Christmas eve...* Dei's POV
Buo na ng loob ko ngayon. Kung noong mga nakaraang araw ay naguguluhan ako sa gagawin ko, ngayon ay desidido na ako. Desidido na akong sundin si Daddy. Desidido na akong gawin ang misyon ko. At gagawin ko ang lahat para lang makapaghiganti si Daddy sa mga Faulkerson, kahit pa itaya ko ang sarili ko. Gagawin ko ang lahat ng pagkukunyari para lang lalong mabitag si Alden sa patibong ko. Hanggang sa hindi nya na ako maalis sa sistema nya. Hanggang sa ang pagbanggit ng pangalan ko ay maging kasing dalas ng paghinga nya. Hanggang sa ako na lang ang dumadaloy sa mga ugat nya...
" Dei.... " sabi nya habang nakaupo ako sa gitna ng mga hita nya at nakasandal ako sa dibdib nya. Nandito kami sa harap ng fireplace, umiinom ng wine. Kakatapos lang kasi namin mag celebrate ng Christmas eve kanina.
" Yes? " sabi ko habang nakatingala sa kanya.
" I love you. " sabi nya bago nya ako hapitin sa bewang.
" Bakit mo ako minahal, Alden? "
" Bakit hindi? Basta mahal kita. Wala nang paliwanag dun. "
Tinignan ko sya sa mata. Dama ko na totoo ang sinasabi nya.
I run my fingers on his cheeks. " I love you too, Alden. " muntik kong palakpakan ang sarili ko sa sinabi ko. Nasabi ko ang salitang iyon sa paraang natural na natural. Sa paraang parang totoong-totoo. Sa paraang akala mo ay galing sa puso. Nasabi ko ang mga salitang iyon habang nakatitig sa mga mata nya
" Ngayon lang ako naging ganito kasaya, Dei. Akala ko dati, habang-buhay na ako sa ganoong buhay. Hanggang sa dumating ka at iniligtas ako sa magulong mundong iyon. Akala ko dati, kaya ako nakakaramdam ng atraksyon sayo dahil iniligtas mo ako. Pero sa pagdaan ng mga araw, lalong lumalim ang nararamdaman ko sayo. Dahil nakita ko na sa kabila ng misteryoso mong pagkatao, alam kong mabuti kang tao. Alam ko masyado pang maaga para sabihin ko sayo ito pero hindi ko na maiisip ang buhay ko kung wala ka Dei. "
" Ganun din ako, Alden. Alam ko na hindi pa natin lubusang kilala ang isa't-isa pero alam ko sa puso ko na matagal na kitang kilala. Kilala ka ng puso ko. Saka may habang-buhay pa tayo para kilalanin ang isa't-isa."
Mas niyakap pa ako ni Alden habang ang mukha nya ay nakabaon sa pagitan ng leeg ko at ng balikat ko. Habang ako naman ay mas lalo kong isiniksik ang katawan ko sa mainit nyang katawan. Parang sadyang ginawa ang katawan nya para sa katawan ko.
Perfect. Perpekto na sana ang lahat kung pareho kami ng nararamdaman. Kung walang paghihiganti na nakapagitan sa amin. Kung hindi dahil sa misyon ko. Kung hindi dahil kay Daddy. Mas masarap siguro ang makulong sa mga braso nya kung wala ang misyon kong ito. Mas matamis siguro ang labi nya kung walang pagkukunyari. Ang daming 'sana' , pero alam kong mananatili na lang na 'sana' ang lahat. Dahil naka tadhana na sa akin misyong ito. There's no way out.
" Dei... " nag angat ng ulo si Alden mula sa leeg ko.
" Hmmm? " sabi ko bago ko syang muling tignan.
" Kailan ko makikilala ang Tatay ko? "
" Malapit ng matapos ang training mo, Alden. Saka sa tingin ko handa ka na rin. Bakit gusto mo na bang umalis dito? "
" No, alam mong hindi ganun yun. Gusto ko lang syang makilala. Kahit naman makilala ko sya, ganito pa rin tayo diba? "
" Oo naman. "
" Dei... Pwede bang samahan mo ako kapag magkikita na kami ng tatay ko? "
" Bakit? "
" Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag hindi kita kasama, Dei. "
" Sasamahan kita, Alden. Pero paano kung doon ka nya na patitirahin sa bahay nya? Paano tayo? "
" Isasama kita. Gusto mo ba, Dei? "
" Gusto, Alden. Gustong-gusto. "
" Dahil iyon ang nasa plano, Alden. " sabi ko sa sarili ko.
" Iyon naman pala, Dei. Wala naman palang problema. "
" Next week, Alden matatapos na ang training mo. After that, pupunta na tayo sa Cebu para magkakilala na kayo ng Daddy mo. Sasamahan kita. Magkasama tayong pupunta sa kanya. "
" Matatanggap nya ba ako, Dei? "
" Bakit hindi? Matagal ka na nyang gustong makasama, Alden. "
" Baka kasi hindi nya ako matanggap dahil sa buhay ko dati. "
" Then, wag mong sabihin. "
" Ha? "
Muli ko syang tinitigan sa mata bago muling nagsalita. " Hindi mo sasabihin na lumaki ka sa kalye, Alden. Hindi mo sasabihing dati kang magnanakaw. Hindi mo sasabihin na ako ang tumulong sa iyo. Ang tanging sasabihin mo ay may mag-asawang mayaman na umaampon sa iyo. At namatay sila sa aksidente kaya nag decide kang hanapin sya. Ganun kasimple, Alden. "
At tulad ng maamong tupa, marahang tumango si Alden.
" Yung isa ko pang kahilingan, sana tuparin mo din Alden. "
" Yung tungkol sa tunay mong pagkatao, Dei? "
" Oo. Ako si Dei Capili sa harap ng Daddy mo, Alden. "
" Oo, Dei. Tutuparin ko. "
" I love you. "
" I love you, too. " at yumuko sya para paliitin ang distansya ng mga labi namin.
Tama si Daddy. Magagamit ko ang pagmamahal at utang na loob sa akin ni Alden para mapasunod ko sya sa mga gusto ko. Para masunod ang lahat ng mga nasa plano. Dahil sa pagmamahal nya sa akin, walang pag-aatubili ko syang napapasunod nang wala anumang tanong. Hulog na hulog na talaga sya. Damang dama ko na palubog na sya nang palubog. At wala nang nakasagip sa paglubog nya. Wala na.
Sa ngayon, lulubusin ko muna ang pagkakataong ito. Lulubusin ko muna ang presensya nya sa buhay ko. Dahil pag nagtagumpay ako sa misyon kong ito, wala na akong babalikan kundi tanging mga alaala na lamang na magkasama kami ni Alden.
Iniba ko ang posisyon ko habang magkalapat pa rin ang mga labi namin. Umupo ako paharap sa kanya at muli naming pinagsaluhan ang tamis at init ng labi ng isa't-isa.
A/N : Teka wala akong masabi😅😅😅. Belated Merry Christmas na lang mga ka T!!! Sorry sa regalo kong u. d. 😅😅😅
- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po sa support!!!!
-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz
-all errors were mine.
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...