Darkest Part 12

3.5K 91 46
                                    

Chapter 12:Reconciled with him?

Isang linggo matapos ang meeting ni Alexander Frost sa kay General Shiro Kigami ng Akaname Clan at Viper ng Viper Mafia ay medyo magaling na ang tamang natamo nila ni Lohan sa nangyaring engkwentro. Palaisipan pa rin sa kanila ang pagsulpot ng mga naka violet ninja outfit.

Samantalang hindi mapakali si Yana sa nabalitaan..

"Is he okay now?" tanong niya kay Samantha.

"Uhuh! Malakas si Alex, bestie. Don't worry," nakangising sagot naman nito. "Nag aalala ka talaga sa kanya?"

"Ofcourse! Ano bang klaseng tanong yan?" inis na singhal nito sa kausap.

"Muling ibalik na ba ang dating pag ibig? Kyaaahhhh....kinilig ako!" rinig na rinig ni Yana ang tili at hagikgik nito mula sa kabilang linya. Nai-imagine na din niya ang nakangisi nitong mukha at nanunuksong mga mata.

"Tse! Balitaan mo ako kung may mangyayari," bilin naman nito sa kaibigan. Pinutkl na niya ang usapan dahil ayaw niyang kung ano pa ang marinig na sasabihin ng kaibigan.

"Ofcourse, I will."

Nakaupo si Yana sa couch katabi ang kambal. Kaharap niya si Yael at Eros. Mula ng mangyari ang meeting ay puzzled pa rin sila kung sino ang tumulong kila Alex.

Nagtataka si Yana dahil hindi niya kilala ang tumulong sa mga ito.

"May alam ba kayo kung sino sila?" tanong ni Yana sa dalawa niyang kuya.

"Wala. Pero ang crest nila, same sa crest ng Empress. Sure ka bang hindi iyon yon?" nagtatakang tanong ni Yael. Nakatitig lang ito sa kanya na tila nasa mukha niya ang sagot.

"No. You know that my men wears black, right? And I don't tell them to interfere. Only our men in Ichida comes to the venue." Napatango naman sila sa narinig.

Habang nag uusap ang tatlo, ang kambal naman ay lihim na nagkatinginan. Tanging mata lang nila ang nag uusap. Kibit balikat ang ginawa nila at nakinig sa matatandang kaharap.

"They call themselves, Shadows Army." Biglang sabat ni Eros.

Nanlaki ang mata ni Yana sa narinig. "How is that possible? I know, no one from the Shadows Army left until they passed the crown to me." bakas sa mukha ni Yana ang pagkagulat.

"Ano? Paano mo nasabi?" takang tanong ni Eros.

"Many centuries ago, our clan changes the successor from heir to heiress. Since then, they decided that only the first born female can lead the clan. Because almost one decade that time, all the members in Ichida family can't have a male heir. Kaya napagpasyahan nila na babae na lang ang mamumuno. Ilang dekada ng ganon. Kaya nakapagtataka na magkaroon ng Emperor ang Shadows Army," paliwanag ni Yana.

"Kung ganon, sino ang bagong Emperor? Kakampi ba natin siya?" tanong ni Yael na napaisip ng malalim.

"Maybe, maybe not. Their not supposed to be involve in this mess. For sure alam na ng Akaname ang tungkol sa kanila." Sagot ni Yana.

"Ano bang meron sa Emperor?" tanong ni Eros.

"The Emperor is the counter part of the Empress. They almost work from the shadow. That's why they called Shadows Army. Walang nakakakita sa mukha nila at lalong walang nakakaalam na nag e-exist sila. No one can saw the Emperor's face. Tanging boses lang ang naririnig ng mga members nito. He's so mysterious at talagang nakakatakot ang presence niya kahit boses lang ang marinig mo. Kaya din maraming clan ang takot sa kanya dahil kaya niyang ubusin ang isang buong clan sa loob lang ng isang oras." Paliwanag ulit ni Yana.

"Ganoon siya kalakas?" manghang tanong ni Eros.

"Yes. No one cross their path to the Emperor. Kung makapangyarihan ang Empress, mas malakas ang Emperor." sagot pa niya.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon