For meshie xtinkyxbellax16 just a little reminder that you are loved...lamyu 😘😘* Alden's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Tanghali na pala. Agad kong kinapa si Dei sa tabi ko para yakapin, pero wala sya. Agad akong napabalikwas nang matuklasan kong wala sya sa tabi ko. Ang tanging nakita ko ay ang basyo ng bala ng baril sa gilid ng kama ko at isang baril. Kinapa ko ang katawan ko para tignan kung may tama ako ng baril. Pero kahit isang galos ay wala ako. Ibig sabihin buhay ako? Ibig sabihin hindi itinuloy ni Dei ang balak nya sa akin?
" Lord, hindi po ako pinatay ni Dei. Ito po ba ang sagot nyo sa hinihingi ko sa inyo kagabi? Kung oo po, ibig sabihin sya po ang inilaan Ninyong makasama ko sa buhay? " hindi ko napigilan ang pag-ulap ng mata ko habang nagsasalita. " Salamat po sa sagot nyo. Malabo man po sa akin ang dahilan ni Dei nalinawan naman po ako sa sagot ninyo. Maraming salamat po. "
Nang matapos akong magpasalamat agad na akong kumilos para puntahan si Dei. Alam ko kung saan ko sya makikita. Sigurado akong bumalik sya sa Baguio. Pupuntahan ko sya. Higit kailanman, ngayon ako mas kailangan ni Dei. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang ang kwento namin ni Dei. Tiwala akong hindi pa tapos ang lahat sa pagitan namin.
Nang matapos akong mag ayos nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko si Daddy na nasa sala.
" Alden, kailangang nating mag-usap. "
" Good morning, Dad. Importante po ba Dad, kailangan ko po kasing puntahan si Dei sa Baguio eh. "
" Umalis sya? "
" Opo, Dad. May kaunting misunderstanding lang po. " pagsisinungaling ko.
" Tungkol kay Dei ang pag-uusapan natin, Alden. "
Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. Tungkol kay Dei? Bakit?
" Anong tungkol kay Dei, Dad? Ano pong ibig nyong sabihin? "
" I'm sorry anak, kung nakialam ako. Gusto ko lang kasing makumpirma ang hinala ko. Pina background investigation ko si Dei, Alden. "
Kinabahan ako. Alam na ba ni Daddy na balak akong patayin ni Dei? Mas nauna nya pang nalaman kaysa sa akin?
" Anong hinala, Dad? "
" Pinaimbestigahan ko si Dei. Pinaimbestigahan ko kung sino ang mga magulang nya, Alden. Pinaimbestigahan ko kung ano ang pinagmulan nya. " sabi ni Daddy sabay abot sa akin ng isang folder. Binuksan ko ang folder para tignan ang laman. Mga pictures at mga dokumento ang nasa loob. Pero isang larawan ang nakakuha ng atensyon ko, larawan ng isang batang babae. Natigilan ako, parang pamilyar sa akin ang picture na iyon, hindi ko lang maalala kung saan ko nakita.
" Anong ibig sabihin nito, Dad? "
" Nicomaine Dei Mendoza ang totoong pangalan nya ay hindi Nicomaine Dei Capili, Alden. Alam mo ba yun? "
" A-ang alam ko po Dad, Dei Mendoza lang. "
Tumango si Daddy." Unang kita ko pa lang sa kanya Alden alam ko nang maraming sikreto ang pagkatao nya. Lalo kong nakumpirma noong minsan kaming nagkwentuhan, iniiwasan nyang mabanggit ang tungkol sa magulang nya. Kaya pilit kong tinuklas ang lahat. At hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. " tinitigan ako ni Daddy bago nagpatuloy sa pagsasalita. " Ang kinikilala nyang ama ay si Teddy Mendoza. Kilala ko sya, Alden ."
" Ha? Paano Dad? "
" Kaibigan ko sya. Magkaklase kami mula noong highschool hanggang college. Kaya naintindihan ko kung bakit ayaw ipaalam ni Dei kung sino ang magulang nya, dahil makikilala ko. "
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...