Darkest past 17

2.7K 81 39
                                    

Chapter 17: Roxanne


Yana's Pov


After that attack on the resort, we decided to go home. Tulog ang mga bata dahil sa pagod. Iuuwi ko na sana ang kambal sa mansyon pero hindi pumayag si Alex.


He insisted na sa Frost mansion iuwi ang mga bata. Ang sabi niya, gusto niyang makasama ang mga ito. Gusto niyang bumawi sa amin kaya pumayag na din ako. Tutol pa nga si Kuya El sa gusto ni Alex pero wala din siyang nagawa. Umuwi kami sa Frost mansion at naiwan si Kuya El sa resort. Siya na lang daw ang mag aayos ng mga kalat doon. Kaya pumayag na lang din ako.


Si Kuya Eros naman ay kasama namin pauwi at hinatid lang kami dito sa bahay ni Alex bago umalis na rin. Kaya ngayon nandito kami ni Alex nagbabantay sa mga bata. Ang iba naman may inaayos. Tungkol pa rin attack na nangyari.


Gusto pa ni Alex na dito na kami umuwi, mag asawa pa din naman daw kami at may mga anak. Hindi sana ako papayag pero hindi ko talaga kaya na tumanggi. Hindi ko na iniisip ang sarili ko dahil matagal ko na naman siyang napatawad. May kasalanan kami pareho kaya walang dahilan para magtigas. Walang dahilan para mag inarte at magpakipot.



Ngayon pa kung kelan tanggap na ng kambal ang tatay nila, mag iinarte pa ba ako? Iyon lang naman ang pumipigil sa akin noon, pero ngayon, karapatan ng mga anak ko na makasama ang tatay nila. I heaved a sigh.




Magkakatabi ang mga bata dito sa room ni Xia. Nakakatuwa silang pagmasdan. Nakayakap yung kambal lay Xia. Hinayaan ko na sila at lalabas na sana ng pumasok naman si Alex.



"Aalis ako sandali. May meeting kami nila Rex," sabi nito bago lingunin ang mga bata.


"Sige. Ako ng bahala sa kanila," sagot ko. Nakangiti siya habang tumatango. Ang tungin niya ay nasa mga bata pa rin.




"Ang laki na nila. I never thought na magiging ganyan sila ka sweet sa isa't isa. Kung sana lang nakita ko ang lahat
mula ng baby pa lang sila." Nakayuko siya at halatang malungkot. Tinapik ko ang balikat niya kaya napatingin siya sa akin.




"Kaya nga kami nandiyo di ba? Chance mo na para bumawi. Sige na, ako na bahala sa kanila," tumango siya pero bago lumabas ay humalik pa muna ito sa noo ng mga bata.






"Babalik ako agad." He said then kiss me.



Napangiti na lang ako. Sinundan ko lang ng tingin si Alex habang palabas siya ng room ni Xia.




Naupo lang ako sa sofa habang nagbabantay. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko. Si Kuya El ang tumatawag.



"Kuya El?" sagot ko.



"Baby, we need you here. There something happen. Lahat ng tauhan natin na. Kailangan moarinig ang report nila."




Ramdam ko sa boses ni Kuya El na may problema talaga. I need to go home as long as possible. Pero walang maiiwan sa mga bata.



"Is it that serious? Di ba pwedeng ikaw na lang ang mag decide?" tanong ko sa kanya.



"No, baby. You know the protocol. Your presence is a must. Iwan mo na lang muna ang mga bata dyan. Susunduin ka ni Eros dyan."



Sasagot pa sana ako ng ibaba na niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako. Doon ko lang napansin na gising na si Xia at mataman lang akong tinitingnan. Tumayo ako at lumapit sa kanya.



My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon