*Dei's POV
Nagising akong nakapulupot sa bewang ko ang mga braso ni Alden. Kapwa kami hubad sa ilalim ng manipis na kumot. Tanging ang liwanag lang ng buwan na tumatagos sa bintana ang nagbibigay ilaw sa kwarto ko.
Marahan akong gumalaw para humarap kay Alden na tulog na tulog pa rin. Nang makaharap sa kanya, pinaglandas ko ang mga mata ko sa mukha nya. Parang gustong mamula ng mga pisngi ko nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Alden kanina. Kung paano nya ako ingatan na parang babasaging kristal sa bawat paggalaw nya. Kung paano nyang pinag apoy ang katawan ko sa bawat halik nya. Kung paano nya ako ilang beses na dalhin sa rurok ng langit. At kung paano nya ako titigan na wari ba ay ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Oo may nangyari na sa amin ni Alden. Buong puso kong ibinigay ang sarili ko sa kanya nang walang pag aalinlangan. Bakit? Dahil mahal ko sya. Mahal na mahal. Napagtanto ko na walang halong pagkukunyari ang pagmamahal ko sa kanya. Na ang nararamdaman ko sa kanya ay totoo. Na ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya noon ay hindi lang dahil para mahulog sya sa patibong ko kundi dahil gusto ko. Pero sa tuwing nagiging sigurado ako sa nararamdaman ko sa kanya, saka naman sumisingit sa utak ko ang misyon ko. Bakit ganito, kailangan bang maging ganito kahirap pagsabayin ang pagmamahal sa magulang at ang pagmamahal sa lalaking unang nagpadama kung gaano ako kaimportante? Kailangan bang pumili ako sa kanila? Hindi ba pwedeng sabay kong mahalin si Daddy at si Alden? Hindi pa pwedeng kalimutan ko na lang ang misyon ko? Hindi ba pwedeng isipin ko muna kung saan ako magiging masaya?
Kailangan ba talagang ganito kahirap ang lahat?Pinaglandas ko sa mukha ni Alden ang mga daliri ko. Kinakabisado ko ang bawat linya ng maamo nyang mukha. Baka kasi mabigo ako sa misyon ko at malaman ni Alden ang totoong pakay ko sa kanya at hindi ko na ulit makita ang ganitong mukha nya. Baka puro galit na ang makikita ko sa mga mata nya kapag dumating ang oras na iyon. Kaya ngayon pa lang itinatanim ko na sa isipan ko ang bawat detalye ng mukha nya. Habang may oras pa. Habang may pagkakataon pa ako.
Bukas na ang alis namin papuntang Cebu para makilala nya na ang ama nya. Kapag nagkakilala na sila, alam ko papalapit na ako sa dulo ng misyon ko. Paiksi na rin ng paiksi ang oras na makakasama ko si Alden. Iniisip ko pa lang para na akong mamatay sa lungkot.
Muli kong pinaglandas ang mga daliri ko sa mukha nya bago ko sya dampian ng mabining halik sa noo at sa labi. Marahan kong inalis ang kamay nya sa bewang ko bago ako dahan-dahang tumayo. Hinanap ko ang roba ko para ipantakip sa hubad kong katawan bago ako lumapit sa bedside table ko para kumuha ng sigarilyo. Saka ako nagtungo sa bintana at hinayaang pumalo sa katawan ko ang malamig na simoy ng hangin.
* Alden's POV
Naalimpungatan ako dahil parang bigla akong nakaramdam ng lamig. Agad kong kinapa si Dei para sana yakapin pero wala na sya sa tabi ko. Marahan kong idinilat ang mata ko para hanapin si Dei. Nandoon lang pala sya sa bintana. Tumayo ako at hinila ko ang kumot para ipantakip sa hubad kong katawan bago ko sya lapitan. Napansin ko ang stick ng sigarilyo sa bibig nya. Ngayon ko lang nalaman na nagsisigarilyo si Dei. Pero wala akong pakialam, kayang kong mahalin ang lahat ng bagay sa pagkatao nya. Kapintasan man ito o hindi. Ganun naman talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao diba?
Nang makalapit ako kay Dei, agad kong ipinalibot sa bewang nya ang mga braso ko bago ko sya kintalan ng halik sa leeg. " Bakit ka nagising, Dei? "
Bahagya nya akong nilingon bago nakangiting sumagot. " Naalimpungatan lang, ikaw bakit ka nagising? " tinapon nya ang sigarilyo bago nya hawakan ang gilid ng pisngi ko.
" Hinanap kita eh. Nilamig ako kaya kinapa kita sa tabi ko kaso wala ka na pala. Nagsisigarilyo ka pala, Dei? "
" Minsan lang, kapag may iniisip lang ako."
" Iniisip? May problema ka ba? " mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Sa ganoong paraan man lang maprotektahan ko sya sa mga gumugulo sa isipan nya.
" Wala yun, ang mahalaga kasama kita, Alden. " humarap sya sa akin bago nya ipinatong sa batok ko ang mga braso nya. Tinitigan ko ang mga mata nya. Alam kong totoo ang sinasabi nya, nararamdaman ko. Pero may nakikita akong kakaiba sa mga mata nya. Sa tagal kong namuhay sa kalye, natuto na akong mag obserba ng kilos ng mga tao. At base sa nakikita ko, may lungkot sa mga mata nya. Parang langit na nababalutan ng ulap na may dalang bagyo. Magulo, madilim, nakakatakot.
" Mahal kita, Alden. " sabi nya na pumutol sa pag iisip ko. Naramdaman ko ang mga daliri nya na naglandas sa paligid ng mukha ko. Tumingkayad sya para kintalan ako ng halik sa noo, pababa sa ilong ko pati na sa magkabila kong pisngi hanggang bumaba sa labi ko. " Mahal na mahal kita. " bahagyang pumiyok si Dei sa sinabi.
" Mahal na mahal din kita, Dei. " pinaglandas ko ang mga daliri ko sa pisngi nya. " Pangako, kapag naayos na ang lahat sa pagitan namin ni Daddy, papakasalan kita. "
Hindi kumibo si Dei sa halip ay muli nyang pinaglapat ang mga labi namin. At muli ay nalasing kami sa sensasyon at init ng mga labi ng isa't-isa." Take me again, Alden. " sabi nya sa pagitan ng halik namin. Tumango ako, bago ko sya marahang pinangko. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin hanggang sa makarating kami sa kama.
At nakarating kami sa mundong kami lang ang nakakalam. Sa mundo kung saan walang problema. Sa mundo kung saan hindi kami masasaktan. Sa mundong kaming dalawa lang ang mahalaga at wala nang iba pa... Si Dei at ako lang.
A/N: yown nga.. Originally ang balak ko sa chapter na ito ay ikukwento ko sana ang namagitan sa kanila word by word kso kasi maraming mga bata dito😂😂😂😂 kaya imagine pa more kayo😂😂😂...
- Thank you again my meshie xtinkyxbellax16 for the pic used in this chapter. Salamat sa paghahanap. 😘😘😘😘 Check out her fic too entitled Safe Haven.
- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po sa support!!!!
-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz
-all errors were mine.
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...