Seven

1.5K 125 18
                                    


* Dei's POV

Habang nadadagdagan ang mga araw ng pag iistay dito na Alden, mas lalo akong nahihirapan na gawin ang misyon ko. Although matagal na akong sinanay sa misyon kong ito, pero iba pa rin talaga kapag on the spot na. Dahil sa totoong buhay, hindi makokontrol ng predator ang prey nya. Bibihirang pagkakataon na hindi lalaban ang prey sa predator nya. May pagkakataon pang nagiging baliktad ang labanan. Matatalo ng prey ang predator nya. At iyon ang kinatatakutan kong mangyari sa ngayon, ang mag backfire ang lahat sa akin.

Ilang taon na ang nakakaraan nang sanayin ako ni Daddy para sa misyon kong ito. Lahat ng uri ng self defense ay itinuro sa akin sa tulong ng mga tauhan nya. Halos lahat ng klase ng baril ay nagamit ko na rin. At buong puso kong tinanggap ang misyon ko na ito dahil gusto kong iplease si Daddy. Baka kasi kapag nag tagumpay ako sa pinapagawa nya, ituring nya akong anak sa unang pagkakataon. Simula kasi noong baby pa ako parang ibang tao na kung ituring ako ni Daddy. Mas mabuti pa nga ang mga kasambahay namin. Sa kanila ko nahanap ang totoong pamilya. Sa kanila ko naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang. Sa kanila ko rin nalaman kung bakit ganoon ang pakikitungo ni Daddy sa akin. Dahil daw kasi sa akin kaya namatay si Mommy. Dahil daw sa panganganak sa akin. Parang sa akin nya lahat ibinunton ang sisi. Kaya simula noong nagkaisip ako, ginawa ko ang lahat para iplease sya. Sa ganoong paraan man lang, maalis ko yung sama ng loob nya sa pagkamatay ni Mommy. Pero wala pa rin, invisible pa rin ang tingin nya sa akin.

Gusto ko syang kamuhian, gusto kong magalit sa kanya dahil sa pagtrato nya sa akin pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa kanya. Naalala ko pa ang huling pag-uusap namin bago ko tanggapin ang misyong ito.....

" Dad.. "

" Bakit Dei? "

" Can we talk? "

" About what? May problema ba? "

" About us po, Dad. About po sa treatment nyo sa akin. Hindi ko po kasi madama na anak po ang turing nyo sa akin, Dad. Kahit na minsan po. Ngayon lang po ako nagkalakas ng loob na tanungin sa inyo kung bakit po ganoon. "

" Dei, ano bang klaseng tanong yan? Alam mong napaka abala kong tao, wala akong panahon sa mga drama mo. "

" Pero gusto ko lang naman po malaman Dad. Dahil po ba sa akin ninyo isinisisi ang pagkamatay ni Mommy? Kaya po ganyan ang treatment nyo sa akin? "

" Dei, stop it. Kung sayo hindi importante ang oras sa akin importante. Now kung wala ka ng sasabihin pa, pwede ka nang lumabas."

" Dad,please po. Ano po bang gusto nyong gawin ko para lang ma please kayo? "

" Wala. "

" Dad --"

" Lumabas ka na Dei. "

Nakayukong lumabas ako ng opisina ni Daddy, pinipigilan ang mga luhang nagbabantang mahulog sa mga mata ko.

" Dei. " narinig ko nang nasa bungad na ako ng pinto. Nilingon ko si Daddy.

" Bakit po, Dad? "

" Bumalik ka dito. " agad akong lumapit sa table nya.

" Sabi mo gagawin mo ang lahat diba? "

" Opo. "

" A couple of days ago, na diagnosed ako ng prostate cancer. "

Nagulat ako sa narinig mula kay Daddy. Prostate cancer? " Dad? Sabihin nyong nagbibiro lang kayo. "

" Sana nga, Dei. Pero hindi. "

" Dad... "

" Ang dami ko pang mga bagay na gustong gawin pero alam kong imposible na dahil nararamdaman ko na ang unti-unting paghina ng katawan ko, Dei. "

" Dad, magpagamot ka po. Sasamahan po kita. "

" No, Dei. Gusto mo akong i please diba? "

" Yes, Dad. "

Hindi sya kumibo sa halip ay binuksan nya ang drawer ng table nya. Inilapag nya sa table ang kinuha nyang envelope. " Here. "

" Ano po yan, Dad? " naguguluhang tumingin ako sa kanya.

" Buksan mo, Dei. "

Kinuha ko ang envelope at tinignan ang laman. Mga dokumento at mga pictures ang nasa loob. Binasa ko ang nakasulat sa dokumento. " Alden Faulkerson? Sino sya, Dad? "

" Bibigyan kita ng pera at tauhan para hanapin ang taong yan. Magsasanay ka rin para handa ka sa misyon mo sa kanya. May mga nakuha na akong ibang impormasyon tungkol sa kanya. Ang kailangan mo na lang ay mahanap sya. "

" Misyon, Dad? "

" Yes. "

" Ano pong gagawin ko sa kanya kapag nakita ko na sya? "

" Kailangang maging heroine ang tingin nya sayo para mapapasunod mo sya sa anumang ipapagawa mo sa kanya dahil may utang na loob sya sayo. Kailangan ding mahulog sayo ang loob ng lalaking yan. "

" Pero bakit, Dad? "

" Para madali kang makapasok sa buhay nilang mag-ama. "

" Ano pong gagawin ko pag nakapasok na ako sa buhay nila, Dad? "

" Destroy them. Both. "

" D-dad?? "

" Yes, Dei. Narinig mo nang tama ang sinabi ko. "

" But how? "

" By all means, Dei. Sa kahit anong paraan na posible. Kaya kailangan mong magsanay para maisakatuparan ang misyon mo. Tinatanggap mo ba? "

" Dad, hindi ko pa po alam. Baka pwede pong pag-isipan ko po muna? "

" I want an answer , Dei. Kasi kung hindi, hahanap ako ng ibang tao na pwedeng gumawa ng misyon na iyan, bago man lang ako mamatay. "

Sa narinig, mabilis akong nakapag desisyon. " Dad, tinatanggap ko na po. Para po i please kayo, gagawin ko po ang misyon na yan. "

" Good, Dei. Ako ang pinakamaligayang tao sa ngayon dahil sa sinabi mo. "

" Pero Dad, pwede po bang malaman kung bakit galit po kayo sa kanila? "

" They owe me bigtime, Dei. "

Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang makitang papalapit si Alden sa akin. Kakatapos lang ng training nya. Pilit ko mang ideny, hindi pa rin maitago ang napakalakas na sexual tension na namamagitan sa aming dalawa. Dama ko ang napakalakas na attraction sa akin ni Alden. At pilit ko mang sabihin sa sarili na para lamang sa misyon ang lahat, may maliit na boses sa utak ko na nagsasabing kabaligtaran nun ang nararamdaman ko. Ito ang sinasabi ko kanina na posibleng mabaligtad ang laban. Matatalo ng prey ang predator. Dahil mukhang ang nararamdaman kong atraksyon ang makakapagpatalo sa akin.

A/N: ayannnn may back story na si Dei. I hope nabawasan po nang kahit konti ang mga katanungan nyo sa female protagonist natin. Unti-unti nang narereveal ang kanyang pagkatao. Mangyari kaya ang kinatatakutan nya?
Ebengen!! Wala munang hawrot ngayon ha, pagpahingahin natin ang reproductive system ng dalawa😂😂😂😂😂🙊🙊🙊🙊. Maybe sa susunod na chapter, depende kapag pinilit nyo ako😂😂😂😂😂.

- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po sa support!!!!

-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz

-all errors were mine.

Trap. ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon