Darkest Past 4

3.4K 69 11
                                    

4: The twin is missing

Third Person

Pag alis ng Queens ay siya namang alis ni Yana. Nag paalam siya sa kambal na may pupuntahan.

Naiwan ang kambal sa Ichida Mansion. Nasa may kwarto lang nila ang kambal at busy sa kung anong bagay. Tila may meeting ang dalawa. Naglock ng pinto ng room nila at nagsimulang mangalap ng information.

Nasa harap ng laptop niya si Zage at busy sa pagta-type habang si Kage ay hawak ang dagger niya.

"So, any info about sa Akaname?" tanong ni Kage. Nakatingin ito sa kisame habang nakahiga sa kama. Sa kamay niya ay pinaglalaruan ang dagger niya.

"Wala pa." Sagot naman ni Zage na nasa laptop niya ang paningin.

"Eh, ano ang tinatype mo dyan? Wala ka naman palang nakuha eh!" masungit na tanong ni Kage sa kambal niya.

"Chill, bro," natatawang kontra niya sa kapatid. " I tracked where the Queens, going. And it says that, medyo malayo sa atin!" napaupo si Kage dahil sa narinig. Nanlaki ang mata niya at napalingin sa kakambal.

"You, what?" bulalas niya.

"Nilagyan ko ng tracker si Tita Sam. Alam ko na ngayon ang address nila. And may iba pa akong nalaman." nakangising sambit niya. Nagsuot ito ng headset at tahimik na nakinig. Samantalang si Kage naman ay nakatingin lang ng nagtataka sa kanya.

"Wake me up, if your done, okay?" bored ng sabi ki Kage sa kambal niya. Minsan hindi niya maintindihan ang mga ginagawa ni Zage kaya hinahayaan na lang niya.

"Sure." nakangising sambit nito.

Napabalikwas siya dahil sa malakas na pag yugyog sa kanya ni Zage.

"Kuya, I want to go to the mall." sabi nito sa kanya.

"Hindi tayo papayagan. Wala si Bee,"  bored na sagot ni Kage.

Napasimangot si Zage sandali pero bigla rin siyang napangisi.

"Then, magpaalam tayo kila Tito's at magpasama." Hindi sumusukong sabi niya.

Walang nagawa si Kage kun'di pumayag. Mabilis siyang hinila ni Zage at nagmamadaling lumabas

Pagkababa ay naabutan nila si Yael sa living room at nilapitan ito.

"Dada El.." taqag ni Zage kay Yael. Napalingon ang lalaki sa tumawag.

"Oh, my handsome babies. Anong problema? Nagmamadali kayo?" taas kilay na tanong ni Yael sa kambal.

"Dada, can we go to the mall?" nagpapacute na tanong ni Zage.

"Nope." mabilis niyang tanggi.

"But, why?" bored na tanong ni Kage. Naghihikab pa ito.

"Because your mom said. You can't go somewhere." paliwanag naman ni Yael sa dalawa.

"Sige na, Dada. Ikaw naman kasama namin eh. Please, ngayon lang po!" teary eyed na paawa ni Zage. Medyo nahabag naman si Yael sa itsura ng pamangkin kaya pumayag siya.

"Alright. But, only one hour,okay? Baka bumalik ang mommy n'yo ng wala kayo eh, magpanic sya. Baka mabugbog ako no'n!" kamot batok na sagot ni Yael

Lihim naman na nagtinginan ang kambal at saka ngumisi sa isa't isa. Excited na sila.

Nagtakbo ang kambal pabalik sa room nila at nagmamadaling magbihis.

Pagbaba ng dalawa ay ayos na ang suot nila. Nakasuot sila ng polo shirt at short. Naka rubber shoes din sila. Si Kage na nakasuot ng cap, samantalang si Zage naman ay may suot na reading glasses.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon