* Dei's POV" Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente, Ma'am? "
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo dito sa waiting area nang lapitan kami ng doktor. Katabi ko si Alden na hindi ako iniwan simula pa lang ng pag-alis namin sa Baguio hanggang sa makarating kami dito sa St. Lukes.
" Yes po, Doc. A-anak nya po ako. Kamusta na po si Daddy? "
" Tatapatin ko na po kayo Ma'am, hindi po ganun kaganda ang lagay ng Daddy nyo. Nabugbog po kasi ang ulo nya. "
Tumingin ako kay Alden dahil naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko. Pinilit kong hindi tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig pero muli ay nabigo ako." Doc, p-pwede po ba namin syang makita? "
" Pwede po Ma'am, pasok na lang po kayo. "
" Salamat po. "
Nang iniwan kami ng doktor muli akong tumingin kay Alden. Naramdaman ko ang kamay nya na ginagap ang kamay ko.
" Gusto mo bang samahan kita, Dei? "
" Yes, please. "
Nakaalalay sa akin si Alden hanggang sa makapasok kami s loob ng room ni Daddy.
" D-dad.... " mas lalong dumaloy ang mga luha ko habang papalapit ako sa kama ni Daddy. Puno ng sugat ang buong katawan nya at madaming nakakabit na aparato. Nakapikit sya pero kapansin-pansin ang mabagal nyang paghinga. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nya ng marinig nya ang boses ko.
" D-Dei.... A.... nak. " sabi nya habang hirap na hirap sa pagsasalita dahil sa tubong nakakabit sa bibig nya. Iyon na ata ang pinakamagandang salitang narinig ko sa buong buhay ko. Ang tawagin akong anak ni Daddy, ng kinikilala kong ama.
Agad akong lumapit sa tabi nya nang marinig ko ang boses nya. " D-dad nandito na po ako. Please Dad l-lumaban po kayo. "
" D-Dei, pa..ta..wa..rin mo sa..na a..ko. "
" D-dad please po, wag na kayong magsalita. Wala na po ang lahat ng mga nangyari. Nakaraan na po yun. "
Ginagap nya ang kamay ko bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. " D-Dei p-pinagsisihan k-o na ang la...hat ng na..gawa ko sayo. Si.. guro sa nga..yon al..am mo na ang to.. too mong pag..katao. Gus..to ko sa...nang hu.. mingi ng ta..wad sa..yo, a-nak. "
" Dad tama na po, matagal ko na po kayong pinatawad. Hindi pa po nangyayari ang lahat nang ito pinatawad ko na po kayo, Dad. "
Tumingin si Daddy kay Alden na nasa likod ko.
" A-lden pa.. tawarin mo sa.. na ako sa gi...na.. wa ko sa in..yo ni Ri-cky. Sa..na ba..go ako ma.. matay ma..kausap ko si Ri..cky. "
" Pinapatawad ko na po kayo Sir. Nagpapasalamat pa nga po ako dahil sa inyo, nakilala ko po si Dei. Si Daddy po tinawagan ko na po kanina, anumang oras ngayon Sir, dadating na po sya. Lumaban lang po kayo, nandito po kami ni Dei para sa inyo. "
" Hin...di ko na ka..ya, na..raram..daman ko na mala..pit na... " sabi ni Daddy habang humihigpit ang hawak nya sa kamay ko.
" Daddy!! Please wag po kayong magsalita ng ganyan! Mabubuhay po kayo, makaka survive po kayo. Please Dad... " sabi ko bago ko niyakap ang braso nya na walang naka konektang tubo. Wala pa ring tigil ang mga luha ko sa pagdaloy.
" Ric....ky.. " narinig kong sabi ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya. Sinundan ng mga mata ko ang tinitignan nya. Si Tito Ricky ang nasa bungad ng pinto. Ang totoo kong ama.
" Teddy. "
* Daddy Teddy's POV
Alam kong malapit na. Alam kong hindi na ako magtatagal. Nararamdaman ko na. Pero labis pa rin akong nagpapasalamat na nandito si Dei sa tabi ko. Labis akong nagpapasalamat dahil sa huling pagkakataon ay nakahingi ako ng tawad sa mga taong nagawan ko ng mali. Kay Dei, na hindi ko itinuring na anak at tinulak ko sa gulong ito. Kay Alden na pinagtangkaan kong ipapatay. At higit sa lahat sa dati kong kaibigan na si Ricky. Sobrang dami kong kasalanan sa kanya.
" Teddy.. " narinig kong sabi nya.
" Ri..cky pa.. tawarin mo sa..na ako sa la...hat ng na..ga..wa ko sayo. Hi.. git ka.. nino man, sa..yo ako may pina..kamabigat na kasa..lanan. Sini... ra ko ang pag..kakaibigan na... tin da.. hil sa in.. ggit at se..los. Ki...nuha ko si Rio sa...yo. Ki... nuha ko si Dei sa..yo. Ki...nuha ko ang la..hat. Naiin...ggit ka...si ako sayo, ba..kit may Ri..o at Dei ka ka.. hit na wa..la kang pe..ra. Saman... talang ako, wa..la ka.. hit na mara..mi akong pe..ra. Pata..warin mo a.. ko Ri..cky da..hil na...ma..tay si Rio sa pi...ling ko. Nagpa...kamatay sya da..hil sa depres..yon. At hang...gang sa hu...ling hini..nga nya, ik..aw pa rin ang hina..hanap nya. Ik...aw pa rin ang ma..hal nya. Pa...ta...wa..rin mo sana ako Ri.. cky. Ku...lang ang bu..hay ko pa..ra maba..yaran ang la..hat ng kasa..lanan ko sa..yo." hindi ko na napigilan ang mga luhang umalpas sa mga mata ko. Pero gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil kahit hirap na hirap na akong magsalita ay nasabi ko pa rin ang lahat ng gusto kong sabihin.
" Teddy pinapatawad na kita. Pinapatawad na kita sa lahat ng mga nangyari. Magpakatatag ka, makakayanan mo yan. Magsisimula ulit tayo. Magiging magkaibigan ulit tayo pagkatapos ng pangyayari ito."
Napangiti ako sa narinig. Pinapatawad na ako ni Ricky. Pinapatawad na ako ng kaibigan ko. Pinatawad na ako nina Dei at Alden. Pwede na siguro akong mamahinga.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng paghinga ko. Hanggang sa dahan-dahang lumuwang ang pagkakahawak ko sa kamay ni Dei. Naririnig ko ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid ko pero hindi ko na sila makita. Tanging boses ng mga nagkakagulong tao ang naririnig ko. Hanggang sa narinig ko ang pagpasok ng mga doktor at nirerevieve ako. Pero hanggang dito na lang ata talaga ang buhay ko.
Nakakita na ako ng liwanag. Nakakasilaw na liwanag. Pero kahit nasisilaw ako, ipinagpatuloy ko pa rin ang paglapit. Mamatay akong masaya dahil napatawad na nila ako.
Bago ako makarating sa dulo ng liwanag nilingon ko ang kinatatayuan nina Dei, Alden at Ricky at umusal ng pasasalamat. Matapos nun ay nagtuloy tuloy na akong maglakad papunta sa dulo ng liwanag.
" Time of death, 11:45 pm. " ang huli kong narinig na salita bago ako makarating sa dulo ng liwanag.
A/N: sorry kung medyo natagalan ang u.d ko ha. 😅😅😅 Sorry rin kung nahirapan kayong basahin ang pov ni Daddy Teddy nahirapan din akong isulat kaya it's atay😂😂😂😂. Two to three chapter na lang mga betty at matatapos na ang kwento nina Alden at Dei. Kapit lang ha!!! Salamat ng marami mahal ko kayo! Sagad! 😘😘😘😘
- teka ang full pa ng puso ko dahil sa platinum karaoke event😍😍😍😍. Kung kampante ako dati kampantier ako ngayon 😂😂😂😂😍😍😍
- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po!!!!
-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz
-all errors were mine.
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...