalaking mamahalin ko habang buhay saka kami paglalaruan ng tadhana? Ganito ba talaga kalupit ang buhay? Ganito ba talaga kahirap na mabuhay sa mundong ito? Hindi ba pwedeng habang buhay na lang na masaya ako? Kami ni Alden? Yung walang aalalahaning ibang tao. Yung kaming dalawa lang ang mahalaga.

Napalingon ako sa pinto nang marinig kong bumukas. Si Alden. Dumating na si Alden. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at sinugod ko sya ng yakap.

" Dei

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" Dei.. " bulong ni Alden habang nakapalibot sa katawan ko ang mga braso nya.

" K-kanina pa kita hinihintay. Akala ko kung napaano ka na. " pinilit kong hindi pumiyok pero nabigo ako.

Inilayo ako ni Alden sa katawan nya para tignan ako sa mukha. " Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo Dei? " tanong nya habang nararamdaman ko ang mga daliri nya sa pisngi ko.

" W-wala Alden. Okay na ako kasi dumating ka na. " sabi ko bago ko banayad na inilapat ang labi ko sa labi nya. Sa una ay marahan lang ang paggalaw ng mga labi namin. Para bang nilulubos na namin ang mga natitirang sandali sa pagitan namin.

Hanggang sa ang marahang halik ay unti-unting naging mapusok. Kapwa na kami napapaso dahil sa init ng katawan ng isa't-isa pero hindi pa rin kami tumitigil. Gumapang ang mga kamay ni Alden pababa sa bewang ko habang ang mga kamay ko naman ay nasa dibdib nya. Hanggang sa isa isa nang naalis ang mga pang itaas na damit namin. Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Alden  papunta sa kama. At tulad ng dati, marahan nya akong inilapag na parang babasaging kristal.

Muli nyang pinaglapat ang mga labi namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Muli nyang pinaglapat ang mga labi namin. Mainit, maalab, katulad ng pagmamahal nya sa akin. Katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Naramdaman kong gumapang ang labi nya papunta sa tenga ko habang ang isang kamay nya ay pinagpapala ang isa kong dibdib.

" I love you, Dei. Mahal na mahal kita. " bulong nya bago nya muling pinagapang ang labi nya pababa sa leeg ko. Habang gumagapang ang labi ni Alden ang mga kamay naman nya ay abala sa pag alis ng shorts ko.

" Mahal na mahal din kita, Alden."

At muli naming pinagsaluhan ang isang maalab na gabi. Isang gabi na punong puno ng pag-ibig at alaala. Isang gabi na babaunin ko habang buhay. Isang huling gabi.....

---------

3:05 am

Kanina pa tulog sa tabi ko si Alden. Kanina pa sya nakayakap sa hubad kong katawan. Kanina ko pa nararamdaman ang init ng katawan nya. Pinilit kong hindi makatulog para magawa ko na ang misyon ko. Marahan kong tiningala si Alden. Ang peaceful ng tulog nya. Payapang-payapa. Wala syang kaalam-alam sa kapahamakan na dala ko. Matagal kong tinitigan ang mukha ni Alden para muling kabisaduhin, kahit sa huling sandali na lang.

Marahan kong inalis ang braso nya na nakapulupot sa bewang ko para tumayo mula sa pagkakahiga. Nang makatayo mula sa kama, isa isa kong pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa paligid ng kwarto para magbihis. Nang makapag bihis, bumalik ako sa tabi ng kama para kunin ang cellphone ko. Sakto naman na pagkuha ko ay tumunog ito. Si Daddy ang tumatawag. Mabilis kong sinagot ang tawag para hindi magising si Alden.

" H-hello Dad..."

" Gawin mo na Dei, ito na ang tamang oras! "

" O-opo Dad. " sagot ko. Parang may nakabikig sa lalamunan ko, nahihirapan akong magsalita.

" Sige na. " sabi nya bago nya tinapos ang tawag.

Nang matapos ang tawag isiniksik ko na ang cellphone ko sa bulsa ko bago lumapit kay Alden.

Yumuko ako para dampian ng halik ang labi nya habang walang tigil na ang pagdaloy ng mga luha ko sa mga mata ko.

" Mahal na mahal kita Alden. Palagi mong tandaan yan. Mahal kita. "

Marahan kong kinuha ang  baril na kanina pa nakatago sa ilalim ng unan ko. May silencer naman ang baril ko kaya maayos kong matatapos ang misyon ko.

Habang ikinakasa ko ang baril ko lalong pinalalabo ng mga luha ko ang mata ko. Dahan dahan kong itinaas ang baril ko at itinutok ko sa sentido ni Alden. Hanggang sa ipinasok ko na ang daliri ko sa gatilyo.

" Paalam, Alden. " sabi ko bago ko pikit matang kinalabit ng gatilyo ng baril ko.

-----------

Tapos na. Tapos na ang misyon ko sa wakas. Pero bakit mas naging hungkag ang pakiramdam ko? Mas lalong bumigat ang dibdib ko?

Hanggang sa makalabas ako ng bahay wala pa ring tigil ang pagdaloy ng mga luha ko. Lalayo na ako. Palayo sa bahay na ito. Palayo kay Alden....

A/N: 😱😱😱😱😱😭😭😭😭😭

- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po!!!!

-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz

-all errors were mine.

Trap. ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon