Darkest Past 5

3.5K 81 21
                                    


5: The twins met him..









THIRD PERSON*







"BEE?" gulat na sigaw ng kambal. Nanlalaki ang mata nila dahil nasa harapan na nila ang nanay nila.






Nakatayo si Yana sa harap ng kambal. Nakayuko naman ang mga ito dahil alam nila ang maling nagawa.






"Alam nyo ba kung gaano ako nag aalala ng malaman kong nawawala kayo? Ha?" sambit niya na halatang nagpipigil na sumigaw.





Kahit paano ay ayaw niyang sigawan ang kambal lalo na't wala sila sa mansyon.






"I'm sorry, Bee. Gusto lang namin kasi pumunta dito sa mall." hinging paumanhin at katwiran ni Zage.






"Kahit na! Alam nyong bawal. Pero ginawa nyo pa rin. Ang malala pa, umalis kayong dalawa ng walang paalam sa Dada nyo!" cold na siyaw ni Yana. Mas lalong napayuko ang kambal.







Dahil medyo napalakas ang sigaw niya ay nakatawag ito ng pansin sa ibang nasa loob ng depatment store. Napalingon din ang dalagitang hindi kalayuan mula sa kanila.





Napatitig ito sa babaeng sumigaw. Biglang kumabog ang puso niya sa nakikita. Hindi siya pwedeng magkamali..





Dahan-dahan siyang napalapit sa mga ito. Habang lumalapit ay nakatitig lang siya sa mukhang ng babaeng matagal na niyang hinanap.



"Mommy...." bulong niya ng makalapit siya.




Narinig ito ng babae at napalingon sa kanya. Halatang nagulat ang babae at hindi kaagad nakapag react. Napatitig siya sa batang babae na ngayon ay nagsisimula ng umiyak..




"Mommy...Mommy ko...." umiiyak na sambit ng dalagita. Mabilis itong lumapit kay Yana at yumakap ng mahigpit.





Mommy...akala ko hindi na kita makikita. Akala ko iiwan mo na talaga ako.." naiiyak na sambit nito. Si Yana naman ay tila natuod sa kinatatayuan niya. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa nasaksihan.





Alam niyang mangyayari iyon ngunit hindi siya naging handa. Ngayon ay nasa harap na niya ang anak na si Xia.





"Mommy...miss na miss kita. Matagal na po kitang hinihintay na bumalik. Thanks po at bumalik ka na...." sabi pa nito habang nakayakap kay Yana.





Niyakap siya pabalik ni Yana dahil hindi niya kayang tiisin ang anak. Matagal silang nagkahiwalay at namiss din niya ito.




Samantalang ang kambal ay nakatingin lang sa dalawa ng nagyayakapan.




Si Zage na nakangisi ng nakakaloko dahil tagumapay ang ginawa niya. Habang si Kage naman ay seryoso. Tumalim ang tingin niya kay Xia.




Lumapit siya at kinalabit ito.



"Excuse, Miss. But, why are hugging my Bee?" malamig na tanong ni Kage kay Xia.




Mabilis na kumalas ng yakap si Xia kay Yana. Tumingin siya sa kumalabit sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil may bata doon na masama ang tingin sa kanya.





"I'm hugging her because she's my mom!" nakangiting sagot niya kay Kage. Napatingin si Kage kay Yana.





"Mom? Anak mo siya, Bee?" tanong niya kay Yana.



My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon