Darkest Past 9

3.1K 67 15
                                    


Chapter 9: Alex knew who is Lianna

Third person's Pov

Napanganga ang tatlong lalaki, samantalang si Alex naman ay napatulala.

Nabigla din ang Queens pati na si Xia. Akala nila ay hindi magpapakilala ang kambal sa totoo nilang pangalan pero nagkamali sila.

"Wow! Anak mo nga sila Pards!" namamanghang sabi ni Dave. Madaldal talaga.

"Anong pangalan ng tatay nyo?" agad na tanong naman ni Lohan sa kambal.

"Alexander Frost?" patanong na sagot ni Zage. Samantalang si Kage naman ay biglang tumalim ang tingin kay Lohan.

Naramdaman ng lahat ang malakas na aura na nagmumula kay Kage kaya naman napatingin si Zage sa kakambal.

"Kuya, chill." Nakangising sabi nito bago humarap sa kakambal. Tumango si Kage at napaupo kaya nawala ang malakas na aura nito.

Natahimik naman ang lahat. Si Alex ay nanatiling nakatitig sa kambal.

Tumabi si Zage sa kay Kage at bumulong.
"Hindi ba magsasalita si Alex? Hindi ako na inform na pipi pala sya, Kuya!"

"He's not deaf Zage. Hindi yata matanggap na anak niya tayo!" nakasimangot si Zage na nilingon si Alexander.

Samantalang si Xia naman ay nagpipigil ng tawa habang nakikinig sa bulungan ng kambal.

"Batuhin ko kaya sila ng dagger? Nakakainis yung mga tito ni Xia." ngumisi bigla si Kage sa idea ni Zage. Naglabas sila ng dagger at mabilis na binato ang apat na lalaki.

"What the fvck!" si Rex

"Holy shit!" si Dave

"Fvck!" si Lohan.

Samantalang si Alex ay matalim na tiningnan ang kambal. Sa klase ng tingin niya ay tiyak na matatakot na ang lahat na sinong tao na nakakakilala sa kanya. Pero ang kambal ay nginisihan lang siya. At isa pa, iniisip niya na paanong may dagger ang kambal sa edad ng mga ito? Hindi ba ito pinagbabawalan ni Kairi? Iyon ang naisip ni Alex.

"Wahahahahhaha...ang epic ng mga mukha nyo, Titos!" malakas na tumawa si Xia at nginisihan ang mga lalaki.

"Aba't! Hoy, kambal bad yang ginawa nyo ha! Bawal sa bata ang dagger!" singhal ni Rex sa kambal.

"Says who?" taas kilay na sagot nama' ni Zage.

"Ako! Bawal yan sa bata!" singit naman ni Dave.

"Bee, knows that we have a dagger and even our Dada knows it," sagot naman ni Kage.

"Ano nasampulan kayo noh? Ang daldal nyo kasi eh! Saka hindi lang kayo ang nabato nila ng dagger." sabat ni Xia sa usapan.

"What do you mean, Xia?" seryosong tanong ni Alex sa anak.

Napangisi si Xia bago hinarap ang ama. "Alam nyo ba na may binato sila pagdating pa lang nila sa Pilipinas? Binato nila ang kawawang lalaki at na pin ito sa pader. Kaya wag nyo galitin ang kambal na yan!" paliwanag ni Xia.

"Okay lang ba kay Kairi na may dagger ang anak nya? Hindi yan laruan ah." Seryosong tanong ni Rex.

"Lianna is our mother's name. Not Kairi," seryosong sabi ni Kage na may matalim na tingin. Napalunok naman si Rex.

"Huh? Kalan pa naging Lianna ang name ni Kairi?" tanong naman ni Lohan.

"Since, she regains her memories. Her true name is Lianna Storm." tila bombang sumabog iyon kay Alexander. Napatitig siya kay Zage. Nilingon niya si Xia ng bumulong ito.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon