* Dei's POV
Engaged na kami ni Alden. Hanggang ngayon parang nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam ko. Although napag uusapan na namin ang kasal, pero iba pa rin talaga ang pakiramdam na nag proposed na sayo ang lalaking pinakamamahal mo. Surreal. Lahat ng ito ay surreal pa rin sa akin.
Sa dami ng tumatakbo sa isip ko, hindi tuloy ako makatulog ngayon. Nilingon ko si Alden na noon ay nasa tabi ko at nakayakap sa bewang ko. Ang himbing ng tulog nya.
Muli ay tinitigan ko ang mukha nya habang natutulog. Ewan ko, pero gustong gusto kong titigan ang mukha nya. Parang nilulubos lubos ko na ang mga natitirang araw sa pagitan namin ni Alden. Dahil sa ayaw ko man o sa gusto, mangyayari na ang lahat ng nakaplano.
Lumamlam ang mga mata kong nakatitig kay Alden nang maalala ko ang misyon ko. " Lalo mo lang pinahirap ang lahat Alden. Lalo mo lang ako pinahirapan sa ginawa mo. Oo masaya ako na engaged na tayo. Masayang-masaya. God knows kung gaano ko kadalas ma imagine na ikaw ang kasama ko sa mga bukas na dadating. Ikaw at ang mga anak natin. God knows kung gaano kadami na ang mga ginawa kong plano para sa buhay mag-asawa natin. Kung saan tayo titira, kung ilan ang magiging anak natin, kung saan sila mag-aaral. Ang dami dami na Alden. Hindi ko lang alam kung magagawa pa natin ang lahat ng iyon nang magkasama. Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo ganito. Hindi ko alam kung gaano kaiksi na lang ang natitirang oras sa pagitan natin. Pero nararamdaman ko na ang mabilis na pag galaw ng mga kamay ng orasan. Paiksi ng paiksi. Pakonti ng pakonti ang mga maiiwan mong alaala. Pero tulad ng sinabi ko sayo kanina, anuman ang mangyari sa atin sa kinabukasan, tandaan mo na mahal na mahal kita. Palagi mong tatandaan yan, Alden. Please. "
kinintalan ko sya ng mabining halik sa labi bago ko marahang inalis ang braso nya sa bewang ko. Baba muna ako para magpahangin. Baka sakali antukin ako.Pagbaba, imbes na tumuloy ako sa garden para magsigarilyo katulad nang nakagawian ko dati, ay dumiretso ako sa kitchen para magtimpla ng gatas. Nang makapag timpla,naupo muna ako sa isa sa mga upuan. Habang umiinom ng gatas, hinihimas ko ang sentido ko. Sumasakit talaga ang ulo ko sa dami ng iniisip ko. Habang nakayuko, may narinig akong mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Pag angat ko ng mukha, si Tito Ricky ang nabungaran ko.
" O Dei, anak bakit gising ka pa? "
" Hi po Tito, hindi po kasi ako makatulog. Kayo po, bakit gising pa po kayo? "
" Alam mo naman nak, kapag nagkaka edad nagbabago na ang routine ng pagtulog. Magtitimpla rin sana ako ng gatas kaya ako bumaba dito. "
" Ayy ako na po Tito... " sabi ko bago akmang tatayo.
" Wag na anak, kaya ko naman." pigil nya sa akin. " Maupo ka na lang dyan. Nakita kong nakahawak ka sa sentido mo kanina, masakit ba ang ulo mo? "
" Medyo po Tito. "
" Uminom ka na ba ng gamot? "
" Hindi na po siguro, baka mamaya po mawala na rin. "
" Sige, nak. Gusto mo pa bang makipag kwentuhan? "
Napangiti ako bago sumagot. " Opo, Tito. "
" Doon tayo sa living room para mas komportable ang upo natin, nak. "
" Sige po. "
Nang makarating kami sa living room, naupo kami sa magkaharap na upuan. Nang makaupo, agad na nagsalita si Tito Ricky. " Dei, congrats pala sa engagement nyo ng anak ko. "
" Salamat po, Tito. "
" Pasensya ka na at wala ako sa event na yun, nak. Hindi naman din nagsabi si Alden. Buti na lang at may naupahan syang videographer kanina kaya na ivideo ang mga pangyayari knina. Kaya ko napanood nak. "
" Ang dami po kasing pasurprise ni Alden, Tito. " natatawa kong sagot kay Tito Rick.
" Oo nga nak eh. Alam mo Dei kahit maiksing panahon pa lang ang pagkikita naming muli ni Alden, alam kong sobrang saya nya dahil dumating ka sa buhay nya. Kitang kita kasi sa mga mata nyo na mahal na mahal nyo ng isa't-isa. Hangad ko ang kasiyahan nyo Dei sa mga dadating na panahon. "
" Salamat po, "
" Alam mo Dei, nakikita ko talaga sayo ang anak kong babae. "
" May anak po kayong babae? "
" Oo Dei. Sya yung nasa picture. " sabi ni Tito bago kunin ang picture frame na nasa nakasabit sa wall. Iniabot nya sa akin ang larawan ng batang babae. " Yan sya, Dei. "
" Pero wala pong naikwento si Alden. Ang naikwento nya lang po yung matagal nang patay ang Nanay nya dahil sa aksidente."
" Dahil hindi ko pa rin nasasabi sa kanya. Masyado kasing naging abala noong mga nakaraang buwan. "
" Nasaan na po sya? "
" Matagal na syang wala. "
" Wala? Ibig pong sabihin patay na po sya? "
" Hindi ko alam Dei. Nawala sya noong dalawang taon pa lamang sya. Tinanggay sya ng taong pinagkakatiwalaan ko para alagaan sya. Hanggang ngayon hindi ko alam kung buhay pa sya o patay na. Pinahanap ko sya, katulad ng ginawa ko kay Alden. Pero puro kabiguan din ang resulta ng paghahanap ko. Mas mabuti pa nga na malaman kong patay na sya, para matahimik na rin ako. Kesa ganito na iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung nasaan sya. "
" Imposible naman po na mawala na lang po sya ng ganyan? "
" Kaya nga Dei. Kaya ngayon palihim pa rin akong umaasa na buhay sya. Na tulad ni Alden, muli pa rin kaming magkikita."
Hindi ako nakakibo. Sa mga pangyayari ngayon, palihim akong nainggit sa anak na babae ni Tito Rick. Ang swerte kasi ng anak na yun ni Tito Ricky kasi kahit wala na sya mahal pa rin sya ng Tatay nya. How I wished na sana ganyan din si Daddy sa akin. Kaso hindi eh. How I wished na si Tito Ricky na lang ang Daddy ko. Kaso imposible. Alam kong imposible.
" Ikaw ba nak, kailan ba namin makikilala ang Daddy mo? "
Muli akong natigilan sa tanong ni Tito. Paano ko sasabihin na hindi sila maaring magkita dahil tiyak na makikilala ni Tito si Daddy? Paano ko sasabihin na maaring maudlot ang misyon ko kapag ipinakilala ko si Daddy sa kanila?
" M-may sakit po kasi si Daddy, Tito. Saka hindi rin po kami o-okay noong mga nakaraang buwan. " sabi ko bago nag iwas ng mata.
" Maari ko bang malaman nak kung bakit? Kung okay lang sayo?"
" Sorry po, Tito. Baka sa susunod na lang po na kwentuhan natin. Baka maalimpungatan po si Alden at hanapin ako. Goodnight po Tito. " sabi ko bago nagmano sa kanya at nagmamadali na akong bumalik sa kwarto namin ni Alden.
A/N: Filler chapter lang muna guys. Then medyo heavy na ulit next chapter, kaya pa ba? Pasensya na at nilagang ampaw ang ud ko ngayon ha, pagod kasi 😫😫😫😫😫.
- sobrang thank you pala sa support nyo sa Trap ha. #254 na po sya sa fanfic ranking!!!!!!😭😭😭😭😭. Hindi ko alam kung deserved ng Trap yung ganyan pero sobra akong nagpapasalamat!!! 😭😭😭😭
- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po!!!!
-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz
-all errors were mine.
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...