Chapter Twenty Two

3.8K 86 9
                                    





"WHAT HAPPENED TO THEM?" hindi makapaniwalang tanong ni Alex. Mabilis niyang tiningnan ang lalaking nakahiga couch na puno ng dugo ang mukha. Napaisip ang lalaki. Kung sino man ang gumawa noon ay tiyak na malakas siya.


"Naabutan ko sila na ganyan. Si Kairi binubugbog ang isang yan." turo ni Knight sa lalaking may sugat sa balikat. Napatingin sa kanya ang lahat.



" Bakit si Kairi? Anong ginawa niya?" tanong niya kay Knight. Nagkibit balikat lang ang lalaki. Kaya binalingan niya ng tingin ang asawa. Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya. Napalunok siya sandali saka binalingan ang lalaking may sugat sa balikat.


"What happened?" tanong niya sa malamig na boses.

"I saw him. Binato niya ng dagger ang babaeng yan. Pero nasalo ng babae kay ibinalik niya ito at ako ang tinamaan." tumigil muna siya saka tumingin sa paligid. Nandoon ang lahat. "Tapos sinugod siya ni Greg. Hindi sana siya lalaban kaso natamaan itong babae sa sikmura. Nagalit yang babae kaya pinatulan si Greg. Kaya ayan basag ang mukha."


Halos hindi makapaniwala ang lahat sa narinig. Knowing Greg Kurov. Isa siyang malakas na lalaki pero nabugbog siya ng babae. Siguradong malakas ang babaeng iyon. Iyan ang nasa isip ng lahat.



Bago pa makapag react sa narinig ay napalingon ang lahat sa tunog ng takong na papasok sa black hall. Hindi lang isa. Kundi apat na babae ang papasok doon. Napatigil ang lahat. Unang pumasok ang babaeng may maikling buhok. Maamo ang mukha nito. Malamlam ang mata at halatang madaldal. Nakangiti na ito pagpasok pa lang ng black hall.

"At last! We're finally home! Welcome back to us!" sigaw niya. Lahat nakatingin sa kanila. Pati ang tatlong babae na kasunod niya ay nakangiti na din. Napatingin ito sa couch at doon nakita ang lalaking duguan.

"Oh my ghad. What happened to him?" mabilis siyang napatakbo sa couch at sinuri ang lalaki. Bugbog sarado at tiyak na malala ang lagay.

"Ang lakas ng gumawa nito sa kanya ah. Sino bang nakalaban nitong si Kurov?" nag aalalang tanong niya.

Samantalang si Kairi ay nakakuyom na ang kamao. Ang marinig ang matinis na boses ng babae ay nakapag painis sa kanya. Ang boses na kilalang kilala niya. Kaya hindi niya napigilan ang sumagot ng magtanong na ito.

"Ako ang may gawa." sagot niya. Tumayo siya upang mapansin ng bagong dating. She remain her face blank. She used her intimidating aura.

Mabilis na napalingon ang babae sa kanya. Natulala ito at napakurap. "Kai-ri?" mahinang tawag nito sa babae. Agad siyang napayuko. Naglakad palapit sa kanya si Kairi.


Kinakabahan man siya ay hinarap niya ang kaibigan. "Kairi." tanging usal niya. Nang makalapit sa kanya si Kairi ay isang malakas na sampal ang ginawa nito. Napanganga ang lahat dahil sa gulat. Maging ang tatlong babae na kasama ng dumating ay nagulat sa ginawa ni Kairi.



"Walang hiya ka. Akala ko patay kana. May paiyak iyak pa ako noon. Tapos ngayon maririnig ko ang matinis at nakakairita mong boses na bruha ka! Nagawa mo pa talagang maging masaya ha. Akala ko talaga patay kana." napaiyak na siya dahil sa inis sa kaibigan. Kahit tulala ay hindi napigilan ng babae ang maiyak.

"Waaaahhhh.. Kairi, sorry kasi. Kailangan ko iyong gawin. Nasunod lang ako sa utos. Patawad!" sabi niya saka umiyak. Mabilis siyang niyakap ni Kairi. Alam niya ang dahilan kung bakit iyon nangyari. Kaya hindi niya matitiis ang kaibigan. Ang kaibigan niyang itinuring siyang bestfriend kahit lagi siyang pinagtitripan nito. Ang nag iisa tumanggap sa kanya. Si Samantha.


"Shhh..I know what you did. Hindi ako galit. Naiinis lang ako. " sabi niya saka inilayo sa kanya si Samantha.

Ang mga tao sa paligid ay tahimik lang ba nakatingin sa kanila. Walang ni isa sa kanila ang gustong sirain ang reunion ng dalawa.

"Talaga bestfriend hindi ka galit?" di makapaniwalang tanong ulit ni Sam sa kanya.

"Oo nga. Wag mo akong inisin kung ayaw mong matulad sa lalaking iyan." sagit niya ng may pagbabanta. Agad na ngumiti sa kanya si Sam.

"Ikaw naman, wag ka mainis ha. Sayang yung face ko eh pag nasira. Pero ikaw talaga may gawa niyan sa kanya?" nag umpisa naman siyanv magtanong. Paulit ulit na lang.

"Oo nga. Ganyan ang nangyayari sa taong nang iinis sa akin." saka siya tumalikod at bumalik sa couch na kinauupuan niya.


Si Samantha naman ay napatingin sa paligid. Lalo na sa boss na kanina pa kunot ang noo.

"Opps...sorry for the drama. Continue the meeting please. Death, I'm sorry." she said in an apologetic face. Tipid din siyang napangiti. Tumango lang si Death saka magpapatuloy na sana ng..

"Wait. Butler Steve can you get the first aid kit? Kailangan magamot ng lalaking iyan." mabilis na kumilos ang butler. Pagbalik nito ay may dala itong first aid kit.

"Pakibigay na lang kay Samantha. Siya ang bahala na gumamot dyan. Nurse yan kaya alam niya ang gagawin!" saka niya tiningnan si Sam. Nakasimangot ito. Gusto niyang matawa pero pinigilan niya.

"Grabe ka besty, ako ang gagamot sa binugbog mo? Kelan ka pa natutong mambugbog ng lalaking pogi ha? Sayang ang face ni fafa greg." komento niya pero inirapan lang siya ni Kairi. Sa puntong iyon ay tumayo na sa harapan si Alex.



Nakuha niya ang atensyon ng lahat maliban kay Samantha. "That's the reason why we're telling to all of you that stay away to my wife. This could be a warning!" pahayag niya. Napatingin siya kay Kairi na taglay pa din ang intimidating aura niya. Ramdam iyon ng lahat. Maliban na lang kay Samantha.

"ALL OF YOU, MEET MY WIFE. KAIRI BELCHER!" saka tumayo si Kairi sa tabi ni Alex. Doon nagulat ang lahat. Ang babaeng nambugbog ng isang assassin ay asawa ng mafia boss. Hindi makapaniwala ang lahat. Lalo na si Samantha.


"What? Asawa mo si Kairi? How?" gulantang na tanong ni Sam. Pati si Kairi ay nagulat. "I will tell you everything later." iyon ang sagot ni Kairi sa kanya. Habang ang pinababantayan niya ay hindi mapakali sa nakikita. Hindi alam ng dalawa na may nagmamasid na sa kilos nila.


Pumalakpak si Alex upang makuha ang atensyon ng lahat. Si Kairi ang magsasalita. "It's nice to meet all of you. I know that I shock the hell of you but, I want you all to know that I am glad to be here with you!" saka siya nagpakawala ng isang ngiti. Isang mala anghel na ngiti. "Last thing, I want to share some words for all of us. Being in the mafia, it means a lot. You have to give your trust and loyalty. Trust us and we will be trusting you. Being loyal to us and we will be loyal to all of you." tumigil siya sa pagsasalita saka tiningnan ang mga nasa loob ng hall. "If you can't give that to the mafia it means that you can leave us. But, you know the punishment. One word that we cannot tolerate. And that is, betrayal. Don't dare to betray us, because I will not hesitate to kill any one or someone who did that." she said in her most coldest tone. She is using her intimidating aura again. Ramdam iyon ng lahat. Bumalik siya sa tabi ng asawa at hinayaan iyong magpaliwanag sa susunod na gagawin nila. Lahat ay may gagawing mission. Actually, isa iyong bait, dahil gusto nilang mahuli ang traydor sa mafia.



The transaction is normal. Smooth like it's used to be. Walang mag aakala na isa lamang iyong set up. Humanda ang sino mang traydor. Walang makakaligtas sa isang Alex Frost..






**


Itutuloy..

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon