For meshie xtinkyxbellax16 and ate Ixarahlyn. Thank you for being an instrument. Kayo ang dahilan kaya mas lumalim ang faith ko sa Kanya.
🙏🙏🙏🙏*Dei's POV
Kinabukasan pag alis ni Alden papuntang opisina, nag ring ang phone ko. Nurse ni Daddy ang tumatawag.
" Hello Bryan? "
" Ma'am Maine good morning po. "
" Good morning. Bakit ka napatawag? "
" Ma'am si Sir Teddy po kasi. "
" A-anong nangyari kay Daddy? "
" Sumusumpong po kasi ang sakit nya Ma'am. Lumalala po ang lagay nya. Ayaw naman po nyang magpadala sa hospital. Inutusan nya lang po ako na tawagan kayo, Ma'am."
" Pero parang okay pa naman sya noong magkausap kami nung nakaraang araw? "
" Pinipilit nya lang pong maging okay Ma'am. Pero sabi ni Doc unti-unti nang rumurupok ang mga buto nya na sign po ng advance stage ng prostate cancer. Wala na rin po syang ganang kumain. Baka kayo po ang makakumbinsi sa kanya na magpadala na po sa hospital."
Marahas na napasuklay ako ng buhok gamit ang mga daliri ko kasabay nang pag uulap ng mga mata ko.
" Luluwas ako dyan sa Manila, Bryan. Pakisabi kay Daddy na aalis agad ako dito sa Cebu. "
" Sige, Ma'am. Makakarating po. "
" Sige Bryan. Bye. "
Pinunasan ko muna ang mga luha na tumulo sa pisngi ko bago ko tinawagan si Alden. Nang marinig ko ang boses ni Alden sa kabilang linya, hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko.
" Alden... "
" Dei, bakit ka umiiyak? "
" Alden si D-daddy, lumalala ang kalagayan nya. "
" Ha? Anong gusto mong gawin natin? Lumuwas tayo? Sasamahan kita. "
" No, Alden. Ako na lang ang luluwas. Kukumbisihin ko sya na magpa hospital. "
" Sasamahan kita, Dei. "
" Ako na lang Alden. Tumawag lang ako sayo para magpaalam. "
" No, hintayin mo ako. Sasamahan kita. "
" Alden, please. "
Bumuntong-hininga si Alden bago muling nagsalita. " Okay. But please i update mo ako. Saka kung may maitutulong ako Dei, please tawagan mo ako. Andito lang ako. "
" I know. I'll update you pagdating ko sa Manila. "
" Mag iingat ka Dei. I love you. "
" I love you too, Alden. "
Matapos magpaalam, agad na akong nag impake ng damit na dadalhin ko papunta sa Manila. Nang makapag impake, umalis na ako papuntang airport.
------------
Makalipas ang ilang oras na byahe, nakarating na rin ako dito sa bahay ni Daddy. Matagal tagal din noong huli akong nakabisita sa bahay na ito, sa bahay na kinalakihan ko.
Agad akong dumiretso sa kwarto ni Daddy. Nakahiga si Daddy habang nasa tabi ng kama nya si Bryan.
" Daddy... "
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...