Darkest Past 6

3.9K 110 41
                                    


Chapter 6: Protecting her

Isang linggo ang nakalipas mula ng mangyari doon sa mall. Ang may pakana, ang kambal. Hindi alam ni Yana kung magagalit ba siya sa anak niya o matutuwa dahil sa edad ng mga ito ay masyadong na silang matalino.

Napabuntong na lang siya ng maalala ang walang katapusang paliwanag ng mga anak niya.

Flashback..

Pagkarating pa lang nila sa Ishida mansion ay hinarap na ni Yana ang kambal pati na rin ang kuya Yael niya.

"Now! Explain! What the hell are you doing in that mall?" nanlalaki ang mata at pigil na galit na sigaw niya sa kambal. Usually hindi niya sinisigawan ang mga anak niya. Ngayon lang talaga. Dahil sa inis na kanina pa niya naramdaman ay hindi siya nakapagpigil.

"Chill first, Bee. I'm gonna explain everything!" nakangisi pang sagot ni Zage. Dahil sa sinabi ng anak ay pinanlakihan lang niya ito mata. Naupo siya at kinalma ang sarili.

Tiningnan niya ng masama si Zage bago ulit nagsalita.

"Make sure na valid ang reason mo, Zage. Dahil kung hindi. Alam mo na ang mangyayari.." makahulugang banta niya sa nakangising anak.

Samantalang tahimik lang si Kage habang nakaupo. Naghihikab pa ito at tila bored sa nangyayaring paliwanagan. Nilingon siya ni Yana at sinamaan ng tingin.

"Hindi mo ba tutulungan ang kapatid mo magpaliwanag ha, Kage?" malamig na tanong ni Yana sa isa pang anak.

Tiningnan lang sandali ni Kage ang kapatid bagi nilingon ang nanay niya.

"Nope. He can handle that!" bored na sagot niya bago pumikit. Taas kilay naman si Yana na sinulyapan ang anak. Kahit kailan talaga tamad magsalita si Kage. Sa isip ni Yana.

Si Zage naman ay nahagikgik pa kahit pinapagalitan na niya. Alam niyang takot ang kambal sa kanya pero kapag ganitong nakakangiti pa ang makulit niya anak ay alam niyang may valid reason ito.

"ZAGE.." malamig at may awtoridad niyang tawag sa anak. Napangiwi ito saka humarap sa kanya.

"Ah, kasi po..Bee, ganito iyon.." tila hindi alam ni Zage kung paano umpisahan ang sasabihin. Kaya naman...

"Expalin from the start..." mahina ngunit malamig na sambit ni Yana. Si Yael naman ay tahimik lang. Hindi siya magsasalita kung hindi pa kinakailangan.

"Okay. Kasi ganito iyon Bee. Di ba pumunta sila Tita Queens dito? Tapos noong kinukulit nila kami naisipan kong lagayan ng tracking device si Tita Sam.." umpisang paliwanag ni Zage habang nakatingin kay Yana. Napakunot naman ang noo niya dahil sa narinig. Maging si Yael a ganoon din.

"Continue.."

" Tapos diba umalis na sila. Nilagay ko yong device sa kanya para malaman ko kung saan sila nakatira. Then boom..I know na." nakangiti pang paliwanag si Zage na mas ikinakunot ng noo no Yana.

"At bakit mo naman naisipan na lagyan ng tracking device si Tita Sam mo? Bakit gusto mong malaman kung saan sila nakatira?" taas kilay na tanong ni Yana sa anak.

"Gusto ko lang malaman. Tapos hindi sinasadya na malaman ko kung saan sila nakatira. Na excite ako kasi may audio iyong device. Nalaman ko na kasama pala nila si Xia sa bahay. Tapos pinilit niyang pumunta sa mall. Kaya gumawa ako ng paraan para makapunta din kami doon." nakangisi pa ring paliwanag nito.

"Kaya pinilit n'yo si Dada nyo na pumunta kayo sa mall na iyon?" di makapaniwalang tanong ni Yana sa anak.

"Hehehe....Yes po, Bee. Sorry!" nakayuko ng sabi ni Zage. Napabuntong hininga si Yana dahil sa nalaman.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon