Nine

1.4K 123 21
                                    


Thank you te ayen ixarahlyn. Thank you ng marami te #LamMoNaYun 😘😘

*Dei's POV

Paglabas ko ng c.r nasa sala na si Daddy at prenteng nakaupo.

" Dad... " lumapit ako sa kanya para magmano.

" Kamusta na Dei? " tanong nya. Alam kong hindi ako ang kinakamusta nya kundi ang misyon ko.

" Okay naman po, Dad. Bakit nga po pala kayo napadalaw dito? Baka makasama po sa kalusugan nyo ang malayong byahe. "

" Naiinip na ako Dei. Ni hindi mo ako binabalitaan sa misyon mo. Kapag tumatawag naman ako, hindi mo sinasagot. Masisi mo ba ako kung bakit ako nandito ngayon? "

Luminga ako sa paligid bago nagsalita. " Dad, sa labas na lang po tayo. "

Agad ko syang inalalayan para makatayo. Nang makatayo, inakay ko sya palabas ng bahay. " Bitiwan mo na ako Dei, hindi pa ako lumpo." mahina pero mariin nyang sabi.

Napapahiyang binitawan ko ang mga braso nya sa pagkaka alalay ko. Napabuntong-hininga ako bago sumunod sa kanya sa harap ng bahay.

Paglabas ko, nakaupo na si Daddy sa bench.

" So any development Dei? But please, stop telling me about sa training nya. Alam kong alam mo ang gusto kong malaman. "

" Dad, yun naman po ang sabi nyo diba? Na ihanda ko sya sa pagkikita nila Daddy nya. Para mas tumagal ang pag stay nya dito sa bahay para mahulog sya sa akin. Ano pa po ba ang kailangan kong sabihin sa inyo sa ngayon? "

" Gusto kong malaman kung nabitag mo na sya Dei. "

Natigilan ako sa tinanong ni Daddy. Base sa nararamdaman kong atraksyon sa akin ni Alden, alam kong nahulog na sya sa patibong ko. Sigurado ako sa bagay na yun. Ang hindi ko sigurado ay kung nahulog na rin ako sa patibong na ako rin mismo ang gumawa. Natatakot akong alamin.

" Dei? "

" Yes, Dad? "

" Hindi ka na nagsalita dyan. Gusto kong malaman kung nahulog na sa patibong mo si Alden? "

" Yes, Dad. Nararamdaman ko po ang malakas nyang attraction sa akin. "

" Good. Katulad ng plinano ko. Umaayon ang lahat sa mga plano. Kapag sa tingin mo ay hindi ka na nya maialis sa sistema nya saka mo sya ipakilala sa Tatay nya. "

Hindi ako kumibo at pinabayaan ko na lang na magsalita si Daddy. Kabisado ko na kasi ang mga sasabihin nya.

" From there, madali mo nang magagawa ang lahat Dei . Kapag nakapasok ka na sa buhay nila, saka mo gagawin ang plano. Hihintayin mo munang maging malapit ang loob ng mag-ama sa isa't- isa bago mo patayin si Alden,Dei. Para mas masakit. Sa ganoong paraan, dalawang ibon agad ang magagantihan natin Dei. Una si Alden dahil papatayin mo sya. Pangalawa si Faulkerson, dahil sigurado akong ikababaliw nya ang pagkamatay ng anak nya. Two birds in one stone, Dei. Titirahin natin sya sa paraang mas masasaktan sya."

Tumayo ang balahibo ko sa narinig. Akala ko dati sanay na akong marinig ang ganito mula kay Daddy pero bakit parang kinilabutan ako sa takot ngayon? Napatingin ako sa kanya. At parang ibang tao ang nakikita ko ngayon. Hindi ang taong inidolo ko buong buhay ko. Hindi ang taong minamahal ko bilang Daddy kahit na hindi nya ako itinuring na anak kahit kailan. Ang nakikita ko ngayon ang taong binabalot ng poot at galit Hindi ko na sya makilala ngayon. Mukha na syang demonyo.

" D-dad... Hindi ko po ata kayang p-pumatay. Baka meron naman pong ibang paraan para makapaghiganti kayo. " nanginginig ang boses ko habang nagsasalita.

Matalim ang mga mata nya nang tumingin sa akin. " Bakit, Dei? Dati lang pursigidong pursigido ka sa misyon na ito, ngayon naduduwag ka na. "

" Hindi naman po sa ganun, Dad. Pero may iba naman pong paraan. "

" Wala nang ibang paraan,Dei. " sabi nya bago nya ako hawakan ng mariin sa braso. " Wala na. "

Napangiwi ako sa sakit dahil sa sobrang diin ng pagkakahawak ni Daddy. " D-dad, nasasaktan po ako. "

Marahas akong binitawan ni Daddy. " Ang tagal natin itong pinaghandaan Dei. Matagal mo na ring alam ang plano nating ito. Ngayon bigla kang magdadalawang isip? Tell me, sino sa inyo ang nahulog sa trap? Si Alden ba o ikaw? "

Paano ko sasagutin ang tanong na ako mismo hindi ko alam ang kasagutan? Paano ko ipaliliwanag ang bagay na hindi ko maintindihan?

Nag iwas ako ng tingin bago sumagot. " Si Alden po, Dad. Hindi po ako kahit kailan mahuhulog sa patibong na yan. N-nandito po ako para sa misyon ko at hindi para sa ganyang bagay. "

" Sigurado ka Dei? "

Tumingin ako sa kanya bago sumagot. " Yes, Dad. "

" Good. Alam mong ayaw ko ng disappointments Dei. Alam na alam mo yan. "

" I know, Dad. "

" Kaya magagamit mo na ang lahat ng mga pinagsanayan mo Dei. Ikaw ang bahala kung paano mo sya papatayin."

" Opo, Dad. "

" Siguraduhin mo lang na magagawa mo ang ipinapagawa ko, Dei. The sooner the better. "

" Yes, Dad. Gagawin ko po. "

" Aalis na ako, Dei. Gusto ko ng positive results sa lalong madaling panahon. "

" Yes, Dad. "

Sumakay na sya ng kotse at sinabihan ang driver na mag drive na. Nakatingin lang ako sa sasakyan hanggang sa makalayo sila.

Matagal nang nakaalis si Daddy pero paulit-ulit pa rin ang mga sinabi nya sa isip ko. " Patayin mo si Alden, Dei. The sooner the better. "

Muli akong kinilabutan sa naalala. Hindi ko kayang pumatay ng tao.Mas lalong hindi ko kayang patayin si Alden.

A/N: so ayownnn nga, kaya pala Trap mga ka T. Kasi patibong pala si Dei kay Alden. Kaya pala😅😅😅. Mabibigo ba si Dei sa misyon nya? O magagawa nya ito para sa Daddy nya? Ebengen... Sorry for this sabaw and short update.. Pinilit ko pahabain ayaw talaga eh 😂😂😂🙊🙊🙊

- feel free to drop a 💬 or click the ⭐ below para mag vote ha. Salamat po sa support!!!!

-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow @AlDubBigGirlz

- paki add na rin sa reading list nyo yung Safe Haven by my meshie xtinkyxbellax16 .. Maganda and catchy ang story guys promise!!! Salamat😘😘😘😘

-all errors were mine.

Trap. ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon