* Alden' s POVNagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Nilinga ko ang paligid para lamang magsisi dahil sumigid ang kirot sa sikmura ko dahil sa biglaang pag galaw. Habang namimilipit ako sa sakit, unti-unti kong naalala ang mga pangyayari bago ako nawalan ng malay. Naalala kong binugbog ako ng mga pulis. Tumakbo ako pero timaan ako ng bala sa tyan. Naalala ko ang babaeng huli kong nakita bago ako mawalan ng malay. Sya kaya ang tumulong sa akin?
Pero nasaan nga pala ako? Sino ang nagdala sa akin dito? Tinignan ko ang damit ko, iba na sa suot ko kagabi. Malinis at maayos na, walang bakas ng dugo. Tinignan ko rin ang braso ko may pasa at sugat pero halatang bagong linis. Dahil sa muling paggalaw ko, sumakit ulit ang sikmura ko.
"Arrrrgggghhhh! " muli akong namilipit habang sumisigaw.
Saka naman bumukas ang pinto ng kwartong kinaroonan ko. Namimilipit man sa sakit, tinignan ko pa rin kung sino amg pumasok. Para lamang muling masorpresa sa nakita. Yung babaeng nakita ko bago ako nawalan ng malay! May dala syang pagkain na nasa tray. Mabilis syang lumapit sa akin nang makita na namimilipit ako sa sakit.
" Anong nangyari sayo? " tanong nya bago inilapag sa side table ang tray. Lumapit sya sa kama ko at pinadiretso ako ng higa. " Wag ka munang gumalaw ng biglaan. Sabi ni Doc wala namang natamaan sa mga internal organs mo. Wag ka lang galaw ng galaw para hindi gaanong sumakit. At para madaling maghilom agad. "
" Sino ka? " tanong ko nang pahigain nya ako. " At nasaan ako? "
" Dei Mendoza. At nandito tayo sa Baguio. "
" Bakit mo ako niligtas? Anong kailangan mo sa akin? "
" Malalaman mo rin ang mga sagot sa mga tanong mo sa takdang oras. For now, kailangan mo munang kumain Alden para gumaling ka kaagad. "
Gulat akong napatingin sa kanya. Kilala nya ako?!
" Paano mo nalaman ang pangalan ko? "
" Simple lang, hindi kita patutuluyin sa bahay ko kung hindi kita kilala. Now, eat. " sabi nya bago nya inilapit sa bibig ko ang kutsarang may kanin. Nag aalangan man, kinain ko na rin ang pagkaing isinubo nya. Sunod ay sinubuan nya ako ng ulam. Habang kumakain, panaka nakang tinitignan ko ang babaeng nagpakilalang Dei. Mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na maganda talaga sya, dahil nakikita ko sya ng malapitan at maliwanag. Ang mga mata nya na parang libo-libong ekspresyon ang makikita. Ang ilong nya na bagamat may kaliitan parang ang sarap namang paglandasin ng mga daliri ko. Ang mga pilik mata nya na natural na mahahaba. Ang pisngi nya na sobrang kinis. At ang labi nya na sa tingin pa lang alam kong malambot na. Dumako ang mga mata ko nunal nya sa itaas na bahagi ng braso nya. Ano kayang pakiramdam kapag pinagladas ko ang labi ko sa nunal nya?
Napailing ako sa naiisip. " Hindi mo nga alam kung ano ang pakay ng Dei na yan sayo, kung ano-ano pang iniisip mo. " sabi ko sa sarili.
" Ayaw mo nang kumain? " pukaw ni Dei. Ang sarap pakinggan ng boses nya.
" Ha? Hindi may naalala lang ako kaya umiling ako. "
Muli ay sinubuan nya ako at tahimik na akong kumain. Nang matapos kumain, tinignan ako ni Dei.
" Bukod sa sugat mo sa tyan, may masakit pa ba sayo? "
" Wala naman. Yung tyan ko lang talaga ang masakit. "
" Here, take this medicines. " sabi nya bago nya inilahad ang palad nya na may dalawang tabletas.
" Para saan ang mga ito? " tanong ko habang kinukuha ko ang mga gamot.
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...