*Alden's POV
Kinabukasan magkasabay na kaming bumaba ni Dei papunta sa dining area para mag breakfast. Pagdating sa dining area, naabutan na naming nakaupo na si Daddy. Agad kaming lumapit ni Dei sa kanya para magmano.
" Good morning, Dad. "
" Good morning po, Tito. "
" Good morning mga anak. Umupo na kayo para makakain na tayo. "
Ipinaghila ko muna si Dei ng upuan bago ako umupo sa tabi nya. At magana na kaming kumain kasabay si Daddy. Nang matapos nag aya si Daddy na mag kwentuhan muna kami sa garden. Agad naman kaming sumunod sa kanya palabas ng bahay.
" Dei, Alden gusto ko sana kayong makausap. "
" Tungkol po saan, Dad? "
" Tungkol sa business ko, Alden. Gusto ko sanang sanayin ka na. Matanda na rin kasi ako at gusto ko rin sanang magretiro. Sayo naman din mapupunta ang lahat ng ito anak. "
" Sigurado po ba kayo, Dad? Baka po masyadong mabilis ang desisyon nyo? Ayaw ko pong masabihan na oportunista. "
" Ano bang oportunista, Alden? Anak kita, sigurado ako dun. Kaya hindi ako magdadalawang isip na ipamana sayo ang mga negosyo ko."
" Pero Dad , baka hindi ko po kayanin. "
" Kaya mo anak, with proper training. Kaya bago ko ipapasa sayo, dadanan ka na muna sa training. Pero don't worry anak, andito pa rin naman ako para gabayan ka eh. "
"Sigurado po kayo? "
" Yes, son. "
Tumingin muna ako kay Dei, nang makita kong marahan syang tumango muli kong hinarap si Daddy. " Sige po Dad. Tatangapin ko po. "
" Good, son. Bukas na bukas din, sisimulan na natin ang training mo. "
" Sige po, Dad. "
" So maiba tayo. Gaano na kayo katagal ng anak ko Dei? "
" Mahigit isang buwan na po, Tito." sabi ni Dei bago nakangiting tumingin sa akin. Marahan ko namang pinisil ang kamay nya na hawak ko.
" Ang sarap ninyong tignan. Mukha kasi kayong in love na in love sa isa't isa. So napag-uusapan nyo na ba ang kasal, anak? "
" Yes, Dad. Sabi ko po kay Dei pag naayos na po ang lahat ng ito, magpapakasal po kami. Alam kong bago lang kami Dad, pero nararamdaman kong si Dei na po ang naka para sa akin. " muli akong tumingin kay Dei bago ko halikan ang likod ng palad nya.
" Sana sa lalong madaling panahon na yan,anak. Hindi na ako makapaghintay na mapuno ang bahay na ito ng mga halakhak ng mga apo ko. "
" Kami rin po Dad. "
" Kung hindi mo mamasamain hija, taga saan ang mga parents mo? "
" Taga Maynila po sila, Tito. Actually po si Daddy na lang po, si Mommy po kasi namatay na po noong baby pa lang ako. "
" Sorry to hear that, hija. Anyway, maari ko bang malaman ang pangalan ng Daddy mo Dei? "
" Yes po Tito. Ronaldo Capili po. "
" Sana makilala ko rin sya sa mga dadating na araw. "
" Yes po. Sasabihin ko po sa kanya Tito. "
" O sya, mauuna na muna ako. May meeting pa kasi ako sa opisina. Feel at home lang kayo dito sa bahay. Or kung gusto ninyong maglibot-libot sa city, gamitin nyo yung isang kotse. Kunin nyo na lang kay Manang yung susi. "
" Sige, Dad. No problem po. "
" Ingat po kayo, Tito. "
" Salamat mga anak. Mag- iingat din kayo kapag umalis kayo mamaya. "
" Yes po. "
Nang makaalis si Daddy, nag stay na muna kami ni Dei sa garden para mag kwentuhan.
" Dei? "
" Yes? "
" Bakit ganun, Dei. Kahapon noong unang nagkita kami ni Daddy, bakit hindi ko naramdaman yung lukso ng dugo? Diba dapat mararamdaman ko yun? "
" Ha? Imposible naman ata yun, Alden. Sigurado akong sya ang Daddy mo. Saka nakita mo naman yung mga pictures mo noong bata ka pa diba? "
" Oo nga, Dei. Don't get me wrong ha. Masaya ako na nakilala ko na si Dad, pero parang may strange feeling eh. Ewan ko hindi ko rin maintindihan. "
" Maybe naninibago ka pa sa mga pangyayari, Alden. Naninibago ka pa siguro na may magulang ka pa pala. Pero masasanay ka rin. "
" Siguro nga, so pasok na tayo? "
Tumango si Dei. Habang naglalakad kami pabalik sa loob ng bahay biglang tumunog ang cellphone ni Dei.
" Ahh Alden, mauna ka na muna sa loob. Si D-daddy tumatawag, kakausapin ko lang. "
" Sige Dei, sunod ka na lang ha. "
Nang tumango si Dei nauna na akong pumasok sa loob ng bahay.
* Dei's POV
" H-hello, Dad. " sabi ko nang masiguro kong nasa loob na si Alden.
" Kamusta, Dei? "
" N-nandito na po kami sa Cebu, Dad. "
" Good, so nagkakakilala na sila? "
" Yes po."
" Ano pang ibang balita sa mag-ama, Dei? "
" K-kinausap po ni Tito si Alden kanina. Si Alden na po ang mamahala ng negosyo nya, pag natapos na ang training ni Alden. "
" Good, lahat ng nakaplano ay unti-unti nang nangyayari. At ano ang tawag mo kay Ricky, Dei? Tito? Great, mukhang nagkakasundo na kayo. Unti unti ka nang nakakapasok sa sistema ng mag-ama Dei. Good job. "
Imbes na matuwa ako dahil for the first time ay pinuri ako ni Daddy, bakit mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya?
" Dad, baka pwede pong ihinto na lang natin ang lahat ng ito? Kung may kasalanan po si Tito Ricky sa inyo, baka pwede pong kausapin ko sya para mag-kaayos kayo? H-hindi ko na po kaya, Dad. "
" No Dei! Nasa kalagitnaan na tayo, ngayon ka pa aatras? Bakit? Dahil ba mahal mo na ang lalaking yan? "
" Y-yes Dad. Mahal ko po si Alden. Nagpaplano na po kaming magpakasal. "
" Mas lalong magiging madali para sayo na tapusin ang misyon na ito, Dei. At wala kang choice kundi sundin ako. Wala, Dei. "
" P-pero Dad, hindi ko kayang patayin ang lalaking mahal ko. Please, ayoko na po. "
" Nangako ka sa akin, Dei! Tandaan mong ito lang ang tangi kong kahilingan bago man lang ako mamatay! "
" Dad--" pero wala na sya sa kabilang linya. Naiiwan akong gulong-gulo ang pag-iisip. Hindi ko na namalayan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.
Bakit kailangang maging ganito kahirap ang mga pangyayari sa buhay ko? Ganito ba kahirap maging masaya?
A/N: a short update muna tayo ha then tatalon tayo ng ilang kembot sa next u.d ha. Salamat po sa continuous support !! Mahal ko kayo😘😘😘😘
- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po!!!!
-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz
-all errors were mine.
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...