Darkest Past 1

4.1K 89 11
                                    

1: Evacuation Plan

Third Person PoV

Isang malakas na paghampas ng kamay ang kumalampag sa mahabang lamesa ng conference room ng Ichida Clan. May meeting sila dahil sa iniisa-isa ng kalaban ang base nila na nasa iba't ibang lugar sa Japan. At ngayon nga, ang threat na natanggap nila ay hindi para sa clan kundi, para sa mga bata.

Nagulat ang lahat ng nandoon dahil sa kilabot. Nakakatakot tingnan ang empress. Hindi bakas sa mukha niya ang galit ngunit, ramdam nila ang madilim na aura nito. Isa-isa silang tiningnan nito ng matalim.

"Listen! I want a report! Who's behind in this threat? Ang lakas ng loob nila na takutin tayo!" seryosong tanong ng Empress. Malamig at walang emosyon. Ngunit sa kalooban niya ay nagpupuyos siya sa galit.

Hindi lang kasi sa kanila basta pinadala ang pagbabanta. Kasama dito ang anak niya. Kung para lang sa Clan ay balewala ito. Pero ang idamay ang anak niya ay ibang usapan na.

"Empress...alam na namin kung sino ang nagpadala," sagot ni Kier. Ito ang leader ng mga spy sa Clan.

Mabilis nitong ibinigay ang papel na kanina pa niyang hawak. Hinablot ito ng Empress at saka binasa.

Kitang - kita ng lahat kung paanong lamukusin ng Empress ang papel. Ang kaninang tila kalmado nitong mukha ay nawala na. Mas dumilim ang aura nito at mas lumamig ang tingin.

"I want all of you to prepare. Evacuate our people. The Elders, sent them to the other  country. No one will stay here. We will abondoned this main base. The security of our family is our first priority." utos niya sa lahat ng nandoon. Alam niya na hindi dapat nila ito ginawa. Ang clan nila ay muling niyang naibalik at naging matatag sa loob ng apat na taon. Kaya naman hindi niya papayagan na masira lang ito basta.

"Pero Empress, kaya naman nating lumaban. Bakit hindi natin sila labanan?" tanong ng isang kasama nila. Ang leader ng mga assassin. Si Flint.

"I know. But, family is our priority. Ishida Clan is our family. We have to save them first. Hindi tayo pwede pakampante. Tayo, kaya natin lumaban. But the children and the Elders, hindi. Kapag safe na sila, we will start our battle." paliwanag niya. Alam niya na naiintindihan siya ng mga kasama. Kahit ang mga Elders ay ganun din.

"Teka nga Empress, sino ba ang nag papadala ng threat sa atin?" tanong ni Eros. Wala itong idea sa kung sino ang kalaban. Lahat naman sila walang alam. Tanging si Kairi at si Kier ang may alam.

Walang nagsalita. Hinihintay nila ang sasabihin ng Empress.

Habang si Kairi naman ay hindi alam kung ano ang nasa isip. Gusto ng lahat na malaman kung sino ang bago nilang kaaway.

"Kier," tawag niya sa leader ng mga Spy. Tinanguan niya ito. Alam na nito ang gagawin.

"Akaname Clan. Kilala sila sa pagiging brutal. Pumapatay sila ng inosente. Nalaman din namin na kumukuha sila ng mga tao sa iba't ibang bansa at ginawa nilang assassin. Nagbebenta ng mga high grade cocaine at ng high powered fire arms." pagbibigay alam nito sa lahat. Napasinghap ang mga nakarinig.

"They don't exist for how many years. Natalo na sila ni Shadow!" gigil na sabi ni Yael. Bukod sa Elders, si Yael ang nakakaalam noon. Siya ang pinaka matanda sa magkakapatid na Ishida-Storm.

"Yes, natalo na sila. Binura ni Shadow ang existence nila. Pero nagbalik sila. Bumalik sila para tapusin ang laban. Ang laban na sinimulan ni..." hindi nanatapos ni Kier ang sasabihin. Pinutol ito ni Kairi.

"Kaya ngayon, sa atin nag uumpisa dahil tayo ang may gawak ng Japan. Kapag natalo nila tayo, aangat muli sila. They want power and fame...." paliwanag ni Kairi sa lahat. "And they want me." dagdag pa niya.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon