Chapter one

13.4K 203 22
                                    

"Hi, Kai!" masiglang bati ni Sam sa akin. Lage siyang ganyan. Hyper to the max.

"Hello, Sam!" tipid kong sagot.

Lumapit siya sa akin at bahagya pa akong tinapik sa braso dahil sa naging sagot ko.

"Problema mo? Agang aga nakasimangot ka!" puna pa niya sa akin.

Hay naku! Kung alam mo lang kung bakit muka akong pinag bagsakan ng langit at lupa malamang mas malala pa itsura mo sa akin..

Kasi naman, hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga nabasa ko sa social media. Hindi ko sasabihin sa inyo dahil baka malaman nyo pa.

Kaya ang ending, ayon I deactivated all my social media accounts.

"Hoy, tulala ka na dyan. Nag aadik ka ba?" untag na naman ni Sam sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at ang bruha nag peace sign pa.

Putek talaga!

"Tantanan mo ako Sam. Dun ka nga. Ayusin mo yung mga dadalhin natin sa medical mission." inis na utos ko sa kanya. Sumimangot lang ito bago ako sinigawan.

"Kaya ang panget mo eh, lagi ka nakasimangot!" sigaw niya ay mabilis na tumakbo palayo.

Bruha..
Kung di lang kita friend sinapak na kita.

And yes, kasama kami ni Sam sa isang medical mission. Isa akong volunteer nurse, and si Sam naman is a registered nurse na kasama na talaga sa mission.

Kasama din sa namin sa medical mission yung tatlong babaeng close friends ko. Bukod kay Sam na self proclaim bestfriends ay kasama sila sa circle of friends na meron ako.



"Goodmorning, Hera!" bati ko sa babaeng nakasalamin. Hera is a pediatrician. Kasama din sa mission.



"Morning!" bati niya sa akin.



Nilagpasan ko siya. Pupuntahan ko na lang yung head doctor namin. Malayo pa ako rinig ko na ang bangayan ng dalawang babae.



"Arhg!! You are so nakakainis! Look what you've done to my heels!" inis na bulyaw ni Jackie kay Ivy.




"Kasalanan ko bang naka heels ka? Sa bundok tayo pupunta, hindi sa fashion show! My ghad!" Ivy said and rolled her eyes.


"Bakit ba kasi you're nakikialam ha! Sa ito gusto ko eh!"- Jackie




"Whatever! 'Wag ko lang marinig reklamo mo mamaya ha!" -Ivy



"Good morning, people!" bati ko sa dalawa na abala sa pag babarahan.



"Morning too!" sabay na bati nila. Saka inirapan ang isa'isa.



Maybe palaging binabara ni Ivy si Jackie pero sobrang close nilang dalawa. Ganyan daw sila magmahalan sabi Sam. Ivy is a pharmacist, while Jackie is a nutrionist. Kasama sila sa medical namin. Registered din ang mga yan tulad ko.


My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon