For xtinkyxbellax16 Happiest Birthday meshie. Lamyu😘😘😘
Makalipas ang isang linggo... Tingining ngining..
* Alden's POV
Marami man akong katanungan sa mga nangyayari sa akin, unti-unti ko na ring nagugustuhan ang mga pagbabago sa buhay ko. Hindi na ako magnanakaw. Hindi ko na kailangang takasan ang mga pulis. At hindi na rin manganganib ang buhay ko. Hindi na ako nabubuhay sa kalye, na matagal ko nang nais na takasan. Napaaga nga lang dahil kay Dei. Oo si Dei. Bagamat marami pa ring misteryo ang pagkatao nya, unti-unti ko nang natatangap ang mga misteryong ito. Pinili kong igalang ang mga misteryong yun at hindi na ako muli pang nagtanong kay Dei. Hihintayin ko na lang na sya mismo ang magsabi. Sa kanya naman mismo nanggaling na sasabihin nya ang lahat sa takdang oras diba?
Pilit ko mang itanggi sa sarili ko, nasasabik na rin akong makaharap ang Tatay ko. Siguro para na rin maitanong ko sa kanya kung bakit nya ako pinabayaan noon. O kung talaga bang pinabayaan nya ako? Siguro may dahilan sya kaya hindi nya ako nagawang ipahanap noon. Medyo nabawasan na rin ang ulap sa isip ko, dahil na rin kay Dei. Sya kasi ang nagbukas ng isipan ko para hindi ako magtanim ng galit sa Tatay ko.
Kaya hindi lang ang pangalawang buhay ko ang ipinagpapasalamat ko kay Dei, pati na rin ang lahat ng mga pangyayaring ito. Bilang ganti, bukal sa loob kong ginagawa ang mga kagustuhan nya. Lalong lalo na itong pagsasanay na ipinapagawa nya. Ano nga ba ulit ang tawag nya dito? Ah, personality development training nga pala. Ngayon kasi nasa unang araw ako ng pagte training ko. Magaling na kasi ang sugat ko sa tyan kaya kahapon nag decide si Dei mag-umpisa na daw ako ngayon. Para na rin mawala daw ang kilos kalye na nakalakihan ko at hindi ako mag alangan sa mundo ng Tatay ko kapag nagkakilala na kami.
Inaayos ko ang kwelyo ng t-shirt ko nang makarinig ako ng katok.
" Alden? "
Si Dei. Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko sya parang may mga naghahabulang insekto sa tyan ko. Kahit araw-araw kaming nagkikita dahil nasa iisang bahay kami, nasasabik pa rin akong makita sya. May kung anong ginigising si Dei sa sistema ko, kung ano yun, hindi ko rin alam.
" Alden? " muling naulit ang katok. " Nakapag ayos ka na ba?"
Agad akong lumapit sa pinto para pagbuksan sya.
" Magandang umaga, Dei. " nakangiti kong bungad sa kanya.
Ngumiti rin sya bago sumagot. " Good morning. Ready ka na ba? Mayamaya, dadating na ang trainer mo. "
" Ready na siguro? Hindi ko alam kung tama ba itong naisuot ko. " kahapon, lumuwas kami ng bayan para mamili ng mga gamit at damit ko. First time ko rin nakagala kahapon simula nang kupkupin ako ni Dei.
Bahagyang lumayo si Dei sa akin para tignan ang damit ko. " Saktong-sakto pala sayo ang mga damit na binili natin kahapon. Pero may mali eh. Halika. " hinawakan nya ang braso ko at hinila ako pabalik ng kwarto.
Iniwan nya ako sa harap ng salamin at dire-diretsong pumasok sya sa loob ng c.r. Paglabas nya, may dala ng syang razor at shaving cream.
" Here, aahitan kita. Ang haba ng balbas mo. " sabi nya ng makalapit sa akin. Nilagyan nya ng shaving cream ang baba at gilid ng pisngi ko.
" Bakit, ayaw mo bang may ganyan ako? "
" Ha? "
" Ahhh a-ang ibig kong sabihin hindi ba bagay sa akin? "
" Bagay naman. Kaya lang mas disenteng tignan kapag wala yan. " sabi nya bago nya ako sinimulang ahitan.
Hindi na ako umimik. Para kasing may masasabi akong mali kapag nagsalita pa ako. Kung saan saan talaga nakakarating ang isip ko kapag ganito sya kalapit sa akin. Napatingin ako sa labi nya. Ano kaya ang pakiramdam kapag hinalikan ko sya? Magagalit kaya sya? Baka karatehin ako? Okay lang siguro, basta mahahalikan ko sya. Hindi naman siguro ako mamatay sa karate chop nya.
Natapos na si Dei na ahitan ako pero titig na titig pa rin ako sa labi nya.
" Ayan, okay na. "
" Ahh, Dei? "
" Bakit? "
" Matagal ko na kasing gustong gawin sayo to. Okay lang kung karatehin mo ako pagkatapos. "
" A-ano yun? "
Hindi ako kumibo sa halip ay hinapit ko ang bewang nya palapit sa akin. Dahan-dahan kong pinaliit ang distansya sa pagitan ng mga labi namin hanggang sa maglapat na ang mga ito. Naramdaman kong naninigas ang katawan ni Dei habang magkalapat ang mga labi namin. Habang hinahalikan ko sya, pinakiramdaman ko kung tututol sya. Pero hinayaan nya lang ako sa ginagawa ko. Hindi nya sinasagot ang halik ko pero hindi naman nya ako pinapatigil. Kaya mas lalo ko syang hinapit para palalimin pa ang halik namin. Bahagya nyang inihilig ang ulo nya na para bang sinasabi nya na ipagpatuloy ko ang ginagawa ko. Marahan kong kinagat ang ibabang labi nya habang sya naman ay gumapang ang mga kamay patungo sa batok ko. Hanggang sa tuluyan nya nang ibinuka ang labi nya kaya malayang nakagalaw ang dila ko sa loob. Lalong bumilis ang mga naghahabulang insekto sa tyan ko habang hinahalikan ko sya. Lalo pa nang marinig ko ang mahinang ungol na nagmumula kay Dei.
Napabalikwas kami ng makarinig ng katok mula sa labas ng kwarto ko. " Madam Dei, andito na po yung trainer ni Alden." narinig kong sabi ng isa sa mga tauhan ni Dei. Agad na umatras si Dei bago magsalita." S-susunod na kami, Alexis!"
Nagsalubong ang mata namin ngunit mabilis syang umiiwas. " Lalabas na ako Alden, sumunod ka na lang. " sabi nya bago tumalikod para lumabas ng kwarto ko.
Nakangiti akong tumango habang sinusundan ko ng tingin ang papalayo nyang pigura.
* Dei's POV
Habang nasa kalagitnaan ng training si Alden, nasa gilid lang ako at nag oobserba. Napapitlag ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Si Daddy na naman. Tumayo ako para lumabas ng bahay bago ko sinagot ang tawag.
" Hello, Dad. "
" Anong balita? Sinabi mo noong nakaraan na babalitaan mo ako pero hindi ka na tumawag. Isang linggo na, Dei."
" Dad, sorry po. Naging abala lang po ako noong mga nakaraang araw. Nag-uumpisa na po syang mag training ngayon. "
" Yung pangalawang plano, Dei? "
Bumuntong-hininga ako bago sumagot. " Kailangan ko pa po bang ituloy yun, Dad? Magagawa ko naman ang unang plano nang hindi gagawin ang pangalawang plano. "
" Kailangan, Dei. Para makapasok ka sa buhay ng mag-amang yan. Make him fall for you. "
" Pero, Dad sarili ko na po ang nakataya sa gusto nyo. "
" It's a dying man's wish Dei. Bibiguin mo ba ako? "
There, alam na alam talaga ni Daddy kung saan ako titirahin para mapapayag nya ako.
" Dad... "
" Bibiguin mo ba ako, Dei? "
" Hindi po, Dad. Hindi. "
" Good. Now gawin mo na ang pangalawang plano, as soon as possible. "
" Yes, Dad. "
Bumalik ako sa training room na mabigat ang loob.
A/N: ayownn na nga, na reveal na ang 2nd plan ng mag-ama. Sino kaya ang Daddy ni Dei at bakit ganoon na lang ang galit nya kay Alden at kay Mr. Faulkerson. Magtagumpay kaya si Dei? Ebengen!
- feel free to drop a 💬 or click the ⭐below para mag vote ha, pakisamahan na rin ng extra rice😂😂😂😂
- tweet me up @nenengT ay @iamlhudy87 pala 😂😂 and kindly follow @AlDuBBigGirlz ha.. Salamat sa support!!!!
- all errors were mine.
BINABASA MO ANG
Trap. ( Completed )
FanfictionHighest ranking #60 in Fanfiction I am fire, if you want something sweet and nice, with no opinion, I am not the right woman for you. I spit flames. Often. I am Dei and my name spells danger. Would you dare? Start: December 8, 2017- February...